Chapter 41

25 8 1
                                    

BRAIDE'S POV

Napapikit ako ng mariin at hinilot ang balikat. Nasstress na ako sa sunod sunod na trabahong nabibigay sa akin. These past few weeks kasi dumagsa 'yong mga meeting para sa mga kasosyo namin sa business. Holy shit.

"Do I have any meeting para mamaya?" Walang ganang tanong ko sa aking secretary na busy kakapindot sa iPad.

"Sir... W-wala na po."

"Thanks god..." mahinang bulong ko at tinanggal ang dalawang butones sa aking long sleeve.

Napagpasiyahan ko na lamang na bumisita sa Breladinns Restaurant, pumapasyal pasyal pa rin naman ako ro'n kahit papaano para bisitahin ang mga empleyado, para kumain o di kaya naman doon din ako nakikipagmeeting.

Nais ko pa ring bisitahin ang mga nakakapagpaalala sa akin kay Zarrah, ayoko siyang kalimutan ng ganon ganon lang.

Agad na yumuko ang mga empleyado ng Breladinns Restau. nang pumasok ako, ang iba naman ay binati ako ngunit nginitian ko na lamang ang mga ito. Umupo ako sa isang table at agad naman akong nilapitan ni Manager Lim, manager ng Breladinns Restaurant.

"Oh Braide! Nice to see your here again! Ikaw lang?" Tanong nito, tumingin pa ito sa aking likuran at paligid na para bang may ineexpect pa itong kasama ko.

Sanay kasi akong magsama ng mga ibang tao rito, lalo na ng aking secretary o hindi naman kaya kapag may kameeting ako para sa business.

"Wh-where is your secretary?" nakangiting tanong nito at hinanap sa paligid ang aking sekretarya.

"I already fire her." natatawang biro ko na kinalaglag ng panga nito.

"What the fvck dude?!" Natatawang tugon nito sabay mahinang sapak sa aking balikat.

"Just kidding. I just want to be alone, ang dami kong paperworks na kailangang tapusin as soon as possible. Buti na lang at wala akong meeting ngayon kaya may oras akong pumunta rito." Paliwanag ko.

"Moooommmyyyyyy! Waaaaaaa! Mooooom!"

Sabay naming nilingon ang batang sumisigaw at walang tigil kakaiyak. Basang basa na ang mukha nito dahil sa luha, nasaan naman ang magulang nito? Grabe naman at pinabayaan lang.

"I can handle this."

Nilingon ko si Manager Lim sa kaniyang sinabi at may kinausap na empleyado, nakangiti niyang nilapitan ang batang umiiyak at kinarga ito.

"Don't touch me! I don't know you! You're monster! My mommy tell to me that don't be so close to the monster especially to ugly!!" Nakasimangot na sabi nito habang hinahampas ang mukha ni Manager Lim.

Agad na binaba ni Manager Lim ang bata at nanlalaki ang mga matang nilingon ako. Natatawa naman akong nagkibit balikat sa kaniya at humakbang papalapit sa kanila.

"Hey, Are you lost big boy?" mahinahong tanong ko.

Nakanguso naman itong tumango sa akin, "Je veux voir maman... Aidez-moi à la retrouver." Nakasimangot na sabi nito.

(Translation: I want to see mommy... Help me to find her.)

Natigilan ako at nilingon si Manager Lim na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa bata. Sino ba namang hindi magugulat sa biglang pagsalita ng French ng bata?

"Mukhang may lahi 'to... Ayokong kausapin 'yan." napalunok pa si Lim habang nakatitig sa bata, natatawa na lang akong umiling sa kaniya at nilingon ang bata na nakanguso na sa amin.

"What's your name big boy?" nakangiting tanong ko, lumuhod ako para naman magpantay ang tingin namin.

"Scar!" Malakas na sigaw nito.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon