Chapter 11

40 14 2
                                    

ELLOISZA SHYLLE'S POV

"Manong p'wedeng pakibilisan pa po?" natatarantang tanong ko kay manong driver habang paulit-ulit na tinitignan ang relo ko.

Omygosh I'm late!

Kasalukuyan ako ngayong nasa isang taxi dahil hindi ako pinayagan ni daddy na magkotse. Wala daw maniniwala na normal na Intern lang ako kung magko-kotse ako papunta do'n.

Lumipas pa ang ilang minuto at alam kong late na late na'ko sa unang araw ko sa trabaho.

"Nandito na po tayo ma'am." sabi ni manong at inihinto na lang ang taxi sa gilid ng hotel. I payed him 1000 pesos at susuklian pa sana ako ni manong driver but I refuse at nagmamadali ng tumakbo papasok sa loob ng hotel.

Halos lumubog ako sa kahihiyan ng makitang nakapila na ang mga kapwa ko trainees. Nasa akin ang lahat ng atensyon nila, samantalang agad namang napukaw ang atensyon ko ng isang tao lamang.

Tinitigan ko ito ng mabuti, naka business attire ito at presentadong presentado. Binawi ko kaagad ang tingin ko ng mamalayang tila gusto ako nitong patayin sa talim ng pagkakatitig nya.

"Ms. Estrany! Ano pang hinihintay mo? Pumila kana!" striktang sigaw ng manager ata namin. Hindi ako sigurado, hindi ko pa naman sila kilala e.

Hindi muna ipinagamit sa'kin ni daddy ang last name niya dahil masyado itong kilala at baka daw bigyan ako ng special treatment ng mga taong makakaalam sa family background ko. Kaya naman, last name muna ni mommy ang ginamit ko

Dali-dali akong pumwesto sa pinaka likuran.

"Again! Using cellphones during working hours are strictly prohibited. Did you understand?" tanong ng babaeng strikta.

"Yes Manager Sanchez." sagot naman ng mga kasamahan ko.

"By the way trainees, ang lalaking ito na nasa tabi ko ay ang anak ng CEO ng kompanya at ang New elected Vice President ng LH holdings si Mr. Braide Kyster S. Lacosta. You can call him Vice President Lacosta, at nandito sya ngayon dahil sya ang magmomonitor sainyong mga OJT's hanggang sa matapos ang internship nyo." pagpapakilala ni Manager Sanchez kay Braide.

Sandaling umingay ang paligid dahil sa kanya-kanyang reaction ng mga co-trainess ko. Karamihan sa kanila babae, at halatang halata sa itsura nilang type na type nila si Braide.

Kung alam n'yo lang ang ugali niyan, tsk tsk tsk.

Matapos pa ang ilan sa mga paalala ni Manager Sanchez ay agad na rin niya kaming pinag simula sa trabaho.

Naka assign ako ngayon sa kitchen kaya naman tamang tulong tulong sa pagluluto ang gawa ko.

"Elloisza right? Parang ngayon lang kita nakita? Saang school ka galing?" Tanong ng isa sa mga kasamahan ko na katulad ko'y dito rin sa kitchen na assign.

"A-ahh h-hehehe." tanging awkward na ngiti lamang ang naisagot ko dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

"Sige, wag mo nalang sagutin kung di ka komportable."  Nakangiting sabi naman niya. "By the way, I'm Jude." he introduced his self as he offered his hand for a shake. I don't think we should chit chatting like this here but, It's so rude of me naman kung di ko tatanggpin ang kamay niya so I accepted it.

"So Lloisza, pwede bang sabay tayong maglunch mamaya? Wala kasi akong kasabay kumain e." nakangusong sabi ni jude na hindi ko alam kung nagpapacute ba o nadudumi na.

"Sorry Jude but I feel so sad for being unable to say yes to you." nalulungkot kunwari kong sabi. "Maybe next time, nalang siguro. But for now can we go back to our works muna?" naiilang na dugtong ko pa at umalis na sa harapan niya.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon