Chapter 14

1.3K 59 3
                                    

Agamani Astrid Ghaile Acosta

My previous days here at school? You mean---being surrounded by students with fake nice attitudes. Err i prefer having a friend who can say my flaws.

"Ayan! Omg, bagay sayo yan!" Tili ni Kitty. Yung exclusive designer daw ng mga Acosta. Si mommy ang nag recommend at eto namang sila Alodia, kagat agad dahil libre ang dress.

Dzuh kahit mayaman yang mga yan pag nakarinig ng libre mag kukumahog makuha.

"Woah, that totally suits you!" Manghang sabi ni Alodia na kanina pa umaangal sa nasosoot kong damit.

"Yeah! Like... look at that figure with that dress!" Puri pa ni Mikai at marahan akong inkot.

"Isn't this too revealing for the party?" Tanong ko at sinipat pa ang suot ko.

"It's an aquaintance not a prom!" Sabi ni Alodia at lumabas ulit sa fitting room na suot na ang damit nya.

Walang masabi yung dress ko ha! Walang palag sa pagpapakita ng skin!.

"And this! Is mine!" Sabi ni ni Mikai at lumabas din sa firting room suot ang dress nya.

Grabe ha! Hindi sa hindi ako sanay dahil kahit noon aa London ay 15 akong mag simula akong mag suot ng ganitong mga damit. But it's different here inthe philippines.

Matapos namin mag sukat at kuhanin yun, sunod naman kaming mamimili ng sapatos namin. Mamaya na kasi ang Aquaintance party at bigla bigla nalang akong sinundo nina Alodia at ayaw pasamahin ang mga boys.

"What shoes will you wear with that?" Tanong ni Alodia samin ni Mikai.

"I saw something already. It was from Jimmy Choo and i pi-pick up ko lang sya dito. Ikaw Astrid?" Napa isip naman ako saglit.

"I already got something from Miu Miu, may mag dadala lang rin dito" sagot ko at napasimangot si Alodia.

"Akala ko ba naman makaka pag shopping tayo! Ako din eh! I already bought something and they will drop it here also" napatango naman kami.

"Where did you get it from?" Mikai asked.

"Manolo Blahnik" prenteng sagot nya na parehas naming kinagulat ni Mikai.

"What the heck Alodia--for Aquaintance party? MB?!" Di maka paniwalang tanong ni Mikai.

"Excuse me?! It's just a low model MB! Nahiya naman ako sa Jimmy Choo at lalo na sa Miu Miu!" Sabi ni Alodia at humalakhak.

Sa huli ay nag hiwalay hiwalay din kami since iba iba ang meet up place namin. Napag usapan naman namin na sa Starbucks nalang mag kikita kita.

Ngayon ay mag isa ako sa loob ng restaurant. Ang lakas nga maka baba dahil panay naka formal attire ang mga tao dito samantalang ako tamang shorts, shirt at sneakers lang.

"Hi, we've met again" napalingon naman ako sa nag saita at nakita ang isang pamilyar na lalaki.

"Ha?" Tanong ko at humagikgik naman sya bago umupo sa harapan ko.

"Nakalimutan mo na agad?" Naka ngiting tanong nya at nangunot naman ang noo ko bago ma realize kung sino ang kaharap ko.

"Sorry, was your name Blake?" Ngumiti naman sya ng malapad at tumango.

"You remembered" naka ngiti nyang sabi bago luminga at may sinenyasan.

Naplingon naman ako at nakita ang lalaking naka shades at naka leather jacket kasunod ni Vince. Papasok sila sa resto kaya tinitigan kong mabuti yun at napatayo ng makilala sya.

The Only Rose  Among The Thorns (Rose Duology #1)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon