[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
All these things we do...
"Saturday?" I called her.
She's crying in front of me.
Magulo na ang buhok niya at nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya. Hindi ko man lang siya mahawakan dahil iyon ang pinakaayaw niya. Kapag umiiyak siya, ayaw niyang hinahawakan siya. She feels so weak and she hates it. Ni hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko dahil nahihirapan na rin ako sa nakikita ko. Natatakot ako na kung hawakan ko siya ay biglang lumayo siya sa akin.
Palihim kong kinagat ang ibabang labi ko habang pinupunasan niya ang luha niya. Kahit paghikbi niya, alam ko kung bakit siya umiiyak.
Hindi na ako nagtanong kung ano ang problema niya at pinagtiisang panoorin siyang umiiyak. Tumatak na sa isipan ko na ayaw niyang pinagsasabihan siya. Basta alam ng kausap niya kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ay ayos na siya roon.
Damn you, Minute Rogers.
Napabuntong-hininga ako nang makita siyang pilit pinapakalma ang sarili niya. Humakbang ako palapit sa kaniya dahil naramdaman ko na kailangan na niya. Inalok ang panyo ko. Palagi na akong nagdadala ng isa pang panyo para sa kaniya. Sa oras na umiyak siya, ibibigay ko. Napakaiyakin kasi talaga ng babaeng 'to. Kung puwede ko lang suntukin ang lalaki na 'yun ngayon ay baka nasa guidance na ako kanina pa.
"Ang sakit, Geo.."
"I know, dude," sabi ko na lamang at nakita siyang tumawa. Grabeng coping mechanism.
"Hindi ko siya magawang kalimutan." Paulit-ulit niyang pinupunasan ang mukha niya dahil sunod-sunod na tumutulo ang luha niya. "Bakit kasi nahihirapan akong lumayo sa kanya kahit may humahadlang sa amin?"
Okay this time, damn it, Style.
"Puwede na kitang hawakan?" tanong ko kay Sat at napatango siya. Kinuha ko ang panyo niya. Pinunasan ko ang mukha niya na puno ng harina at luha.
"Puwede ka na maging ensaymada." Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya pabiro niya akong sinuntok sa braso. Napailing na lang ako habang may dinudukot sa bulsa ko. "Oh." Inabot ko ang panyo at susi ng locker ko.
"Kunin mo ang P.E. uniform ko roon. Iyon muna ang suotin mo."
Tinalikuran ko na siya pero nagsalita siya ulit. "Saan ka pupunta, Geo?"
Lumingon ako. "May aayusin lang." Tinanguan ko siya at pumunta sa Room 8A. Hindi ko na kinakayang nakikitang umiiyak si Saturday, lalo na ibang lalaki ang iniiyakan niya. Kampante ako sa kakayahan ko na hindi siya paiyakin kaya napapatanong na lang ako sa tadhana kung bakit hindi na lang ako? Bakit ba kailangan dumating pa ako sa puntong pupunta pa ako sa room ng may dahilan ng lahat ng ito?
Hinanap ng mata ko ang babaeng may kulay ash gray ang buhok. Nang makita ko siya na napapaligiran ng mga alipores niya ay napaangat ang gilid ng labi ko at walang paalam na pumasok sa room nila. Narinig ko ang tilian, bulungan, at pagkabigla ng mga tao roon pero natahimik nang tumayo ako sa likuran sa babae na 'to.
"Nararamdaman ko na malapit na siyang bumigay. We need to try harder! That's what she gets when she's messing up with my lovelife."
"U-uh.. Style..?"
"Wala na ba kayong naiisip na ibang idea? Huwag niyong sayang ang mga ginagastos ko sa inyo. Now, sigurado bang malinis ang ginawa niyo kanina? Sinong kumuha ng video?"
"S-Style.."
"What?!" Paglingon niya sa akin ay napaangat ang mukha niya para makita ako.
Napatili ang lahat nang kinuha ko siya at kinaladkad habang hawak-hawak ko ang uniform niya. "What theㅡhoy Geometry!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. Nakikita ko sa hallway na maraming napapatingin hanggang sa makarating kami sa likuran ng building kaya mahina ko siyang tinapon malapit sa basurahan. Kung hindi lang 'to babae ay baka mapagbubuhatan ko pa 'to ng kamay. Pero masyado kong pinigilan ang sarili ko. Alam kong galit ang umaapaw sa akin ngayon.
Magulo na ang buhok at uniform niya. At siya pa ang may ganang magalit, huh?
"Ano bang problema mo?!"
Ningisihan ko siya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya para ayusin ang tayo niya. Huwag siyang umarte na mahina siya. Kung matapang siya para gawin ang lahat ng bagay na iyon kay Saturday, p'wes, ipakita niya sa akin. Dahan-dahan kong nilapit ang katawan ko sa katawan niya. Napapaatras siya hanggang sa dingding na ang naasasandalan niya. Kinulong ko agad siya matapos kong ilagay ang kamay ko sa pader.
"Listen, Style Harris."
Narinig kong napalunok siya.
"Kapag hindi mo tinigilan si Saturday, malala pa ang mangyayari sa'yo," bulong ko. Sinubukan niya akong itulak palayo pero walang nangyari. Hindi ako umalis sa pwesto ko. "Naintindihan mo?"
"And why on earth na titigilan ko si Saturday, huh? Ayoko! Deserve niya 'yunㅡ!"
Natahimik siya nang sinipa ko ang basurahan na nasa tabi namin. Tiningnan ko ulit siya sa mata at nakikita kong puno iyon ng takot.
Natawa ako. "Bakit ka nanginginig?" tanong ko habang humahakbang palapit lalo sa kaniya "Natatakot ka na roon? Ni hindi pa kita nahahawakan," bulong ko at balak hawakan ang pisngi niya kaya agad siyang napapikit nang mariin.
Hays.
Nawalan ako ng gana. Napaangat ang tingin ko dahil nandidiri ako nang may biglang pumasok sa isipan ko. Napailing ako bigla dahil baka sabihin niya na may balak ako sa kaniya.
Hindi talaga ako pumapatol sa babae pero sa kaniya, hindi na ako magdadalawang-isip na pag-trip-an siya. Hindi ko siya sasaktan. Mas maganda sigurong panoorin na sa lakas ng loob ng baabeng 'to ay tatakutin ko lang.
Binawi ko na ang kamay ko. Naramdaman niya iyon kaya unti-unti siyang napadilat.
"Iwasan mo silang dalawa," huli kong sinabi at binalak nang umalis.
Ang kaninang takot ay napalitan ng inis. "O-Of course not! Ano ka sinuswerte? Bahala ka sa buhay mo!" Agad siyang umalis at tumakbo palayo. Natawa na lang ako.
I warned you, Style Harris.
Style... is her name.
Everyone wants their own style. Too bad, no one wants to own her.