ZARRAH NICCOLE'S POVIt's been a long day since the last time I saw Braide. I admit, nahihirapan ako sa ganitong situation namin dahil hindi pa kami nagkahiwalay ng ganito katagal noong college.
Gusto kong magtampo kay Braide dahil pakiramdam ko hindi man lang siya gumagawa ng paraan para mapuntahan ako kahit sandali lang para naman magkita naman kami ulit. Pero mas pinipili ko nalang intindihin sya dahil ayoko namang masakal sya sa'kin.
Mas nagpadagdag pa sa mga isipin ko ang nakita kong larawan ni Braide at nung babaeng humalik sa kaniya. Hindi rin ako natuwa nung gabing tinanggihan niya 'ko, I felt so insulted that night.
Kasalukuyan akong nagda-drive ngayon papunta sa Hotel nila Braide. I know he's there, may contact ako kay Mrs. Sanchez dahil gusto ko Updated ako sa mga araw na nasa Hotel s'ya at wala. I decided to pay him a visit because I do really miss him.
I actually feel bad for them dahil noong nakaraang b'wan lang ay tinanggihan ni Mommy ang Business proposal ng Daddy ni Braide. I don't know kung bakit gano'n ang pakikitungo ni Mom kay Braide but I feel so embarrassed everytime na sinusungitan nya ito.
Inihinto ko muna ang sasakyan ko at huminga muna ako ng malalim ng makitang malapit na pala ako sa Lacosta Hotel. Kinuha ko ang phone ko and I dialed his number. Agad nya rin namang sinagot ito.
"Ano bang sinabi ko? Pakisend diba? Pwede mo naming itext na lang sa akin yung number niya! Stress na yung tao! Ano ba?!" inis na sigaw ni Braide sa kabilang linya na labis ko namang ikinagulat.
"Babe? Are you just shouting me?" I asked him sa isang malambing na tono.
"Babe I'm sorry... busy lang talaga ako, hindi ko sinasadya. I'm sorry, by the way I miss you... I love you." sagot nya naman sa isang kalmadong tono na this time.
"Hmmm... okay. I understand. I miss you too and I love you more." sabi ko naman ng may pag-aalinlangan.
Actually I called him para ipaalam na pupuntahan ko sya ngayon, but mukhang busyng busy talaga sya kaya siguro babalik nalang ako sa ibang araw.
"I'll hang up na babe, bye." sagot pa nito at nagmamadaling ibinaba ang tawag.
I was about to leave but I suddenly saw his car na lumabas ng parking lot.I didn't think twice at sinundan ko naman ka'gad ito.
While following his car, biglang pumasok sa isip ko ang sinabi nya sa'kin kanina sa phone.
"Ano bang sinabi ko? Pakisend diba? Pwede mo naming itext na lang sa akin yung number niya! Stress na yung tao! Ano ba?!"
Number nya? Kaninong number ang ite-text sa kaniya?
Mas lalo akong kinabahan sa tanong na biglang nag pop up sa isip ko.
Literal na nanlaki ang mata ko nang makitang sa isang sikat na restaurant huminto ang sasakyan niya. Pumasok sa loob si Braide kaya naman pumasok din ako sa loob ng restaurant at puwesto ako sa upuan na malayo sa inupuan niya.
Umupo siya doon ng ilang minuto, at tila ba may hinihintay na dumating.
"Sana mali ang iniisip ko..." Pasimpleng bulong ko sa sarili habang hinihintay din ang kung sino mang hinihintay niya.
After a few minutes ago, laking gulat ko nang makita kung sino ang dumating. It was loysa, ang babaeng kasama niya sa picture sa isang sikat na art Gallery sa Baguio at ang babaeng humalik din sa kaniya sa Bar.
Shit! My intuition is right! There's something wrong in here.
Kumukulo ang dugo ko sa kung ano ang nakikita ko ngayon. Pakiramdam ko sasabog ako sa ano mang oras. Sakto namang dumating ang waiter na dala ang menu. Isang bote ng Vergandi Wine lang ang inorder ko dahil wala ako sa mood kumain at pakiramdam ko, ito lang ang makakapag pakalma sa'kin ngayon.
BINABASA MO ANG
playful fate
Roman d'amourBraide and Zarrah is the real definition of a perfect relationship. Almost perfect na ang relationship nilang dalawa. Braide is Zarrah's prince, while Zarrah is Braide's Cinderella.They both have looks and money, as well as Love and Trust. Subalit k...