Chapter 32

25 9 1
                                    

ZARRAH'S POV

"You're here..."

Matalim ko siyang tiningnan at dahan dahang umupo sa kaniyang harapan. Nakangisi ito ng nakakaloko na kinanoot ng noo ko. Why she's looking me like that?

"Buti naman nakarating ka..." Mahinahon man nitong sinabi pero ang talim ng kaniyang pananalita ay hindi nakatakas sa akin.

"Saan mo nakuha ang number ko?" Mataray na tanong ko habang nakikipagtitigan pa rin sa kaniyang mga mata.

Eto ba? Eto ba ang nakatadhana para kay Braide? Hindi naman yata malabong magkamali ang tadhana. Hindi sila ang para sa isa't isa, ako ang bida sa kwentong 'to.

"It doesn't matter-"

"It does." Mariing sabi ko.

Natatawa itong umiwas ng tingin sa akin at uminom sa inorder niyang Frappuccino, we're here at the Starbucks at buti na lang walang gaanong tao.

"Hmmm... Hera gave it to me." Nakangusong sabi niya habang nakatingin sa kaniyang Frappuccino. Umirap ako sa narinig, that girl huh!

"Anong kailangan mo?" Walang ganang tanong ko.

"Well... Mabibigay mo ba ang kailangan ko kapag sinabi ko?"

Elloisza Shylles Armenti.

Sana nagkakamali lang ako. Sana hindi siya 'yon. If fate wants them to be together, I will do anything just to stop it. Akin si Braide. Braide is mine. He's mine and only mine. Pagsubok lang ito, ako ang nakatadhana para kay Braide.

"Bakit hindi mo pa' ko deretsuhin?! You just called me for nonsense!"

Kinilabutan ako nang tumawa ito ng nakakaloko, "I pity you Zarrah Niccole Fuentes... Nakakaawa ka. Alam mo kung bakit? Because you can hurt yourself just for the sympathy and attention from anyone. Yes, you won. But let me tell you this, sa akin ang huling palakpak." Nakangising sabi nito.

Kumirot ang puso ko sa narinig. No way. Hindi pwedeng mangyari 'to. Yes I'm sick but I can fight. I can do it alone. Kaya kong ilaban si Braide because he's mine.

"Pinapunta mo 'ko rito para insultuhin? Ganon ka na ba kababaw?" Nakangiting tanong ko, ngiting may asar.

"No. I'm here to tell a story, pero kung maiinsulto ka sa kwento ko... Hindi ko na kasalanan 'yon." Nakangiting sabi nito at nagkibit balikat.

Story of what?

Magsasalita na sana ako nang bigla siyang nagsalita, "He's good in bed." Nakangiting sabi nito habang kumikislap ang mga mata.

Tila may sumaksak sa puso ko sa narinig. Biglang bumilis ng marahan ang tibok ng puso ko sa narinig, kahit na nasaktan ay matalim ko siyang tinitigan. Lumaban ito sa titig ko sa kaniya ngunit hindi ako nagpatalo.

"Liar."

"No! Kahit itanong mo pa sa kaniya. Ay! Hindi niya ba nasabi sa'yo? Hindi naman pala tapat sa'yo si Braide. Hindi niya ba nabanggit 'yong nangyari sa amin sa Baguio? Eh yung paghalik nya sa akin nung nasa California kami? We really made a lot of memories there nung magkasama kami. And that night..." nagbaba siya ng tingin sa kaniyang Frappuccino at ngumiti ng matamis sa akin. "... That night was so great!" Masayang sabi niya, "Ang laki!" Aniya at kumagat pa ng labi, kumuyom ang aking kamay sa sinabi niya, "Ang laki ng kama para saming dalawa." Kindat na sabi niya.

Fvck. Naalala ko 'yong gabi na tinanggihan ako ni Braide. Tinanggihan niya ako habang ang kiridang babae na ito?

Hindi ko maimagine ang dalawa habang ginagawa ang bagay na iyon.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon