ELLOISZA'S POV
Pagkatapos ng dinner ay dumeretso na ako sa aking kwarto. Magpapahinga muna ako ngayon at dahil napagod ako maghapon.
Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Huminga ako ng malalim at ngumiti. Mabuti naman at hindi alam ni Zarrah 'yong nangyari no'ng isang gabi pero bakit sinabi sa akin ni Braide na nang dahil sa akin ay muntik ng malagay sa piligro si Zarrah? Hindi naman nakita ng nobya niya? Bakit ako pa rin ang sinisisi nito kahit hindi naman nakita ni Zarrah?
Maraming tanong ang nagsimulang bumuo sa aking isipan nang maisip ang nangyari. "Hindi naman nakita ni Zarrah pero ako pa rin ang sinisisi? Kung hindi nakita ni Zarrah edi hindi ako ang dahilan para mahimatay siya? But Braide told me to stay away because I'm the only reason why Zarrah is in the Hospital right now, and he called me a whore huh?" Irap na bulong ko."Siguro mabuti na rin na lumayo ako sa kanila at hindi na mapalapit... lalo na kay Braide." Mahinang bulong ko habang ang mga mata ay nasa kisame pa rin.
Umupo ako at bahagya pang sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Nilingon ko sa aking kanan ang isang picture frame, nasa picture na 'to ay ako at si Leon, my beloved boyfriend. I lied to Aprille that Leon is my ex boyfriend, he's not my ex, he's not my present, he's just in somewhere and I know it. He leaves me without words. He just leave me.
I know. He will be back, I am just waiting the right time. He will be back for me... I know it is impossible but I know he loves me and he will be back.
Kinuha ko ang larawan at pinagmasdan ito. Hindi ko maiwasan na mangilid ang aking luha habang hinahaplos ang larawan na ito. This is our first picture ever. Ito rin 'yong araw na sinagot ko siya at pareho kaming masaya. Nangiti ako nang maalala ang araw na ito.
"Leon... Nakapag-isip isip na' ko." Sabi ko.
Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako, tumigil din ako sa paglalakad at tinapat siya nang may ngiti sa labi.
Nandito kami ngayon sa Baguio. Pangalawang araw na namin dito, pinasyal niya ako sa Villa nila at pumunta kami sa Mines View Park. Ngayon naman ay kakalabas lang namin sa Our Lady of Atonement Cathedral. Aniya dito raw kami ikakasal kapag sinagot ko siya.
Dalawang taon niya na akong nililigawan at siguro ngayon na rin 'yong tamang araw na aminin ko sa kaniya' yong tunay kong nararamdaman.
"Ano 'yong napag isip isip mo na?" Kunot noong tanong niya.
"Na ano..." Napayuko ako at hindi alam kung paano sasabihin. Kinakabahan kasi ako.
"Ano?" Tingin niya sa mga mata ko. Inangat niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. "Sabihin mo na..." Malambing na sabi niya.
Ngumiti ako. Grabe nasa tapat pa talaga kami ng Cathedral.
"Oo..." Taas noong sabi ko sa kaniya.
Ngumiti siya at nanliliit na mga mata na tinitigan ako, "Oo?"
Psh, kailangan pa talaga ng kunpirmasiyon.
"Sinasagot na kita." Walang utal at malinaw na pagkakasabi ko.
Nagliwanag ang mukha niya sa naging tugon ko. Tumakbo siya hindi kalayuan at sinuntok ang kamao sa hangin na tila nagtagumpay siya sa isang palaro. Maraming tao sa paligid at ang iilan ay napatingin sa kaniya. Nakatalikod ngayon sa akin si Leon kaya mas lalo akong nagtaka sa ginagawa niya. Nangunot ang noo ko ngunit nanlaki ang mga mata ko nang sumigaw ito.
"Wooooooooo! Yeeeeeees! Sinagot niya na 'ko!" Malakas na sigaw nito.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko kasing pula na ako ng mansanas dahil sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Maraming tao sa labas ng Cathedral dahil halos lahat ng ito ay kakalabas lang mula sa loob.

BINABASA MO ANG
playful fate
RomanceBraide and Zarrah is the real definition of a perfect relationship. Almost perfect na ang relationship nilang dalawa. Braide is Zarrah's prince, while Zarrah is Braide's Cinderella.They both have looks and money, as well as Love and Trust. Subalit k...