Chapter 51

17 7 1
                                    



GRACIELA GAIL'S POV

OMG! I'm super late na talaga!

Nagusap-usap kasi kami nila Tiffany na magkakaroon kami ng surprise party para sa pagdating ni Braide.

Five pm ang usapan naming magkikita-kita kila Brent and it's already 5:30 pm pero heto ako at natrap sa traffic.

Four pm na kasi ako nakaalis sa office at umuwi muna ako sa bahay upang magshower at magbihis.

Hindi na 'ko gaanong nag effort pa sa pananamit dahil kila Brent lang naman ang venue ng meeting namin. I only wore my LOEWE oversize belted coat gray melange and my tom ford natalia mini soft faux fur shoulder bag and paired it up with my Balenciaga Black pumps.

Alas sais na nang lumuwag ang daloy ng traffic at 6:30 pm naman ako nakarating kila Brent. Lahat sila ay nandoon na ng dumating ako, binigyan nila ako ng isang masamang tingin.

"5:00 pm huh?" Sarcastic na tanong ni Marco.

"Ang sabi mo bawal malate? Kailangan 5:00 pm nandito na?" Ani naman ni Macy habang nakahawak sa baba.

"Ahh hehe guys, you know what?  The traffic is so heavy kasi eh..." Pagpapaliwanag ko while shyly smiling at them.

"You said that there will be no excuses for the late comers?" Tiffany said while in a crossed arm.

"Sinabi ko ba 'yan Tiff hehe." pagmamaang maangan ko at nginitian siya.

"Gail no excuses... You should be punished." Seryosong sabi ni Hera at siya naman ang tinitigan nila.

"You too Hera, you're 30 minutes late remember?" Nakangiting sabi naman ni ate Xia kay Hera.

"Xia it's understandable because I have a boyfriend. Si Graciela, single naman 'yan kaya wala siyang aamuhin bago umalis." Tumatawang sagot naman ni Hera at pinaningkitan ko lang siya ng mata.

"By the way, bakit nga pala hindi mo kasama si Kuya?" Tanong ni Brent kay Hera. Nag kibit balikat lang naman siya at parang alam na namin ang sagot niya.

These days kasi ay napapadalas ang pagtatalo ni Hera at Justinne. Masiyado na kasing nagiging workaholic si Hera at obsessed sa pagtulong sa mga charity. Kulang na lang ay ampunin na niya ang lahat ng mga bata na nakatira sa mga orphanage. Buti nalang talaga at wala akong love life. No boyfriend, no headache.

"Now that you're here Graciela, we can proceed sa gagawin nating surprise for Braide. Let's talk about your punishment later, but now. Let's start organizing the surprise plan first." Masungit na sabi ni Tiffany at tumango naman ako upang ipakita na agree ako sa sinabi niya.

"Akay. So, any suggestions? " tanong ni Ate Xia.

"Me!" I said as I raise my right hand. "I suggest na isagawa natin yung surprise sa isang unexpected na araw at lugar. Yung tipong magugulat talaga si Braide." Nakangiting sabi ko.

"May Ideal date and place kana ba Gail?" Si Macy.

"Wala pa nga eh." Umiiling iling na sagot ko. Bumuntong hininga naman silang lahat. "Guys who brought that things?" Takang tanong ko ng mapadapo ang mga mata ko sa gilid ng sofa.

Napakaraming balloons dito, may mga napalobo na at mayro'n namang hindi pa. May mga confetti rin at kung ano-ano pang makukulay na bagay.

"Kami ni Marco. Iiwan na namin dito 'yan para madali nating makuha kapag gagamitin na natin." Sagot naman ni Macy.

"Guys lahat ba tayo Free sa sun-"
Naputol ang sasabihin ni Hera ng biglang magring ang cellphone ko.

Nanlaki ang mata ko ng makitang pangalan ni Braide ang nakaflash sa screen.

"OMG! Guys be quite, Braide is calling!" Sigaw ko sa kanila at tumahimik naman silang lahat. Huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang sagutin ang tawag niya. Iniloud speaker ko ito upang marinig din nila.

"Hello Graciela, where are you? Can we meet in EB now?" Panimula ni Braide ng mapindot ko na ang answer button.

I was about to say 'yes' subalit agad namang umiling iling silang lahat. Binigyan ko sila ng nagtatakang expression subalit iling lamang sila ng iling.

"Hello Graciela?" Tawag niyang muli sa 'kin ng lumipas ang ilang segundo at hindi ko parin sinasagot ang tanong niya.

What the hell? He sounds so problematic? What should I do? Ghad!

"Ummhh Braide, I'm so sorry talaga ha?  But I have a lot of things to do kasi eh... How 'bout Marco and Brent? baka libre sila." Malungkot kunwaring sabi ko at nagsitanguan naman sila Tiffany.

"T-thats fine...  Okay I'll try to call them." Anito at kaagad na ibinaba ang tawag.

Gosh sobrang nakakaguilty naman! Maya maya pa'y cellphone naman ni Brent ang tumunog.

"It's Braide." Tipid na sabi niya at sinagot na ang tawag.

"What's up bro?" Tanong ni Brent kay Braide sa isang casual na tono.

"Hey Brent, wanna grab some drinks tonight?" Dinig pa naming anyaya nito kay Brent mula sa kabilang linya. Iniloud speaker din pala ni Brent ang tawag.

"Guys I think he needs us-"

"Shhhhhh." hindi ko na natapos pa ang ibinubulong ko ng sawayin kaagad nila ako.

"Sorry Braide I'm having a quality time kasi with Tiffany. In other days maybe." Sagot naman ni Brent kay Braide na kagaya ko'y pinalungkot din ang kaniyang tono.

"No problem bro, enjoy each other." Sabi naman ni Braide at mapait na tumawa.

"Bro is that really fine with you?" Dagdag na tanong ni Brent sa isang nag-aalalang tono habang si Tiffany at Macy naman ay nagpipigil ng tawa.

"Of course! Namiss ko lang talagang mag bar hopping kasama kayo... Sige I'll hang up the phone now." Anito at ibinaba na ang tawag.

"What's the matter with him? Parang napagsakluban ng langit at lupa ang tono ng boses niya?" Nakakunot ang noong tanong ni Hera.

"Baka may problem?" Sabi ko at nagkibit balikat na lamang.

Napukaw ang atensyon ni Hera ng Cellphone naman niya ang nagring. Kagaya ng ginawa namin ni Brent, tinananggihan din niya ang anyaya ni Braide at gumawa ng kung anong palusot. Hindi lang si Hera ang tinawagan pa ni Braide, isa-isa rin niyang tinawagan sila ate Xia, Macy and Marcos na pare-parehong tumanggi rin sa kaniya.

"So whats the plan ba?" I asked them as I flipped my hair.

"Ngayon na natin isasagawa ang surprise Graciela." Sabi ni Hera at kinindatan ako.

"Huh? Saan naman?" Nalilitong tanong ko. As in ngayon na? Tonight?

"Sa condo ni Braide. Later, pagkauwi niya galing euphoria bar." Naka smirked na sagot ni Hera.

"How can we be so sure na pupunta parin siya sa EB gayo'ng hindi natin siya sinamahan?" Nakangusong tanong ko.

"Tinawagan ko si Wesly, nandoon na raw si Braide. Kararating lang." Singit ni Marcos na kagagaling lang sa labas.

Wesly is his friend at gabi-gabi itong nasa Euphoria Bar. Well, a solid party goer.

Lihim naman ako na napangiti. Wala nabang mas gaganda sa timing na 'to?  Lahat kami ay tinanggihan ang anyaya ni Braide na mag clubbing kaya't paniguradong nakaramdam ng tampo 'yon. And hindi niya alam... We're cooking up something hehe.

"Ako na bahala sa cake." Sabi ni Hera at kinindatan kami.

"Ako na bahala sa wine." I volunteered.

Saktong sakto! Kadarating lang kahapon ng mga pinashift kong Vergandi wines from US.

"Okay okay, mauuna na kami sa condo ni Braide para magdecorate." Sabi ni Ate Xia at tumayo na siya dala-dala ang bag niya.

Agad naman na kaming umalis ni Hera. Siya para bumili ng cake, at ako naman para kumuha ng wine sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong kumuha ng wine. I went to my room just to retouch my make up but when I look at the human size mirror, pakiramdam ko too conservative for a party ang suot ko.

That's why I've decided to change with a lace bralet, faux shearling fur Jacket and petite moto black joni jeans paired it up with a rebecca minkoff mini paris cross body bag and my Saint Laurent classic janis 105 escarpin pumps. After changing my clothes, muli akong naligo sa pabango using my Chanel Grand Extrait perfume at tsaka lamang nakuntento at tumulak na paalis.

Nakaready na ang halos lahat nang makarating ako sa condo ni Braide. May isang malaking 'Welcome back Braide' na nakadikit sa dingding niya at napapalibutan naman ito ng makukulay na lobo.

Mabuti nalang talaga at alam namin ang passcode nitong condo ni Braide. Napahawak naman ako sa tiyan ko ng makita ang mga pagkaing sunod-sunod na ipinapasok ng mga maids nila Ate Xia. Aniya'y personal pa raw niyang ipinaluto 'yan sa nga kasambahay nila ngayong gabi.

"Gosh Gail kararating mo lang?" Tanong sa 'kin ni Macy nang magkasabay kami papasok.

Tumingin ako sa orasan ni Braide. 10:00 pm na pala? Sasagutin ko na sana ang tanong niya subali't agad na lumapit sa kaniya si Tiffany.

"Anong sabi ng Guard?" Tanong ni Tiffany kay Macy.

"Okay daw. Tatawagan daw niya kaagad tayo kapag dumating na ang sasakyan ni Braide." Nakangiting sabi naman ni Tiffany.

Inilapag ko ang wine sa lamesa at tumulong na ako sa pagdidikit ng ilan pang decorations. Bigla akong nagsisi sa suot kong Fur Jacket ng pagpawisan ako't mainitan.

"Marco p'wedeng pakilakasan ng Aircon? It's so mainit kasi e." pakiusap ko kay Marco habang pinapaypayan ang sarili using my hands with my Manicured nails. Tiningnan lang naman ako ni Marco at saka iniwan ang ginagawa para siguro sundin ang request ko. "Thankyou!" Sigaw ko sa kaniya ng maramdamang lumamig na ang paligid.

Lumipas pa ang isang oras at natapos na kami sa pagdidikit ng kung ano ano. It's already 11 pm.

"OH MY GHAD GUYS! NAGTEXT SI KUYANG GUARD! NANDITO NA RAW ANG SASAKYAN NI BRAIDE!" Sigaw ni Macy at nag nagtago naman kaming lahat sa kitchen upang hindi kaagad kami makita ni Braide.

We turned off all the lights using the remote, ang magsisilbi kasi naming 'Go' signal ay ang pagbukas ni Braide ng ilaw. Nasa tabi lang naman ng pinto ang switch kaya't paniguradong mabilis nya lamang itong mapipindot.

Naghintay kami ng ilang minuto at maya maya pa'y narinig na naming bumukas ang Pinto. Naghintay kami ng ilang minuto na buksan niya ang ilaw subalit malapit-lapit na kaming mapanis kakahintay. "What's happening?" Bulong ko kay Hera nang makarinig kami ng kakaibang tunog.

Masiyadong madilim ang paligid kaya't wala kaming maanig na kahit ano matapos naming mangapa ngapa palabas ng kitchen.

"I think he's really drunk." Bulong ni Brent. "Let's get ready okay? Kayo ng bahala sa confetti.  I'll turn on the lights in 3... 2..." bulong pa niya sa 'min. "SURPRI-"

"WHAT THE FVCK!?" sigaw ni Tiffany.

Literal na napanganga ako sa nakita naming eksena. It was Braide while kissing someone. "Who's that girl?" Bulong ko habang pilit na sinisilip ang mukha ng babae.

"Elloisza!?" Sigaw ni Hera ng makilala ang babae.

OMG!? It was Elloisza!? Sila na ba?

Mukha namang nawala bigla ang kalasingan ni Braide at dali-dali niyang inayos ang damit ni Elloisza na muntikan na niyang tanggalin kanina.

"Nice timing huh?" Naka smirk na sabi samin ni Braide at hinila na ang mukhang hiyang hiya na si Elloisza patungo sa kusina. Nilagpasan lamang kami ni Braide at dali-dali naman silang sinundan ni Hera.

Nagkatinginan kami nila Macy at mayamaya pa'y sumunod na rin kami sa kanila. "What's happening Braide?" Naguguluhang tanong ni Macy. "Why are you with her!? Hindi mo na ba naalala!? Napakalaki ng kasalanan ng babaeng 'yan kay Zarrah!" pasigaw na dugtong pa nito.

"Macy calm down..." Pagpapakalma ko sa kaniya dahil mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.

"Let't just forget about the past okay? At isa pa, may anak na kami. Let's settle everything para sa inaanak ninyo." Nakangiting sabi naman ni Braide at inakbayan si Elloisza.

"Braide what are you talking about? Is she pregnant?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ate Xia.

"Braide umamin ka nga! Are you doing this just because you impregnated her!?" Galit na sigaw ni Tiffany kay Braide.

Tumingin naman saglit si Braide sa nakayukong si Elloisza. Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Our son is already three years old. At hindi ko ito ginagawa dahil lang nabuntis ko siya. I'm doing this because I love her." Anito sa isang seryosong tono.

"Insane!" Sigaw ni Tiffany at padabog na naglakad paalis.

"Tiffany!" Sigaw ko sa kaniya at tiningnan ko muna silang lahat bago nagpasyang sundan si Tiff. Susunod din dapat si Brent subalit inawat siya ni Marco.

"Where the hell are you going!?" Pasigaw na tanong ko kay Tiffany nang maabutan ko siyang patungo sa elevator.

"Graciela leave me alone okay!?" Iritang aniya at nagpatuloy sa paglalakad. Mas binilisan ko naman ang paglalakad at hinarangan ko ang daan niya.

"Tiffany listen to me first, I know nagulat ka sa nakita natin at sa mga sinabi ni Braide. Pero p'wede bang intindihin nalang natin siya? Kung nasaktan tayo sa pagkawala ni Z-Zarrah...  Pa'no pa kaya siya?" Pilit kong ipinapaintindi kay Tiffany ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

Oo nagulat ako sa nasaksihan. Pero magiging masaya ako kung sasabihin ni Braide na naka move on na siya kay Zarrah with the help of that girl. Everyone deserves to be happy.

"Hindi mo ba narinig? 3 years old na ang anak nila! That means 4 years ago pa nilang ginawa 'yan! Malay ba natin kung sila pa pala ni Zarrah may nangyayari na sa kanila ng babaeng 'yan!? Nung nawala si Braide, nawala rin 'yang si Elloisza diba? Hindi kaya ginawa nilang opportunity ang pagkawala ni Zarrah para finally makapagsama na sila?" Gigil na gigil na sabi ni Tiffany na labis ko naman ikinagulat.

N-no. H-he c-can't d-do t-that.

"T-tiffany w-we d-dont k-know a-anything...  K-kaya nga kailangan nating magstay doon upang malaman natin ang totoo hindi b-ba?" Sagot ko naman at hinawakan ang kamay niya upang akayin pabalik sa condo ni Braide.

"No Graciela. Tawagan mo na lang ako kapag napatunayan mong mali ang mga hinala ko." Binawi niya ang kamay niya at nagmamadali ng sumakay ng elevator.

Hindi ko na sinundan pa si Tiffany. Mag-isa na lamang akong bumalik sa condo. Pinaulanan nila ako ng tanong sa naging usapan namin ni Tiff subalit ni isa'y wala akong sinagot. Sa halip ay kay Braide at Elloisza ko ibinuhos ang aking atensiyon. Tinanong ko sila sa tunay na nangyari about sa anak nila at nagboluntaryo naman si Hera na siya na ang sasagot sa mga katanungan ko dahil lasing na si Braide at wala na sa sarili.

Isa-isa nilang sinagot ni Elloisza ang mga katanungan namin at naliwanagan naman kami sa tunay na nangyari. Nakaramdam ako ng awa kay Elloisza dahil mag-isa niyang ipinagbuntis at ipinanganak ang anak niya. Subalit hinangaan ko rin naman siya sa parteng 'yon. Makailang beses kong sinubukang tawagan si Tiffany upang kompirmahin na mali nga ang mga hinala niya subalit hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya't hahayaan ko na lamang na si Brent nalang ang magsabi sa kaniya ng totoo.

Sa halip na Party, story telling ang naganap ngayong gabi. Alas tres na ng madaling araw nang makauwi ako sa bahay. Nagpalit na lamang ako ng pantulog na damit at nagtanggal ng make up bago itinapon ang sarili sa kama.

Nakakapagod! Hindi ko kinaya ang mga revelations ngayong araw!

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon