Chapter 24

31 11 1
                                    


LLOISZA'S POV

Nagising ako sa isang unfamiliar na kwarto. Babangon na sana ako nang bigla naman ako pigilan ng isang tao na matagal ko ng hindi nakakausap.

"Huwag ka munang bumangon..." nag-aalalang sabi ni Rebecca at hiniga ulit ako.

"Rebecca? Why are you here? Bakit nasa hospital ako?" Takang tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid.

"Tinawagan ako ni tita kasi raw nahimatay ka. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Sabi ng Doctor eh overworked daw at kailangan mong uminom ng vitamins!" Irap na sabi nito.

Shit! Baka pagalitan ako ni Braide because of this! Kailangan ko ring bumalik dahil alam kong marami ring gagawin sa Hotel! Shit shit shit!

"I have to go-"

"Ano ba Lloisza sasapakin kita eh! Papagalitan ako nila tita at tito! Alam mo bang galit na galit sila?!!" Inis na sigaw sa akin ni Rebecca, napakamaldita talaga kahit kailan. "Saka may lalaking pumunta rito. Tinanong kung okay ka lang. I said that you're fine, hindi naman cancer ang sakit mo." Irap na sabi niya.

"Sino? Sinabi niya ba kung sino siya?" Tanong ko.

Hindi kaya si Braide yon at galit na galit?! My gosh!

Umirap siya sa akin, "Hindi niya sinabi yung pangalan niya pero ang sabi niya kaibigan mo rin."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig. Alam kong hindi si Braide yon, hindi naman kami magkaibigan. Ayaw niya at ayaw ko rin. Baka naman si Justinne 'yon? Baka nabalitaan nila Hera yung nangyari sa akin at siya lang mag-isa ang bumisita sa akin? Kamusta na kaya si Hera? Okay na kaya sila ni Justinne?

"Hawig siya ng ex mo."

Nilingon ko si Rebecca nang sinabi niya' yon. Nakita kong seryoso ang mukha nito.

Shit, si Braide nga?

"Anong sinasabi mo?" natatawang tanong ko.

“Ang sabi ko hawig siya ng ex mo. Akala ko nga si Leon na eh.” Natatawang sabi niya, nang mapansin niya na seryoso akong nakatingin sa kaniya ay tumigil siya sa kakatawa. “Alam kong malabong si Leon ‘yon. Nagulat ako oo pero alam kong hindi si Leon ‘yon.” Seryosong sabi nito.

Alam kong si Braide ang tinutukoy nito. Si Braide lang naman ang nagdadala ng mukha ng taong minamahal ko.

“Akalain mo  nga naman… hawig pa ng ex mo ‘no?”

“Leon is not my ex alam mo ‘yan Rebecca.” Mariing sabi ko.

“Hindi na pala ex ang taong iniwan ka? Anong tawag don? Nang-ghost lang?” sarkastikong anito.

“Hindi ako nakikipagbiruan. He’s not my ex.”

“And he’s not your present, alam mo din ‘yan Elo.” Seryosong sabi niya habang seryoso ring nakatingin sa mga mata ko.

Umiwas ako ng tingin at bumuntong hininga. Hindi talaga ako nagkamali na lumayo sa mga taong nakakapag-alala sa akin kay Leon, they’re hurting me too.

“Miss ka na namin! Hindi ka na sumasama sa amin… nakakatampo tuloy.” Malungkot na sabi ni Rebecca.

“You always reminds me on Leon… I need to this. Pati  kayo sinasaktan ako. Panay ang banggit niyo sa pangalan niya.”

“Wait don’t tell me na hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakamove-on sa kaniya? Oh my gosh Elo! Wake up! Hindi na babalik si Leon! Hindi ka na niya babalikan! Asang asa ka na naman! Dalawang taon! Hanggang ngayon hindi mo pa rin siya nakakalimutan?” Sarkastikong tawang sabi niya sa akin habang umiiling-iling pa.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon