ELLOISZA'S POV"Good evening po ma'am." bati sa'kin ni Mylene, isa sa mga kasambahay namin.
"Where's mom and dad?" tanong ko naman sa kaniya.
"Si ma'am po nagluluto sa kusina samantalang si Sir naman po nasa library, may tinatapos po atang mga trabaho." magalang na sagot niya naman.
"Ahh okay." maikling tugon ko at dumiretso na papunta sa kusina. Naabutan kong abalang abala si mommy sa pagluluto katuwang ang ilan sa aming mga housemaids.
"Arf arf arf arf arf!" bago pa man ako tuluyang makalapit kay mommy at matingnan kung anong niluluto n'ya. Napukaw ang atensiyon ko ng mga tahol ng isang maliit na aso.
Napangiti ako ng nagpaikot-ikot si leel sa pagitan ng mga paa ko. Paulit-ulit rin n'yang ikinukuskos ang ulo sa binti ko at paminsa'y dinadambahan pa ito. "Hi my baby boy." Nakangiti kong bati sa'king munting alaga.
"Oh Elo! Nandyan kana pala! Tamang tama at may gusto daw sabihin sayo ang daddy mo mamaya." singit ni mommy ng maramdaman ang presensya ko.
"Ahh, about san naman daw 'yon mom?" tanong ko kay mommy habang karga-karga na si Leel.
"Leel ano ba! Hahaha!" natatawang saway ko sa alaga ko ng magsimula itong dila-dilaan ang muka ko.
"Hindi ko alam honey e, basta ang alam ko importante yun." sagot ni mommy habang abala parin sa pagluluto.
"Ganun ba mom? Sige magpapahangin muna kami ni leel sa garden. Call me when the dinner is ready." paalam ko habang naglalakad na patungong garden.
"Baby namiss mo ba'ko? " tanong ko kay leel habang hinihimas ang malagong balahibo nito ng makarating na kami sa hardin.
"Arf arf arf arf!" tahol ni leel na para bang respond niya sa tanong ko kanina.
"I don't understand you pero iisipin ko nalang na "yes mommy" ang sinabi mo." nakangiting kausap ko rito.
Habang patuloy kong hinahaplos ang madulas na balahibo ni leel ay napadpad ang kamay ko sa collar niya. Tiningnan ko ito at katulad ng madalas na nangyayari sa t'wing makikita ko 'to, kusang tumulo ang luha ko ng mabasa ang nakasulat dito.
"Leon and Elloisza's little boy..." Mahinang basa ko.
Tila naman naramdaman ni leel ang nararamdaman ko kaya dinila dilaan niya ang kamay ko na para bang pinapatahan na ako.
"Baby, namimiss mo rin ba si daddy? " malungkot na tanong ko kay leel.
"Ma'am Elloisza nakahanda na raw po ang hapunan." halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ito mula sa likod ko.
"Sige sige... Susunod ako." sabi ko at dali-daling pinunasan ang luhang sandaling tumulo sa mga mata ko.
Parehong nakaupo na sa hapag sila mommy't daddy nang maabutan ko roon. Umupo na 'ko sa p'westong palagi kong inuupuan, nasa harap ko si mommy at nasa gilid naman namin si daddy. Nang makaupo ako ay agad namang nagsimula sa pagkain sila mommy at daddy,na para bang hinintay lang nila akong dumating para makapagsimula na sila.
Isusubo ko na sana ang unang kutsara ng bigla namang nagsalita si daddy. "Buti naisipan mo pang umuwi." seryosong anito na ikinangiwi ko naman.
"Hon, we're eating." babala naman ni mommy kay daddy.
Hindi ko inalintana ang sinabi ni daddy at itinuloy ko ang pagkain.
"May ino-offer na OJT para sa mga trainees ang LH Holdings and I want to grab that opportunity para matrain ka." sabi ni daddy ng hindi man lang ako nililingon.

BINABASA MO ANG
playful fate
RomansaBraide and Zarrah is the real definition of a perfect relationship. Almost perfect na ang relationship nilang dalawa. Braide is Zarrah's prince, while Zarrah is Braide's Cinderella.They both have looks and money, as well as Love and Trust. Subalit k...