Chapter 9

33 15 4
                                        

"Kilala mo si Zarrah Fuentes?"

Bumagal ang aking paglakad nang marinig ang isang babae na binanggit ang pangalan ko. Nasa likod ko lang sila at naglalakad din.

"Ah oo, kalat 'yong balita sa main building na inagaw niya raw' yong boyfriend ni Levi Mariyah Gomez. Grabe 'no?" Sabi naman ng isa.

"Kaya nga eh! Biruin mo dalawang taon na rin si Levi saka si Sean pero nagbreak pa rin." dismayadong sabi naman ng babaeng nagbanggit sa pangalan ko.

"Hindi ko maintindihan kung bakit parami na ng parami' yong mga mang-aagaw ngayon. Like, naiisip pa nilang manira ng relasyon? Nakakahiya siya."

Kumunot ang noo ko sa aking narinig.

"Hayaan mo na hindi deserve ni Levi si Sean. Sana maging masaya 'yong Zarrah na' yon sa ginawa niyang kalandian. High school pa lang, kelandi landi na. Mang-aagaw." Inis na sabi naman ng isa.

Tumigil ako sa paglakad at inis silang hinarap, nagulat sila nang makita nila ako.

"Wow!" Sabi ko habang pumapalakpak pa, "Literal na pinag-uusapan ako behind my back! Satisfied na kayo?" Nakangising tanong ko.

Nagkatinginan lang ang dalawa at walang naging imik.

"Oh?! Bakit hindi kayo magsalita ngayon? Nagawa niyo pa 'kong husgahan eh samantalang hindi naman tayo close! Such an imbecile!" Irap na sabi ko.

Lahat ng estudyante ay napalingon banda sa amin dahil sa lakas ng pagkakasabi ko.

"Kung wala kayong alam sa nangyari, manahimik na lang kayo." Inis na sabi ko at tinalikuran sila.

Totoo naman eh. Wala silang alam sa nangyari. Nagpakilala si Sean sa akin na single na siya, wala na sila nung Levi na 'yon nang maging kami. Hindi ko siya inagaw. Siya ang lumapit. I had crush on him kaya naman mabilis ko na lang din siyang nagustuhan. Kung makapaghusga' yong mga tao eh akala naman nila alam na nila 'yong totoo.

"Uy tahan na hindi mo deserve' yong lalaking 'yon Zarrah..." Pagpapatahan sa akin ni Gail habang hinahaplos ang likod ko. "Baka mamaya niyan atakihin ka eh! Ako pa papagalitan nila daddy saka ng mommy mo. Oh inhaler mo!" Anito at patuloy lang ang haplos sa aking likod.

Hindi na ako makahinga ng maayos. Panay ang iyak ko buong maghapon para sa maling tao. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit sobra ko siyang minahal. Lolokohin lang pala ako ng gago!

Niyakap ako ni Gail,"Shhhh... I'm here. You deserve better." Aniya.

Tumango lang ako at niyakap din siya.

"Saan ba tayo pupunta Gail?" Sabi ko habang sinusundan siya.

"Basta! Marami akong ipapakilala sa'yo!" Aniya sabay kindat sa akin. Nandito ako ngayon sa Campus nila, wala akong pasok kaya naman napagdesisyunan ni Gail na ipasiyal ako sa University'ng pinapasukan niya. Baka sakali na magbago ang isip ko at lumipat na rin dito.

Sirang sira na rin kasi ako sa school namin dahil sa mga fake news lalo na no'ng magbreak kami ni Sean.

I am just wearing a jumpsuit denim, black tshirt and black converse shoes. Nagmukha akong Jamie Sullivan ng Walk To Remember ni Nicholas Sparks.

"Graciela!" Isang babae ang agad na yumakap kay Graciela. Nasa hallway kami ngayon sa thirdfloor, tiningnan ko ang malawak na field nang mapansing maraming tao roon at mukhang nagkakasiyahan.

Hinatak ako ni Gail at hinarap sa mga kaibigan niya, "Guys siya 'yong kinukwento ko sa inyo. Siya' yong pinsan slash! best friend ko pa. Si Zarrah." Sabi nito.

Ngumiti ako sa kanila.

"Hi I'm Aprille Hera Carrson. Call me Aprille basta 'wag na' yong Hera. Ako 'yong best friend ni Gail simula pa lang ng elementary kami. Kumbaga hanggang sa nagdalaga, magkaibigan na kami." Nakangiting sabi niya sabay lahad ng kamay, tinanggap ko ito. "Nice to meet you." Aniya.

"Nice to meet you too."

Nagpakilala rin sa akin ang ibang kaibigan ni Gail. Masaya kong tinanggap ang mga kamay nila.

"Anong meron sa 'baba?!" kunot noong tanong ni Gail.

"Ewan ko nga rin eh. Nagdeklara ng walang pasok ngayon... Shit! Anong araw ngayon?!"

Nagkatinginan sila at ako naman ay naguluhan, "VALENTINE'S DAY!" Malakas na sigaw nila.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko rin nga namalayan na valentine ngayon.

"Nasaan si Braide?!"

"Kanina pa nga hinahanap nila Marco." Sagot naman ni Aprille. "Justinne!" Malakas na sigaw ni Aprille sa isang lalaki sa ibaba ngunit hindi ito naririnig.

Inakbayan ako ni Aprille, "Siya si Justinne... Manliligaw ko. Hihi." Kinikilig na sabi nito sa akin habang nakaturo sa isang lalaki na nakatayo sa soccer field at tila may hinahanap.

Nanood muna kami ng event sa school nila at umuwi na rin.

"Sayang hindi mo pa nakikilala si Braide. Napakabait no'n. Bagay kayo." Hagikhik na sabi ni Gail sa akin.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya at nagrereview for the final exam. Pero hindi ako makapagreview dahil sa napakadaldal kong pinsan.

"Ano naman?" Kunot noong tanong ko, natawa na lang si Gail sa naging tugon ko.

"Gusto ka niyang makilala." kindat na sabi ni Gail sa akin.

Gusto niya 'ko makilala? Nag-iwas ako ng tingin sa sariling naisip.

"Alam mo ba binanggit ko lang buong pangalan mo eh gusto ka na raw niyang makilala? Pero hindi muna sa ngayon." Aniya sabay kuha sa kinakain naming nachos.

I sip on my frappe and read my Calculus reviewer. "I don't want to mind him. Let's focus na nga." Irap at birong sabi ko.

"Hmmm!" Singhal niya sabay turo sa akin na may nanlalaking mga mata, may laman pa ang kaniyang bibig at umayos ito ng upo. Nilunok niya muna ang kinakain bago nagsalita, "Pagkatapos ng final exam. Sa sabado, magpaparty kami. Overnight. Sama ka?"

"Gail?"

"Hindi ko sasabihin kina tito at tita! Join with us!" kinikilig na sabi niya.

Umiling ako at hindi siya pinansin sa kaniyang sinabi.

"Look. Zarrah. Ayaw mo ba? Hahayaan mo na lang ba ang buhay mo sa ganiyan lang? Ano ka ba! You need some wild places! Sumama ka na! -"

"Alam ba nila tita na ganiyan ang ginagawa mo sa sarili mo?"

Natigilan siya sa deretsahang tanong ko. "See? Kapag nalaman nila 'to t'yak na magagalit sila. Ikaw rin? Tapos isasama mo pa' ko. Okay nang ikaw na lang! I'm not gonna tell this to them, promise. By the way, alam din ba nila Aprille about sa sakit ko?"

"No." Agad na sabi ni Gail.

Nagbaba ulit ako ng tingin sa aking nirereview nang magsalita si Gail.

"Ang akin lang naman Zarrah lumabas ka naman minsan sa hawla mo... You know what? It seems like you are a robot. Controlling by your parents. Ang akin lang naman, prove them that you can stand on your own. That you can do what others can do. Bukas pa naman 'yon, kapag nagbago isip mo... Tawagan mo - "

"Fine. Sasama ako." deretsahang sabi ko.

Tama siya.

Maybe this is the time to enjoy my life and not being a robot controlling by my parents like Gail told me. This is the time to make fun with others like what I've seen on some movies before. I can't imagine myself dying without a fun memories, like drink liquor. This is my life, and this is my decision. I want to decide without my parents permission, I want to keep secrets, Going Bar, going concerts and do whatever I want even it is foul.

This is the time to stop being a fan of Jamie Sullivan and stop applying her personality to myself. Because after all, this is the reality. I can't find Landon in my life, who will change and left everything for his love, Jamie Sullivan.

Now, I'm going to change myself and be a  woman. A dangerous and brave woman.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon