(A/N: MAY NAG TANONG PO ULIT PARA SAAN YUNG GREEN MARKS.... IT INDICATES THAT, THAT CHAPTER IS ALREADY EDITED. Pero gaya nga ng sabi ko, hindi porke edited eh wala nang error kasi ako lang ang nag e-edit at wala akong katulong kaya malamang marami paring mali sa chapter na nalalampasan ko)
Agamani Astrid Ghaile Acosta
Kanina pa ako gising at naka titig sa sarili ko sa salamin habang hawak ko yung labi ko.
You kissed back..
Irita kong ginulo ang buhok ko at nag impit ng sigaw ng biglang may kumatok sa kwarto ko kaya tumayo ako para buksan yun.
"Baba na, breakfast is ready" blangkong sabi nya sakin.
Tinignan nya pa ako mula ulo hanggang paa kaya tinaasan ko sya nang kilay kaya inirapan nya ako.
Aba't---gago yun ah?!
Pabagsak kong sinara ang pintuan ko ng maka talikod sya at padabog na nag suklay ng buhok.
"Matapos mokong halik-halikan mag susungit ka dyan" bulong ko habang nag susuklay.
"Kung hindi lang maganda ang mata tarakan ko talaga ng ballpen yan" dagdag ko pa at sinipa ang paanan ng vanity table ko.
"Nakaka inis! Hahalik halik biglang mangungusilap!" Impit na sigaw ko.
"Sino nang halik sayo---" biglang may tao sa may pintuan ko kaya sa gulat ko ay napasigaw ako.
"Ay gagong Cazdrin paker Ivan tanginang Alcantara!" Gulat na sigaw ko at napahawak pa sa dibdib ko kaya naman humagikgik si Gago.
"He kissed you?" Tanong nya at tumaas taas pa ang kilay. Lumapit sya sakin habang naka pamulsa at huminto sya sa harap ko at nilapit ang mukha nya sakin kaya napa atras naman ang ulo ko.
"Was it good?... i know he's a good kisser" agad ko syang binatukan.
"Gago!" Sigaw ko sa mukha nya kaya humalakhak naman sya.
Umatras sya habang tumatawa parin.
"Bumaba ka na! Kakain na daw" sabi nya at tumatawa parin habang umiiling at tinalikuran ako.
Tangina mo Dremion Isidro!
Bumaba naman agad ako at nakita silang tatlo na naka upo sa dining table habang nag kwekwentuhan at si Dremion naman ay sinalubong agad ako ng nakakalokong tingin at may nakakagagong ngisi.
"Good morning" bati sakin ni Kriz nang maka upo ako sa gitna.
"Good morning" bati ko rin at pasimpleng pinandilatan si Dremion dahil hindi parin sya tumitigil sa pag tingin at pag ngisi.
"Aalis daw tayo?" Tanong ni Dremion at maayos akong tinignan.
"Bakit? Kasama ka?" Mataray na sabi ko at kinusilapan sya.
"Ah---" sabi nya na para bang may binabalak. "Was it good?" Nang aasar na sabi nya kaya pinandilatan ko sya.
"Sabi ko nga sasama ka!" Humagikgik naman sya at binalik ang paningin sa pag kain.
"How about me?" Singit nung walangya sa usapan.
"Ay malamang kasama ka" malokong sabi ni Dremion kaya sinipa ko ang paa nya sa ilalim ng lamesa. "Aray?! Sinong nanipa?!" Tanong nya habang parang natatae ang hitsura.
Tumawa naman ako kaya pinagtaasan nya ako ng kilay.
"So masarap nga?" Tanginuhh
"Ano ba yang masarap masarap na yan?" Iritang tanong ni Kriz at nilingon na kami ni Dremion.
"Yung ano---" pinasakan naman ni Cazdrin ng toast ang bunganga ni Dremion kaya napasimangot sya at nginuya nalang ang nasa bibig nya.
"Pupunta tayo sa Airport. Susunduin ko yung ilang kaibigan ko from London" napalingon naman sila sakin.
"Huh? Bat sila uuwi?" Tanong ni Kriz.
"Yung dalawa sakanila, dito talaga nakatira. And yung dalawa pa, bakasyon lang" simpleng sagot ko at sumubo ng toast.
"May babae ba?" Naka ngising tanong ni Dremion kaya inirapan ko sya.
"Oo" simpleng sagot ko pero tonong nambabanta.
"Maganda ba?" Interesadong tanong ni Kriz na bahagya pang inilapit ang upuan sakin.
"Well yeah" sagot ko at nagkatinginan pa silang dalawa ni Dremion at ngumisi ng malawak.
When the first time i saw them--i knew they were the one. Cassanovas'!
Matapos naming mag breakfast ay nag ready na kami pare-pareho. Todo pa gwapo sila at mula dito ay amoy na amoy ko ang halimuyak ng pabango nila.
Sige degwatin nyo may babahag ang buntot at manunuwag ng sungay sinasabi ko senyo!.
Iniladlad ko ulit ang mahaba kong buhok bago suklayin yun. Pinagpag ko pa muna ang jacket na soot ko at inayos ang shorts na soot ko. Hindi naman kaiklian, sapat lang para ipakita ang tuhod.
Sunod kong sinuot ang sneakers ko at kinuha ang phone, wallet at car keys ko bago lumabas.
At talaga nga namang parang tanga ang dalawang to. Naka suot sila ng polo at naka bukas ang dalawang butones habang sinadyang guluhin ang buhok.
"Rugged look? Bagay sainyo. Mukha kayong basahan" pang aasar ko at sinimangutan naman nila ako.
"Napakasama!" Angil ni Dremion at dinuro pa ako. Inirapan ko lang sya bago ibato sakanya ang car keys pero si Cazdrin ang sumalo.
"Sasabay ka sakin. Bawal ka pa sa National road" seryosong sabi nya kaya tumango nalang ako.
At nang lingunin ko si Dremion ay naka ngiti sya ng nakakaloko sakin habang tumataas taas pa ang kilay at bahagya nya pang pi-nout ang nguso nya na para bang hahalik bago siya humagikgik.
"Tara naa" aya ni Kriz at nag paunang lumabas.
Nilingon pa muna kami ni Dremion bago sya lumabas.
"It is good isn't it? Isa pa" nakakalokong sabi nya kaya napayuko nalang ako.
"He knew" nilingon ko ang katabi ko at nakakaloko syang nakatingin sakin kaya kinunutan ko sya ng noo.
"Knew what?" Iritang sabi ko.
"That i kissed you" nanlaki naman ang mata ko at napaiwas ng tingin. "Akala mo di ko maalala? Naalala ko Astrid." Sabi nya at hinuli ang baba ko para i angat at magtama ang paningin namin. "You kissed back" malanding sabi nya na may pakagat pa sa labi.
Sinupalpal ko naman ang mukha nya gamit ang palad ko.
"Tara na nga!" Inis na sabi ko at narinig ko naman ang pag halakhak nya.
Umilaw ang kotse nya kaya agad akong pumasok doon. Kinuha ko agad ang phone ko at sinalpak ang earphones ko saka nag patugtog ng Hard metal rock at sinagad yun.
Sa bintana lang ako tumingin habang naka nguso dahil ampula pula ko at kitang kita ko sa repleksyon ko.
Nakakabanas ang lalaking to.
Tangina talaga Cazdrin Ivan Alcantaraaaaaaaaaa! Ang sarap mong humalik----este ang sarap mong supalpalin! What am i even thingking! Forget about the kiss Astrid get over it arghhhhh!
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns (Rose Duology #1)|| COMPLETED
Teen FictionTrash leading man ahead