Makalipas ang apat na taon...
Kasalukuyan kong hinahaplos ang lapida ng lalaking minamahal. Matagal na rin akong hindi nakakadalaw sa kaniya, ngayon na lang ulit ako nakabalik pagkatapos ng apat na taon na nanirahan ako sa France.
Leon Ivanne Mendez.
Ilang taon na rin ang nakalipas pero ang alaalang kung paano siya kinuha sa akin ay hindi ko pa rin nakakalimutan.
"Leon? Nasaan ka na ba! Late ka na naman! Magccelebrate pa tayo! Huhu..." Nakangusong sabi ko habang hinihintay si Leon na dumating sa aming tagpuan.
Giniginaw na rin ako dahil nandito kami ngayon sa Baguio. Simula nang sinagot ko siya, eto na yung pinakapaborito naming puntahan.
"Saglit lang hon! Eto na nga eh! Papunta na 'ko diyan." Natatawang sabi nito sa akin. "I'm driving, I love you." Malambing na sabi nito.
Napangiti ako, "I love you too." kinikilig na sabi ko at binaba na ang tawag.
Niyakap ko ang aking sarili nang makaramdam ng lamig. Ang kapal na ng jacket ko pero parang wala pa ring talab!
Isang oras na ang nakakalipas ay wala pa rin si Leon kaya naman tinadtad ko siya ng text at hindi na ako mapakali dahil merong part sa akin na nag-aalala na sa kaniya.
Traffic ba?
Ako:
Leon nasaan ka na ba?! :/ galit na ko, huhu.
Bahagya pa akong nagulat nang magring ang aking phone. Agad ko itong sinagot nang makitang si Leon ang tumatawag ngunit nangunot ang aking noo nang babae ang sumagot.
"Hello? Is this relative of Mr. Leon Mendez?" tanong nito.
"I'm his girlfriend." mataray na sabi ko.
"He's in the Hospital. Car accident po. Pwede po ba kayong pumunta?"
Biglang lumakas ang tibok ng aking puso sa narinig, "WAIT WHAT?! HOSPITAL?!ANONG CAR ACCIDENT? SAAN 'YAN?" Garalgal na tanong ko, nanginginig ang aking mga kamay at hindi malaman ang gagawin.
Nang maibigay sa akin kung saang hospital sinugod si Leon ay agad na akong pumunta roon. Naiiyak kong tinawagan ang mommy ni Leon at sinabi ang nangyari, tila nagulat pa ito at nasigawan ako ngunit sabi rin nila na papunta na rin sila sa Hospital na kung saan sinugod si Leon.
Agad akong tumakbo sa loob ng hospital at aligagang hinanap si Leon. Nagtanong ako sa isang nurse at agad naman niyang sinabi sa akin ang room ni Leon. Naiiyak kong pinuntahan ang room na tinuro sa akin ng nurse.
Papasok na sana ako sa kwarto nang biglang lumabas ng doctor. Napatingin ito sa akin at seryoso ang mukha.
"Doc... Si Leon po ba 'yang nandiyan? Kamusta naman po? Okay lang po ba siya? Leon Mendez po. 'yong na c-car accident." naluluhang sabi ko habang nakatitig sa doctor, napayuko ito at umiling sa akin.
"Sorry iha... Ginawa namin ang lahat ng makakaya namin." Malungkot na sabi nito.
Marahan ko siyang hinatak sa loob at tinulak, nagulat ang ilang nurse sa ginawa kong paghatak sa doctor pero hindi ako nagpatinag.
"Doc! Gawan niyo ng paraan! Hindi pwede 'to! Maawa naman kayo!" Umiiyak na sabi ko. Lumuhod ako sa harapan nila at nagmakaawa ngunit nakayuko lang sila at tila ba wala ng magagawa.
"I'm sorry iha. Ginawa namin ang lahat ng makakaya namin. Sorry." Malungkot na sabi nito at umalis sa harapan ko.
Tila ba huminto ng panandalian ang tibok ng puso ko sa narinig. Nanginginig akong tumayo at pinagmasdan si Leon, niyakap ko ito ng mahigpit at hinawakan ang magkabilang pisngi.

BINABASA MO ANG
playful fate
RomanceBraide and Zarrah is the real definition of a perfect relationship. Almost perfect na ang relationship nilang dalawa. Braide is Zarrah's prince, while Zarrah is Braide's Cinderella.They both have looks and money, as well as Love and Trust. Subalit k...