Chapter 13

32 14 1
                                    

LLOISZA'S POV

Agad akong naghanda ng aking sarili nang kusang magising. Hindi ko alam kung bakit parang nagpapanic ako ngayon. Aligaga akong nag-aayos sa sarili. Nilingon 'ko ang aking alarm clock nang tumunog na ito. Kinuha ko naman ito at agad na in-off. Biruin niyo mas nauna pa 'kong magising sa sinet kong oras.

Umirap ako sinuot ang aking pang business attire na kagabi ko pa hinanda. Napahawak ako sa aking tiyan nang kumulo ito, "Aray ko po." Nakangusong sabi ko po. Hindi pa pala ako kumakain.

Bumaba ako sa kusina at nakita naman na nagkakape na si daddy at mommy sa hapag kainan.

"Oh anak? Alasais pa lang ah? Maaga ka pa." Kunot noong salubong sa akin ni mommy.

"Eh maaga na rin naman po ako nagising kaya naghanda na po 'ko." Natatawang sabi ko.

"Tama lang' yang ginagawa mo nang hindi naman kami mapahiya." Biglang sabi ni papa na may matigas na tono, na para bang gusto niya talagang isampal sa akin 'yong sinabi niya.

Nagkatinginan kami ni mama, nagkibit balikat na lang ako habang si mommy naman ay hinaplos ang braso ni daddy at may sinabi.

Piling ko tuloy nawalan na ko ng gana, hindi na' ko nagugutom.

"Mauna na po ako." Sabi ko.

"Hindi ka ba muna kakain?" Habol na tanong ni mommy.

Nilingon ko ito, "No mom, okay na po ako. Marami akong nakain kagabi." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Tiningnan lang ako nito.

Umalis na ako. Nakakawala ng gana kumain nang marinig ko 'yon kay papa, iniisip niya ba na masiyado pa 'kong bata para sa ganito? Hindi man lang niya iniisip   'yong mararamdaman ko bago niya sabihin 'yon.

"Ang aga natin ha." Nakangiting salubong sa akin ni Jude, natawa na lang ako sa kaniya at tinapik ang balikat niya bago lagpasan.

"Morning." Bati ko sa kaniya habang winawagayway ang kamay sa ere ngunit nakatalikod sa kaniya.

"Kain muna tayo sa labas."

Ngayon ay nakasunod na siya sa akin, tumigil ako sa paglakad at nilingon siya.

"Please? Huwag mo naman ako tanggihan. Napapansin ko na parang ayaw mo makipagkaibigan sa'kin." nakasimangot na sabi niya, magsasalita na sana ako nang bigla niya akong pinigilan. "Please? Libre ko."

Natawa ako at iniwas ang tingin. Siguro maaga pa naman para sa trabaho. Nagbaba ako ng tingin sa aking relo at nakitang may sapat pa naman na oras para kumain kasama si Jude.

Kinagat ko ang labi ko at nag-angat ng tingin sa kaniya, "Tara na nga." Sabi ko at ako na mismo ang humatak sa kaniya palabas.

Dinala niya ako sa isang kainan na hindi medyo tinatao, wala pang customer at mukhang luma na ang mga kagamitan. First time kong makarating sa ganitong lugar.

"Sorry sa ganito pa kita dinala. Hayaan mo sa susunod babawi ako, promise." Aniya. May inorder siya na hindi pamilyar sa akin, first time ko ring narinig. Tumango lang ang waiter at umalis sa harapan namin.

Napatitig ako ng matagal sa mga pagkain na nasa 'king harapan.

"Ayaw mo ba ng mga' yan? Tikman mo masarap 'yan." Aniya.

Ngumiti ako sa kaniya at kinuha ang kutsara, sumandok ako ng kaunti rito.

"Partneran mo ng tokwa." aniya.

Sinunod ko ang sinabi niya at tinikman. Nanlaki ang mga mata ko at tinikman ulit.

Wow! Ang sarap!

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon