Agamani Astrid Ghaile Acosta
"Hindi mo man lang sinabi na buhay ka!" Dinig kong sabi ng isa na pilit hinihinaan ang boses.
"Hindi ako pinayagan ni dad---"
"Dad?!---hindi ba't ang dad natin ay si Garret Acosta?! Bakit hindi ka nya papaya---"
"Hindi na sya ang daddy ko dahil hindi naman talaga sya!"
"Punyeta ang iingay nyo!" Inis na sabi ko at nag lingunan naman sila sakin at biglang nag lapitan.
"Astrid--ayos ka na ba?" Tanong sakin ni Kuya Aiden pero nag iwas ako ng tingin.
"Asan si Blake" tanong ko kay Kuya Garnet at hindi pinansin sila kuya Aiden.
Masyado akong maraming iniisip at binugbog nila si Zach na sana ay ni-report nalang nila ang ginawa ni Zach kaysa pinag kaisahan--ayan tuloy! Comatose ang walangya!
"P-pumunta kila Mama" sagot nya at tumango naman ako at pumukit.
Noong na aksidente raw si Kuya Garnet--saktong mula sa likod ay may isang sasakyan na nag kataon ay sinasakyan ni Mr. Marvin Bleu Hidalgo na asawa ni Ms. Painite ngayon.
Sya ang nag ligtas sakanya at saktong isang doctor si Mr. Hidalgo. Noon nya lang rin nalaman na anak pala ni Ms. Painite si kuya Garnet.
Kagaya ko ay resulta rin sya ng panghahalay ng ibang Acosta. Si Tito Garret. Saktong may asawa si Tito sa panahon na yun kaya inampon nila si Garnet at dinala sa america at dun nanirahan. At makalipas ang limang taon ay muling nabuntis si Ms. Painite na kami naman ni Blake ang bunga.
Naniniwala ba ako?----50/50. Una sa lahat kamukhang kamukha ko si Ms. Painite at maging si Blake dahil nga kakambal ko raw ito. At si Garnet naman ay hindi nalalayo ang itsura at ugali namin. Kaya siguro simula palang noon ay magaan na ang loob ko sakanya. Pero in the other side. Wala pang confirmation mula kay Lolo, Mommy, Daddy at iba pang Acosta. Kaya sa kalahati ay hindi parin ako naniniwala. Parang hindi ko maisip na may ganong sikreto ang mga Acosta.
"Astrid" tawag sakin ng kung sino--si Kuya Aquil.
"Oh?" Blangkong tugon ko habang naka pikit parin.
"Galit ka ba?" Nag mulat ako at nakita kong wala na ang iba doon at ang mga kapatid ko nalang na Acosta ang nasa loob.
"Hindi ako galit--naiinis lang ako" simpleng sagot ko ng hindi nag papakita ng emosyon.
"Si kuya Andrei--uuwi na sya" nilingon ko naman si Kuya Aiden.
"Oh tapos?" Walang ganang tugon ko at dun nangunot ang noo nya.
"Hindi ba't sya ang pinaka close mo?" Kunot noong tanong ni Kuya.
"It's been 11 years. Willyou still expect the same scenarios?" Naiinis ako sakanila--dahil alam kong may alam sila.
Naiinis ako perohindi ko magawang magalit dahil tinuring parin nila akong kapatid nila. Kung totoo man yun, malaki parin ang utang na loob ko sakanila.
"Baka naman na-brainwash ka na nyan si Garnet ha" pabiro pero may halong inis nasabi ni Kuya Aquil.
"Wag nyo idamay yung ibang kapatid ko" natigilan sila pareho at nilingon ako.
"Anong kapatid?" Pansin kong pinipigilan ni Kuya Aiden na mautal kaya umupo ako sa kama at hinarap sila.
"If it is true--pwedeng mag salita nalang kayo. Because i can't take if magalit ako sainyo" mahinang at mahinahon kong sabi at nadinig ko naman ang pag buntong hininga nila.
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns (Rose Duology #1)|| COMPLETED
Teen FictionTrash leading man ahead