Krizanto Aloure Bueno
Pangalawang araw nang walang presensya si Astrid kaya may hinala kaming nakita nya ang ginawa ni Cazdrin sa bar.
Lasing kami pero si Cazdrin hindi. Kaya hindi ko alam kung paano nya nagawa yun. Hinahanap namin sya pero wala talagang may alam kung asan sya maging ang mga pinsan nya ay nag hahanap din daw sakanya.
Sinubukan naming mag punta sa Rivera Corp pero sinabing naka leave daw ang CEO nila at ang mga Division Chiefs ay may business trip na pinuntahan para sa closure of contract daw ng isang future share holder.
"May balita na ba?" Matamlay na tanong ni Kiel.
Simula kasi nung monday ay walang gana buong klase. Dahil bukod sa bumalik na si Zach, bumalik din ang dating Cazdrin na sobrang mainitin ang ulo. At higit sa lahat, wala yung source ng asaran kaya walang ibang nagawa kundi tumahimik.
Maya maya ay patakbong pumasok si Dremion kasunod si Filip.
"Andyan si Astrid!" Masiglang sigaw ni Filip kaya agad kaming nag takbuhan palabas.
Lahat kami. Maging si Zach at Cazdrin.
Pero pag baba namin ay hindi ko aakalain na madami ring studyante na naka palibot sa bungkos ng body guards kaya napilitan kaming manatili sa malayo layo sakanila.
"Si Astrid nga!" Excited na sigaw ni Jason at halos magtatatalon.
Palapit sila sa gawi namin kaya nakangiti kami pero hindi namin inakala ang ginawa nya.
Tinignan nya lang kami at nag iwas ng tingin bago nag tuloy sa pag lalakad.
Bumagsak ang balikat naming lahat.
"May alam nga sya" pabuling kong sabi.
"Bakit hindi sya naka uniform?" Naka ngusong tanong ni Yvan.
"Caz---" wala sya!
"Si Cazdrin!"
"Anyare?"
Napatakbo kami papalapit sa mga guards na hawak hawak si Cazdrinna nag pupumilit lumapit kay Astrid.
"Astrid...please" pag mamakaawa nya habang si Astrid ay naka baling ang paningin sa iba.
"What do you want?" Garalgal na boses ni Astrid na halatang nag pipigil ng pag iyak.
"Let's talk baby" garalgal din na boses ni Cazdrin at kami mismo ang umawak sakanya para mapabitaw ang mga guards.
Biglang lumapit ang isang lalako na may hawak na isang envelope at folder.
"Naayos ko na yung papers mo" sabi ni Xantie pagkalapit kay Astrid ng hindi manlang nililingon ang gawi namin.
"Mauna na kayo sa sasakyan. Samahan nyo si Xantie sa penthouse nya para kuhanin yung mga bagahe nya. Yung mga bagahe ko nasa labas na ng condo, nakay Scarlet---pakikuha narin. May kakausapin lang ako"gumagaralgal ang boses nya na para bang may naka bara.
Sinunod naman nila ang sinabi ni Astrid at natira ang limang body guards at sya bago kami harapin.
"Talk now. N-nakakahiyang pag antayin yung piloto" natigilan kami sa sinabi ni Astrid at kusang napabitaw kay Cazdrin.
"Aalis ka?" Halos maiiyak na tanong ni Dremion at pilit na ngumiti si Astrid.
"I am meant to leave." Simpleng sagot nya.
"Iiwan mo kami?---iiwan mo ko?" Basag ang boses ni Cazdrin na nag payuko kay Astrid.
"A-alam ko yung sa Bar" mapait nyang sabi dahilan para mapayuko kaming lahat.
"Babe" lumuluha nang sabi ni Cazdrin.
"I'm not leaving to move on. I'm leaving for my family. So don't think na iiwanan kita dahil aalis ako para sa personal agenda" formal na sabi ni Astrid
"B-babalik ka pa ba?" Umiiyak na tanong ni Cazdrin.
"You heard what my father said on my debut Cazdrin. It's either for a short time or for good" formal parin na sabi nya.
Agad namang lumapit si Cazdrin na akmang pipigilan ng guards pero sinenyasan ni Astrid na hayaan.
Naka luhod si Cazdrin sa harapan ni Astrid na hindi makapagbaba ng tingin sakanya.
"P-please baby. Don't leave" nakaka awa ang hitsura ni Cazdrin na hindi alintana ang ibang studyante na naka tanaw sakanya habang umiiyak sya
Umupo naman si Astrid para mag pantay sila at agad nyang hinawakan ang pisngi ni Cazdrin at pinunasan ang luha nito.
"I love you baby..." emosyonal na bulong ni Astrid sapat para madinig din namin. "But hindi porket mahal kita ay pipiliin kita. Tama na yung isang pilantik. Hindi ako galit or what so ever." Sabi nya at ginaya ang pwesto ni Cazdrin na naka luhod.
She kneeled down withe her hare knees in the gravel kaya umastang itatayo sya ng mga guards pero kinumpas nya ang palad nya.
"I'm so sorry baby" umiiyak na sabi ni Cazdrin.
"Shhh. Gaya ng sabi ko, hindi ko kayang magalit sayo. Ganon kita kamahal Cazdrin. But loving someone needs trust, and that's the thing you broke but not my love" inalalayan nyang tumayo si Cazdrin at sabay silang tumayo kaya napatingala si Astrid.
"Good bye Babe. Good bye Cazdrin" mahinahon nyang sabi at hinalikan si Cazdrin ng sandali sa labi bago sya talikuran.
Napaiyak ng husto si Cazdrin at akmang matutumba kaya agad namin syang inalalayan. Nakita ko ang pag hinto ni Astrid at ang pag iyak bago sumulya at ngumiti sakin kahit puno ng luha ang mata.
Si Cazdrin naman ay halos mapahiga na sa sahig sa sobrang pag iyak habang inaalalayan naming halos lahat.
This is the second time we saw him like this. Noong una ay nung namatay ang mama nya. Pero hindi pa namin sya nakikitang halos mag lupasay para lang sa isang babaeng minahal nya.
Pero hindi ko masisisi si Astrid sa pag alis nya... But her smiles assures me that she'll be back.
Good bye Astrid...just for now and i'll wait for your return---we'll wait for you.
BINABASA MO ANG
The Only Rose Among The Thorns (Rose Duology #1)|| COMPLETED
Teen FictionTrash leading man ahead