Chapter 6✅

1.9K 72 6
                                    

(A/N: MAY NAG SABI SAKIN NA KAHIT YUNG EDITED CHAPTERS MAY ERROR PARIN DAW...Sorry po! I'll double check it soon so still expect errors in the edited chapters kasi wala naman akong katulong HEHE)


Agamani Astrid Ghaile Acosta


"Everything in perfect timing. Just wait for the right time and you'll see the outcome better than you expected"

Pabagsak akong yumukosa lamesa ko sa sobrang pag iisip. Napakasakit na nag ulo ko at pakiramdam ko'y sasabog na yung utak ko kakaisip.


"You sure you okay?" Nag aalalang tanong sakin ni Vreu at hindi ko sya pinansin at bagkus ay nilingon ang bakanteng upuan ni Vincent Hidalgo.


Hanggang sa matapos ang klase ay wala akong naging imik dahil sa magulong sinabi ni Vincent sakin kagabi--nakakagago.


"Tara na" walang ganang aya ko at tumayo saka nag paunang lumabas sa room.


Paglabas ko ay isang lalaki ang naka tayo sa di kalayuan ang agad kong napansin.


He's wearing a leather jacket and a shades as if the sun is too bright for him. Siguro mga 6 rooms ang pagitan namin.


Kunot noo ko syang tinitigan. Feeling ko kasi nakatingin sya sakin eh, hindi naman sya napapansin ng ibang studyante na tila isa lang syang hangin.


"Astrid" napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Dremion.


Binalik ko ang paningin ko sa lalaki---wala na sya.

Fvck! Am i hallucinating?!.


"Astrid" binalik ko ang tingin kay Dremion na naging si Cazdrin'ng epal.


Agad ko syang tinalikuran na may matching irap pa. Pero bago ako makalayo ay nahuli nya na ang pulsuhan ko. Inis ko syang tinignan at pilit binawi ang kamay ko pero mas hinigpitan nya ang hawak.


"Ano ba?! Ano nanaman?!" Inis na tanong ko.


"I wanna say sorry" pwersahan kong binawi ang kamay ko at inirapan ulit sya.


"Mag hanap ka ng pagong at dun ka mag sorry" inis na sabi ko at nag paunang bumaba.


Badtrip sya. Makapagsalita akala mo naman may alam. Kaltukan ko itlog nun eh---ay bad.


Nang tumunog ang elevator ay agad akong lumabas at dumeretso sa cafeteria. Unang week ko palang dito napakadame ko nang basher. Nakakayamot dahil dahilan nila ay ang mga kaklase ko.


Kinakausap ko kasi sila at minsan ring nakikipagkulitan. Hindi naman sila mahirap pakisamahan at sabagay panay lalaki sila so i believe that hindi sila plastik.


Aba subukan lang nila! Ipapatapon ko sila sa norte.


"Oh sorry!" Punyeta.


Ang lagkit!


Tatawa tawa pang humarap sakin yung babaeng naka tapon sakin ng iced choco. At tinignan ko naman ang uniporme kong parang may mapa ng america. Ganon kadami. Letse.


"Ano bang problema mo?" Bored kong tanong sakanya.


Nilalandi mo kasi yung Section Marivlloso---hula ko lang naman.


"Ang lakas kasi ng loob mong dumikit sa mga Acosta!" Taas kilay nyang sabi na nag pairap sakin.


Yung option 2 pala.


The Only Rose  Among The Thorns (Rose Duology #1)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon