Chapter 43

920 37 0
                                    

Agamani Astrid Ghaile Acosta

2 days to go....

Mas naging busy ang pag pri-prepare at pag hahanda ng lahat. Kasama ang mga Fourth year na ibinibigay na ang mga damit.

Pati ang pag bibigay ng programme ay ginawa na din.

Sa Loviè Coste magaganap ang party. Kung saan isa sa malaking venue dito sa area namin. Lampas downtown pa yon at medyo malayo layo.

Wala ring klase ang lahat ng fourth year dahil sa pag hahanda. Hindi tuloy ako nakapagpabili ng pag kain na sinabi ni Xantie na ayos lang dahil busy ako.

"Sino kayang pwedeng mag bigay nito?" Tanong ko habang naka taas ang tux na para kay Cazdrin.

Wala parin sya.

Kulay maroon ang coat at puti ang polo na may kulay itim na neck tie. Nakikita ko palang ay alam kong bagay na bagay sakanya. Sobrang handa ko na pero hindi naman ako sigurado. Kung darating sya. Dadating nga ba sya?

Nanlulumo kong inilapag sa back seat ang tux at saka muling pina andar ang sasakyan ko.

Papunta kasi kami sa España Gate para mamili ng mga regalo ang mga siraulo at ako naman ay susunduin si Ate Meridith. Iyong ate ni Mikai na mag ma-makeup and style up sakin.

Nag punta muna ako sa isang resto para makakain muna since wala pa akong kain at 2 pm na.

"Good Morning ma'am may i take your order?" Naka ngiting bungad sakin ng waitress

"Creamy Mashroom Pasta with French toast and a glass of water" ini-lista naman ni Ate Girl ang order ko at nag abot ng piraso ng papel na mukhang resibo.

"Ihahatid nalang po ma'am" naka ngiting sabi nya kaya nginitian ko din sya at kinuha ang papel.

May ilang minuto saka dumating ang order ko at nag simula akong kumain. Pero sa kalagitnaan ng pag kain ko ay naagaw ng dalwang tao ang atensyon ko.

Pumasok sila sa Resto. Pinag buksan nya ng pintuan ang babae. Matangkad, elegante ang pormahan, mailki ang buhok na hindi aabot sa balikat, maputi, maganda ang hubog ng katawan at halatang may class. Samantalang ang lalaki ay naka polo at slacks lang.

Parang ayaw tanggapin ng mata ko ang nakikita ko.

Inalalayan pa nya ang babae sa pag upo at kung todo ngiti naman ang bruha.

Babaero!

Malayo layo ang pwesto ko sakanila pero sigurado akong sya yun!

Pinanood ko sila ng patago habang kumakain. Pero hindi ko malunok ang sinusubo ko sa pagbabara ng lalamunan ko na para bang maiiyak ako.

May inilabas na may kalakihang box ang babae at iniharap kay Cazdrin.

Oo si Cazdrin na tatlong araw na walang paramdam sakin. Nasa harap ko ngayon may kasamang babae!

Nakangiting hinarap nya ang box at parang mga bagay iyon na sobrang interesado sya kung makatingin.

May tinignan pa sya sa phone nya bago ibalik ang tingin sa kahon at nilingon ang babae.

May itinuro sya na kinuha naman ng babae.

Medyo mahaba yun na bagay at may naka lawit lwit na disenyo. Hindi ko makita kung gaano kahaba pero nasisigurado kong alahas yun.

Kinuha naman ni Cazdrin yun at itinaas na para bang sinusukat nya sa leeg ng babae mula sa hangin.

Diko na kaya! Awat na!

The Only Rose  Among The Thorns (Rose Duology #1)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon