ZARRAH'S POV
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita ang puting kisame, napangiti ako ng bahagya nang mapagtantong nagtagumpay ako.
Kamusta na kaya ang babaeng 'yon?
"M-mom..." paos na sabi ko at bumangon.
"Oh my gosh!" Malakas na sigaw ni mommy at agad akong ginabayan, "Hon, tumawag ka ng doctor!" Mataray na sigaw ni mommy kay daddy na kakalabas lang ng kwarto ngayon.
Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ng pangingirot dito. Pinagmasdan ko ang aking paligid ngunit agad akong nanlumo nang walang Braide na nakita. WHERE THE HELL IS HE?!
"Kamusta ang pakiramdam mo, nak? Nakakaramdam ka ba ng abnormal na paghinga ngayon? Ang puso mo? Does it hurt? Tell it kung anong masakit anak. Tell to mommy my dear." Naiiyak na sabi ni mommy at niyakap ako, napairap naman ako nang bumitaw ito sa pagkakayakap at hinalikan ako sa noo.
"No need to worry mom. I'm fine. I w-want w-water ." Paos na sabi ko, nanunuyo ang aking lalamunan at giniginaw sa sobrang lamig.
Agad namang kumuha si mommy ng isang baso ng tubig sa kalapit na lamesa ng aking higaan. Agad kong ininom ang tubig nang iabot na ito sa akin. Kumuha pa ulit si mommy ng isang basong tubig pero agad ko namang tinanggihan kaya tinabi niya na lamang ito. Sakto namang kakapasok lang ng doctor para tingnan ang lagay ko.
"Kamusta ang pakiramdam ng aking alaga?" Malambing na tanong sa akin ni Doktora.
Ngumiti ako rito at tumango, "Okay na okay po!" Masiglang sabi ko.
Tulad na lamang ng lagi niyang ginagawa, tiningnan niya ang lagay ng aking puso kung tumitibok ito ng naayon, sinabihan niya rin ako na dahan dahang huminga at ginawa ko naman. Tinanong niya ako kung ano pa ang nararamdaman ko ay sinabi ko naman na kumikirot ang aking ulo.
Because of that Bitch, I did this to myself?! Ang swerte niya! I'm so so proud to myself because I am good in acting. HAHAHAHAHAHA! I CAN FOOL EVERYONE!
"Bale okay naman po ang lahat. Stable naman ang lagay niya at pwede na rin siyang makalabas ng Hospital as soon as possible, by the way, under monitoring pa rin pala 'til next week, nagkaroon tayo ng problema, napapadalas na ang abnormal na pagtibok ng puso niya at nakakailan na rin siyang balik sa hospital. I suggest na huwag na huwag masstress ang anak ninyo at baka magcause ito ng pagkalagay niya sa peligro. Magrereseta na lang muna ako ngayon ng gamot na pede niyang inumin. I have to go." nakangiting sabi ng aking doctor habang nakatingin kina mommy at daddy.
Nang umalis ito ay ilang minuto pang naging tahimik ang silid bago magsalita si daddy.
"Who ever did this to you... Pagbabayarin ko. Makukulong siya." Mariing sabi nito habang nakatingin sa akin.
Fvck, no way. I AM THE ONE WHO SHOULD HANDLE THIS!
"Tell me anak, sinong gumawa nito?" naiiyak na tanong ni mommy habang hinahaplos ang aking buhok.
"May babae po kasing nagtangkang agawin sa akin si Braide... Balak niya po akong saktan." Malungkot na sabi ko.
Totoo naman. May plano siyang agawin sa akin si Braide, may plano siya! And I will never let that happen, akin si Braide. Akin lang siya.
"Braide na naman..." malamig na sabi nito at tumayo, naglakad ito di kalayuan sa akin at galit akong nilingon. "Anak! Please. Break up with him! Hindi siya nakakabuti sayo. Tingnan mo ang nangyayari, nalalagay ka lang niya sa kapahamakan!"
"No mom! Don't you realize na hindi naman kami ganito noon? Napakalusog ng relationship namin. May dumating lang na kontrabida at sinubukang sirain kami. But mom, we love each other. Alam kong pagsubok lang 'to, haharapin namin to ni Braide. Mom, look, ang tagal na namin' diba? Ngayon pa ba kami susuko? Saksi kayo kung paano lumaban si Braide sa lahat. Mom. Dad. Please. I'm sick na nga tapos sasaktan niyo pa ko lalo. Kayo siguro ang papatay sa akin..." Naiiyak na sabi ko, agad kong pinunasan ang mga luha na dumaloy sa aking pisngi.

BINABASA MO ANG
playful fate
Roman d'amourBraide and Zarrah is the real definition of a perfect relationship. Almost perfect na ang relationship nilang dalawa. Braide is Zarrah's prince, while Zarrah is Braide's Cinderella.They both have looks and money, as well as Love and Trust. Subalit k...