Chapter 23

1K 45 2
                                    

Agamani Astrid Ghaile Acosta

Awkward

That's the best word to describe this family lunch. Pag ka alis ni Kuya Garnet, pinaupo nila ako para kumain at wala nang ibang napag usapan kundi ang pera ng mga Acosta at ang darating kong debut.

"I think we will be needing to celebrate Ghaile's debut at London" natigil naman ako sa pag subo at nag angat ng tingin kay Tita Amanda.

"Yes. Right. That would be better" sagot naman ni mommy.

"I want it celebrated here" wala sa sariling protesta ko.

"Why? For your friends? Hindi ba't taga london--" bago pa matapos ang sasabihin ni Tito Hein ay nag salita na si Lolo.

"Let her decide" asik ni Lolo. "Hindi kayo ang mag ce-celebrate. If the other Acostas' wants to be present at my Ghaile's debut, sila ang pupunta rito" ma awtoridad na utos ni Lolo saka ako nilingon at kinindatan.

Nginitian ko naman si lolo. After all, he's always on my side.

"Then where do you want to celebrate it?" Tanong ni kuya Aimir sakin.

"I want it somewhere my other friends can be present" simpleng sagot ko.

"Hindi pwede na rito sa Central Mansion gaganapin ang party. This is an exclusive space" sabi ni Tita Zenith at tumango tango pa.

"Why not? If Ghaile wanted it here" sabad ni kuya Andrew at inirapan naman siya ni Tita Zen.

"Central Mansion is exclusively for Acostas" mararay na asik ni Tita Zen kay kuya.

"Then Garnet shouldn't be here. Pati narin kayo Tita." pabalang na sabad ni Kuya Andrei.

"Enough" awat ni Tito Garret.

"Bastos kang bata ka" asik parin ni tita Zen.

"Zenith! Don't you ever speak like that to my son!" Asik ni Mommy.

Habang nag tatalo sila ay nag vibrate naman ang phone ko. Hudyat na may nag text kaya agad kong binasa yun mula sa ilalim ng Lamesa.

From: Filip the Screwdriver
Hey mamen ramen! Wala tao sa bahay u? Wer u? Sundo ka sana nmn go tayo sa mall nila kiel

Nilingon ko naman ang mga nasa harap ng hapag na nag tatalo talo.

To: Filip the Screwdriver
Sama ako. Nasa Central Mansion lng kme. Una na kayo, just text the address

Pag ka text ko nun ay agad naman pumasok ang text nya na sinasabi ang lokasyon ng mall nila Kiel.

"Tapos na po ba?" Pambabasag ko sa pag tatalo nila. "May lakad pa po kami ng mga kaibigan ko...tapos na ba?" Malamyang sabi ko.

Parati nalang kasi na sa tuwing imuuwi ako rito ay kung hindi sigawan ang mag a-acompany sakin ay mahihinang ingitan at bangayan. Nakaka sawa.

"Saan ang lakad mo?" Tanong ni kuya Aimir.

"Sa mall. Kasama ko yung mga classmates ko" walang ganang sagot ko.

"Sila Dremion? Hindi naman sila nag text sakin" sabi ni Vreu kaya hinugot ko ang phone ko at hinarap sakanya yun.

"Hindi talaga. Sila Filip ang nag aya at kila Kiel ang punta" sabi ko at nag baba naman sya ng tingin.

Hindi kasi maganda ang namamagitan sa ilang kaklase ko at sa mga pinsan ko. I can understand them because they're somewhat arrogant. The Acostas i mean.

The Only Rose  Among The Thorns (Rose Duology #1)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon