Chapter 22

1K 50 0
                                    

Brothers

Agamani Astrid Ghaile Acosta

Matapos namin mag punta sa cliff house nila Filip ay umuwi narin agad kami.

At ngayong umaga, hindi inaasahang tao ang bumati sakin ng magandang umaga.

Naka uwi na sila.

"Ghaile! Let's eat!" Tawag sakin ni Tita Amanda, asawa ni Tito Hein na parents ni

Hemilton, Mateo at Kuya Sherwin.

Hindi ko maintindihan kung bakit dito sila dumeretso sa bahay naming mag pipinsan kung ganon naman na higit ma mas malaki ang Central Mansion kaysa dito.

Pag upo ko sa lamesa ay hindi ko magawang ngumiti sakanila gaya ng ginagawa nila---mga plastik

"Ma, bat dito kayo dumeretso?" Naka bisangot na tanong ni Mateo kay tita Amanda.

"Why Mateo, don't you wanna see us?" May himig parin ng pag ka istrikta sa boses ni Tita Sapphire na asawa ni Tito Bret.

Parents naman nila Kuya Craine and kuya Brendiv and kuya Aimir . Panganay kasi si Tito Bret sa
Mga Acosta na anak ni Lolo kaya sya ang may pinaka matanda ring anak.

"Hindi naman sa ganon ma--but madami kami rito and this house is just an average, yet you decided to go here at hindi nalang kami ang ponatawag sa Central Mansion" may pag ka asar na sabi ni Kuya Craine--agpalaban! Dun ako kay Craine Acosta!

"Hm, then later pupunta kayo sa Central Mansion since Andrei, Aiden, and Andrew is back." Sagot ni Tita Zenith. Asawa naman ni Tito Garret na parents ni Galaxy at ni kuya Garnet.

"Sayang lang hindi na kayo kumpleto" malungkot na sabi ni Tita Zenith.

Nag katinginan kaming mag pipinsan since wala pa pala kaming nababanggit sa pag papakita ni kuya Garnet.

"Contact him Ghaile" siniko pa ako ni Kuya Aiden.

"Why would i?" Pabalang na tanong ko at sinamaan nya ako ng tingin kaya napa singhal nalang ako at tumango.

"Sinong i-co-contact?" Nai-intrigang tanong ni Mommy samin kaya umiling kami.

"Ikaw Ghaile...baka mamaya may nobyo ka na" matatalim na tingin ang binigay sakin ni Tita Amanda kaya nag baba ako ng tingin at palihim na kumusilap.

"At baka mamaya--mag loko nanaman dahil sa lalaki" kinuyom ko ang kamay ko sa sinabi ni Tita Zen

"Mom!" Suway ni Galaxy sakanya at matunog na umismid lang ito bago bumalik sa pag kain.

Matapos din ang umagahan na yun ay binilinan kami na mag handa para sa Familly Lunch mamaya sa Central Mansion.

Ang Central Mansion---bahay ng pamilya namin. Si Daddy, si Mommy, at kaming mag kakapatid kasama ang mga kasambahay. I mean our family. Not the Acostas'.

Sa pamilya rin namin ibinigay ang Central Mansion na syang pinaka malaki sa 5 symbolic traditional Mansion ng mga Acosta na sya ring pinaka mahalaga.

Nag suot lang ako ng tipikal na damit na parati kong sinusuot. Hoodie and a shorts paired with a sneakers at iniladlad ang buhok ko kagaya ng palagi kong ginagawa.

Biglang bumukas ang pintuan ng walk in closet ko at sumalubong ang kunot noong mukha ni kuya Aiden.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong nya--nahiya ako sa polo at pants nya na pinaresan ng makintab nyang sapatos.

The Only Rose  Among The Thorns (Rose Duology #1)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon