Chapter 3

48 24 1
                                    

Braide's point of view.

Kasalukuyan akong nakatingin sa side mirror ko habang pinagmamasdan ang nakatalikod na babaeng 'yon, may kausap ito sa telepono. Hindi ko alam kung bakit pero dalawang emosyon ang nararamdaman ko ngayon sa kaniya, inis at galit.

Hindi ako nagsisisi na sinabi ko ang lahat ng iyon kanina. She deserve that! She deserve to call a whore! Ito pa lang ang una na may napagsabihan akong babae gamit ang salitang 'yon, pero sa mga kagaya niya nararapat lang na sabihin sa kaniya' yon.

Nagsinungaling ako sa sinabi ko kanina na nang dahil sa kaniya ay muntik ng malagay sa peligro si Zarrah pero mabuti na rin 'yon nang lumayo na siya sa amin. Alam kong sakitin si Zarrah at maselan ang kalusugan niya kaya hindi ako magbibigay ng dahilan para manghina siya ulit, kahit ano gagawin ko para sa kaniya.

Napagpasiyahan ko na lang na daanan sa bahay 'yong pinaluto kong sinigang kay Manang Nelly nang lumabas ako ng kwarto ni Zarrah at dahil may pag-uusapan sila ni Gail. Alam kong magugustuhan niya' yong sinigang na pinaluto ko dahil paborito niya ito.

Matapos 'yong nangyari no'ng gabing' yon hindi ko na mapapatawad pa 'yong babaeng' yon maski na rin ang sarili ko kapag naulit pa 'to.

I promise to care, protect and love her everyday.

I didn't figure it out why that girl kissed me that night and called me Leon. At first, I didn't know her even her name so why would she kissed me and called me Leon? Is she's fvcking insane?

Ni sa buong buhay ko ay wala akong nakasalamuhang babae na agad agad na manhahalik sa akin maliban sa kaniya. Hindi ko alam kung anong likido ang nainom ng babaeng 'yon at bakit niya nagawa sa akin ang eksenang' yon, nang dahil sa kaniya mukhang makakapanakit na ako ng babae maliban sa babaeng minamahal ko.

After that night I brushed my teeth twice and used a mouth wash. I feel so embarrass when I remember that night and pity myself, it seems like she saw me as a boy and not a man... She's rude. Why would I remember that night anyway?

"Salamat po Manang... Mainit init pa po ah!" Masayang sabi ko kay Manang Nelly nang iabot niya sa akin ang nilutong sinigang.

"Ano ka ba! Para kay Zarrah sasarapan ko pa lalo ang mga niluluto ko!"

"Salamat po manang, mauna na po ako baka lumamig pa." Nakangiting sabi ko.

Tumango lang ito at kumaway sa akin. Hindi mawala sa mga labi ko ang ngiti habang hawak hawak ang mainit na sinigang. Agad ko ng pinaandar ang kotse papunta sa Hospital.

Nakanguso akong naglakad patungo sa elevator habang pinapaikot ang ring ng susi sa aking hintuturo. Itinigil ko ang pagpapaikot at pinindot ang floor kung nasaan ang room ni Zarrah. Ngunit sa pagsara nang elevator ay nakita ko si Justinne at Hera sa katapat na elevator na sinakyan ko na kakalabas lang mula rito. Anong ginagawa nila rito? Gail invited them?

Nang tumigil na ang elevator sa floor na dapat nitong hintuan ay dumeretso na ako sa kwarto ni Zarrah. Nakangiti akong sinalubong ni Zarrah habang si Gail naman ay nakatingin sa labas ng bintana. Nilingon ako nito at ngumiti sa akin.

"You're here! What's that?" Masayang sabi ni Zarrah.

"Your favorite..." Sabi ko at nilapag na ito sa isang lamesa na malapit lang sa kaniya.

"Sinigang?" Tila naghugis puso ang mga mata niya nang tinanong ako.

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan sa noo, "Yep." Sagot ko. Natawa ako nang bigla niya kong niyakap ng mahigpit.

"Yey!" Masayang sabi niya.

"Ehem..." Tikhim ni Gail, nilingon ko ito na kasalukuyan namang nakatingin kay Zarrah ng masama.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon