HERA'S POV
"Sana naman hindi mo 'ko pinapunta rito para sa wala." Mataray na salubong ko sa kaniya nang maupo ako sa kaniyang harapan.
We're in a VIP room ng isang sikat na restaurant. Pilit siyang ngumiti sa akin at nagbaba ng tingin.
"Order muna-"
"No need. Ayaw ko ring magtagal dito, ano ba kasi 'yang sasabihin mo? Siguraduhin mo na may kwenta ha? Ayoko mapunta sa wala 'yong oras ko. At baka hindi na ko makapagtimpi na hablutin 'yang buhok mo." Irap na sabi ko ngunit siya naman ay nanatiling nakayuko.
Wala akong nakikitang kakaiba sa galaw o mukha niya, nanatili lang siyang nakayuko ngunit nangunot ang noo ko nang bigla siyang nag-angat ng tingin na umiiyak.
NAPAKAGALING TALAGANG UMARTE!
"H-hera... I know kasalanan ko at naging masama ako pero humihingi na ako ng tawad... Pero masama yung taong kinakampihan mo-"
Agad ko siyang pinigilan sa kaniyang gustong sabihin, "Ikaw ang masama rito Zarrah, ikaw." Mahinahong sabi ko.
"No! Please... Nakikiusap ako. Maniwala ka sa akin." Umiiyak na sabi nito.
Pinasadahan ko siya ng tingin at tinitigan sa mga mata, meron sa part ko na naaawa sa kaniya pero mas lamang ngayon ang galit ko. "Ano bang gusto mong sabihin?" Walang ganang tanong ko.
"K-kahapon... Kinausap ako ni Elloisza at pinagsalitaan niya ako ng masama-"
"You deserve that! -"
"Pero hindi ko naman yata deserve ang mamatay! Handa niyang tapusin ang buhay ko Hera! Maniwala ka sa akin! Kaya niya raw gawin 'yon! Natatakot ako Hera... Hindi ko alam kung anong klaseng tao ba 'yang kaibigan mo... Sabi niya handa niyang gawin ang lahat para kay Braide." Aniya, hinawakan niya ang kamay ko na nasa lamesa kung kaya't nagbaba ako ng tingin sa kamay niyang nanginginig na nakahawak sa akin.
Nagulat ako sa narinig mula sa kaniya. Totoo kaya ang sinasabi niya? Hindi kaya gumagawa lang siya ng kwento para mapaniwala ako? Hindi kaya... ganon din talaga ang ugali ni Lloisza? Pero bakit? Handa niya bang gawin 'yon kay Zarrah?
Agad kong hinawi ang kamay niya na nakahawak sa akin, "I don't believe you. Ikaw ang masama rito Zarrah! Ikaw... Hinding hindi magagawa ni Elloisza ang mga sinasabi mo!"
Mas lalo siyang umiyak sa sinabi ko, tila may mainit na humaplos sa aking puso kaya naman natigilan ako.
"Hera... kung hindi niya kayang gawin bakit niya sinabi sa akin? Para ano? Takutin ako? Hindi ako tanga Hera para hindi matakot! Buhay ko ang nasa peligro... Hindi ako ang baliw dito Hera... Si Elloisza ang baliw! She's crazy! She's Insane! Ang dami niyang ginawa sa akin... sinaktan niya ako at pinagbantaang papatayin!"
Ramdam ko ang bawat mabibigat na paghinga niya, tila nawawalan na ng pag-asa na maniwala pa ako.
Maraming katanungan ang bumubuo sa aking isipan.
What if nagsasabi siya ng totoo?
Paano naman kung hindi?
"Hera... Alam mo ba... Sabi niya sa akin na may nangyari sa kanila ni Braide, nasaktan ako sa sinabi niyang 'yon.." Aniya habang siya ay nakayuko at hindi makatingin sa akin. Sinisinok na ito at hindi na gaanong makapagsalita ng maayos.
"Sabi niya... na nasa malamig silang lugar habang sila nagpapainit." Napahagulgol siya sa kaniyang sinabi.
PLEASE ELLOISZA, Huwag sa ganitong paraan ka gumanti.
"Hindi ako naniwala siyempre... pero nagalit ako kay Braide kaya naman nasaktan ko siya. Lahat ng galit kay Braide ko naibunton pero binigyan ko ng oras si Braide para magpaliwanag... sabi niya nagsisinungaling si Elloisza. Hera, isipin mo... Sinong tao ang gagawa ng paraan para sirain ang dalawang nagmamahalan? Hera! Si Elloisza ang kontrabida rito!" nanlulumong sigaw nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/223073202-288-k450818.jpg)
BINABASA MO ANG
playful fate
RomanceBraide and Zarrah is the real definition of a perfect relationship. Almost perfect na ang relationship nilang dalawa. Braide is Zarrah's prince, while Zarrah is Braide's Cinderella.They both have looks and money, as well as Love and Trust. Subalit k...