Chapter 41

934 43 4
                                    

Agamani Astrid Ghaile Acosta

Nasa loob lang kami ng room. As usual tahimik. Walang umiimik. Walang nag sasalita bukod sa teacher na nasa harapan.

4 days... before my hell.

Wala sya.

Absent sya...bakante ang upuan nya. Nasan kaya yun?

Sinabi ko kay Xantie na hindi ako makakapunta sa Rivera Corp pero nag pabili naman ako ng mga pagkain para ipadala dun.

Medyo mahigpit kasi Martes ngayon. Tuwing martes kasi may isang representative ang board na nag iikot sa buong school para mag inspect.

3 months na pala nuh?.

Ang bilis nang panahon. Parang kahapon lang hindi kami mag kakakilala. Ngayon may hidwaan na agad sa pagitan namin.

Nang mag bell ay walang saita salita akong lumabas ng room at dumeretso sa Auditorium kung saan nag pra-practice ang iba. Hindi ko na daw kailangan nag practice. Tss, hindi naman ako perpekto.

Pag dating ko dun ay sinalubong agad ako ni Scarlet.

Si Alodia...

"Pupunta si Kuya?" Tanong ko habang nag lalakad kami palabas ni Scarlet.

"Mmmmhh. Ikaw? Di ka pupunta sa mga kaibigan mo?" Umiling naman ako at tinuro ang nag iikot na board member.

"Sa school ay may batas...bawal lumabas, oh bawal lumabas" kanta ko at natawa naman sya.

Pagdating namin sa parking lot ay sakto rin naman ang pag dating ni kuya na may dalang pag kain.

"Oh? Dika ata pumunta ng Rivera Corp?" Tanong nya at umiling naman ako.

"Martes ngayon" sagot ko at sinama naman nila ako sa table na pinag kakainan nila.

Naka upo na kami sa cafeteria ng matanaw ko ang table nila Alodia. Nakatingin sya dito at napaiwas ng makitang naka tingin ako sakanya.

Napabuntong hininga naman ako at napakamot sa noo.

Paano ko ba i-o-open up to?

"Kuya" tawag ko kay Kuya pero pareho silang napalingon sakin ni Scarlet.

"Oh? May problema ba?" Si Scarlet ang nag tanong at napasulyap naman ako kay Alodia na nakatingin na ulit dito.

"Wala...wala, kain na tayo" sabi ko at kumain naman kami habang pinag uusapan ang debut namin.

"U-uh, Comfort Room lang ako" paalam ko at tala naman silang tumingin sakin bago tumango.

Tumayo ako at nag lakad papunta sa comfort room na nasa loob lang rin naman ng Cafeteria.

Paglabas ko sa cubicle ay nakita kong nakatayo si Alodia sa harap ng salamin at malungkot na nakatingin sakin.

Hinarap nya ako at nag simula nanaman syang lumuha kaya nilapitan ko sya.

"Hey. Why? Stop crying... it's bad for the baby" sabi ko at pinakatitigan sya.

Kahit ilang weeks palang ang pag bubuntis nya ay may pinagbago na ang katawan nyang nag simulang tumaba.

"I can't do this anymore Ghaile... Help me to tell Garnet, please" sabi nya at kumapit pa sa braso ko kaya inalalayan ko naman sya

"Alodia, nag hahanap lang ako ng tyempo. Ayaw kong magka-problema sa pagitan ni Garnet at ni Scar---" mas humagulgul sya kaya naman hindi ko natapos ang sasabihin ko.

The Only Rose  Among The Thorns (Rose Duology #1)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon