Chapter 40

1K 50 14
                                    

Agamani Astrid Ghaile Acosta

Today is monday and nakakapanibago. Dahil pag pasok ko kanina sa room ay wala akong naririnig na kulitan.

Ang tahimik nila!. Nakakapanibago.

Sa tabi ako ni Vince umupo kung saan nakaupo dati si Zach.

Kamusta na kaya ang bugok na yun?

Napabuntong hininga nalang ako at ipinagpatuloy ang pag babasa ko ng libro ng may malala ako.

Kailangan nga pala sila sa Acosta Hall para magpasukat ng tux. May gagastos kasi para sa guests's attire para masunod daw ang dress code.

Siniko ko naman ng mahina si Daniel na tulala sa bintana.

"Punta ka sa Acosta Hall. After dismissal." Sabi ko at nangunot naman ang noo nya.

"Ano namang gagawin ko dun?" Takang tanong nya kaya binaba ko muna ang librong hawak ko.

"P-para sa upcoming birthday ko. Kailangan mag sukat ng tux" sagot ko naman at nag kibit baikat nalang sya at tumango.

"Si Daniel lang ba invited?"

"Sira sabi nga ng lolo nya lahat daw ng fourth year"

"Pero bakit si Daniel lang ang sinabihan nya?"

"Baka naman...sya yung napiling escort ni Astrid"

Dinig kong bulungan ngmga siraulo kaya tumayo ako at napalingon naman sila sakin.

"Acosta hall, after dismissal...all of you" bored nong sabi at muling umupo sa pwesto ko at pinagpatuloy magbasa ng libro.

Nang nag break na ay kinuha ko na ang wallet, phone at Jacket ko sa bag at kinuha ko rin ang susi. Gaya ng sabi ko ay pupunta ako sa Rivera Corp para dalhan ng mga pagkain yung mga boss.

"San ka punta?" Tanong salin ni Vreu at napasulyap naman ako sa pwesto ni Cazdrin na bakante.

"I will give you space"

Ito na ba yun?

"Rivera Corp" tipid kong sagot at parang mga tsismosang naintriga ang mga siraulo na pasimpleng lumapit at umastang makikinig.

"Ha? Ano gagawin mo dun?" Sabad ni Daniel.

"Mag dadala ng pagkain" tipid kong sabi at sinuot ang jacket ko dahilan para matakpan ang uniform ko.

"Hindi ka dito mag la-lunch?" Sabad naman ni Vince.

"Dun nalang. Una nako" sabi ko at tinalikuran sila.

Wala pa akong balak na makipag ayos sa kanila.

Agad naman akong sumakay sa sasakyan ko at pinalabas naman ako ng guard. Dumeretso ako sa fastfood resto na naka hilera lang malapit sa school.

I bought 20 pastas, 10 burgers na may kasamang Fries, at Anim na special rice meals. At 36 drinks. Para magamit ko naman yung perang tinatambak nila sa credit card ko. Baka mabulok.

May 30 employees kasi sa floor ni Xantie na naka pailalim sa team nya. Madalas daw na hindi na nakakakain ng tama ang mga yun dahil sa trabaho.

Inabot siguro ng 15 minutes ang orders ko bago ako maka diretso sa Rivera Corp.

Madami dami yung binili ko kaya hindi ko kayang bitbitin lahat kaya tumawag ako ng guard na buong galak naman na tinulungan akong mag bitbit.

"Kayo po yung nobya nung CEO?" Nang i-intrigang tanong ni Manong guard kaya tumawa ako ng mahina.

The Only Rose  Among The Thorns (Rose Duology #1)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon