Chapter 3✅

2.3K 99 3
                                    

Agamani Astrid Ghaile Acosta

Magulo, maingay, mausok at maraming tao. This is probably a famous street race venue eh?.


"Wag kang lalayo" as usual. Naka palibot nanaman ang mga pinsan at kapatid ko sakin at ang tatlong kaklase namin ay kasama pa.


Nakaka bwisit nga iyong Cazdrin! Lakas maka gago eh. Hilig din mang asar! Buti pa si Dremion! Actually medyo close close na kami ni Dremion at si Kriz naman ay nakaka usap ko rin. Si Cazdrin lang talaga ang pag kinausap mo, may kasamang asar.


"Acostas'! Oh? The 3 Ace!" May lumapit na isang medyo may edad na na lalaki kaya mas siniksik nila ako sa gitna.


Gago! Ang init!


"Cheetah, kamusta?" Dinig kong bati ni Kuya Aiden.


"Aiden, matagal tagal din ah?. Nag punta dito ang ilan mong pinsan kahapon--bat wala kayo?" Dinig kong sabi nung Cheetah.


"May kasama kaming importanteng tao kahapon" ihhhh importante ako! Hehehe


"Sino naman---oh? Bat may babae kayo na kasama?" Umalis naman si kuya Aquil sa harapan ko para mas lumitaw ako.


"Bunso namin mag pipinsang first cousins Acosta" nanlaki pa ang mata nito at napangiti.


"Akalain mo nga naman na may babae pala sa Acosta?!--ako nga pala si Cheetah" pag lalahad nya ng kamay pero tinapik ni Hemilton.


"Wag ka na makipag kamay. Hindi marunong mangarera ang isang yan" magaling kasi ako!


Napa ngiwi naman si Cheetah.



"Akala ko ba naman may babae'ng Acosta ang sasabak ngayong gabi! Sina Brakus pa naman ang sasabak" napa taas maman ang isa kong kilay. "Tara, dun na tayo sa dating pwesto" aya samin nung Cheetah kaya sumunod kami.



Napunta kami sa pinaka tuktok at may harang na malaking salamin. Kitang kita ang buong Race track na palibot sa buong Blashzone na kitang kita naman dito sa pwesto namin.


"Wag kang lalayo Ghaile" kalabit ni Dremion at hinawakan pa ako sa braso. Naiwan kasi ako sa likod.


"So? Sino ang sasabak?!" Tanong ni Cheetah.


"Kami ni Aquil at Galaxy" si Kuya Aiden ang sumagot.


"Bakit hindi pa kayong lahat?! Hindi naman ako na-nanakit ng babae" patukoy nya sakin kaya nag katinginan sila.


"Mangarera kung mangangarera" sabi ko at tinignan sila na napa kamot pa sa batok.


"Sige" si Kuya Aiden uli.


"Yun oh! Ano? Dating pusta?" Sabi ni Cheetah. "Pero parang mas gusto ko ang babaeng Acosta" nangunot naman ang noo ko at humarang sila sa harap ko.


"Wag mo nang idamay si Astrid" napatawa naman si Cheetah.

"Easy! I was just joking!" Sabi pa ni Cheetah at humalakhak.


Tarakan ko kaya ngala ngala neto?


Sa huli ay naiwan ako kay Cheetah. Actually naalibadbaran ako sa mukha nya. Hindi ko naman sinasabing pangit sya pero---yun talaga ang ibig kong sabihin. He's nit that old but middle aged. Makaat ang mukha nyang tignan dahil sa balbas nito at naka man bun na buhok na hindi nya naman ikinagwapo. May pagka mestizo naman sya makinis ang balat. Kaya lang amoy sigarilyo't alak and he has the worst fashion sense.


The Only Rose  Among The Thorns (Rose Duology #1)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon