Chapter 47

984 45 1
                                    

Agamani Astrid Ghaile Acosta

Matapos ang 18 roses ay tinawag na si Lolo para mag salita at mag bigay ng salita, hindi narin ako sa stage umupo at nakisama sa table ng mga siraulo.

Lumapit naman si Loren sakin na kadarating lang rin kanikanina.

"Miss Ghaile, mag bihis na daw po kayo" naka ngiting aya sakin ni Loren.

Akmang tatayo ako ng umalap sa bewang ko si Cazdrin.

"I'll go with her" nakangiting sabi nito kaya napangiwi nalang ako.

Kulang nalang ay kargahin nya na ako sa pag alalay saakin paakyat pabalik sa dressing room.

"Aga? Happy birthday" may isang lumapit saaming kasing tangkad ni Cazdrin, matikas ngunit hindi singtikas ng kasama ko. Kayumanggi rin ito na mas nagpa bagay sakanya.

"Thank you---wait? Azazel?" Napangiti naman sya at akmang aakapin ako ng tumikhim si Cazdrin.

"Oh? May nobyo ka na pala" pilit ngiting sabi ni Zel at tumango naman ako.

"Si Cazdrin, Caz, si Azazel. Kababata ko" pakilala ko at nakipag kamay naman si Cazdrin sakaniya.

Nang talikuran kami ni Zel ay kung todo ngiti ni Cazdrin sakin na para bang asong nauulol.

"Ano?!" Tanong ko Kasabay ng pagbukas ko ng pintuan ng dressing room.

"I'm your boyfriend huh" malanding tugon nya at niyakap pa ako kaya siniko ko naman sya.

"Dito ka lang! Si ate Dyth at ate Tasha ang mag a-assist sakin" nag taas naman sya ng kilay at akma ko na syang tatalikuran ng hulihin nya ang pulsuhan ko.

"Tasha? As in Natasha! Natasha Ingrid?" Nag kunot noo naman ako at tumango. "Shit...she's here?!" Para bang nabibigla nyang tanong at basta bastang binuksan ng malawak ang pintuan at sumalubong naman samin si Ate Tasha na naka ngisi kay Cazdrin.

"Hi Cazdrin" malokong bati ni Age Tasha sakanya.

"The fvck you're doing here?" Gulat na tanong ni Cazdrin.

"Come here, Ghaile" senyas sakin ni Ate Dyth kaya lumapit naman ako.

"Lumabas ka nga! Para namang papatayin ko ang girlfriend mo!" Bulyaw ni Ate Tasha kaya nag init naman ang mukha ko.

Nadinig nya?

"Tss. Oh? Nasan si Belle?" Naka ngiwing tanong ni Cazdrin.

"Nasa jewelry store nya" sagot naman nya bago sinenyas na lumabas si Cazdrin.

"Ate ha! Wag kang magkakamali!" Parang nag babantang sabi ni Cazdrin kay ate Tasha

Ate?

Napipilitan naman iting lumabas at padabog na sinarado ang pintuan.

"I'm his cousin if you're confused" naka ngiwing sabi ni Ate Tasha at sinuklay ang buhok ko.

"Panganay kasi nila Tita Catie at tito Driveon si Cazdrin. Walang mag aalaga sakanya at mag dedesiplina dahil parehong busy sila Tito At tita kaya ako ang nag babantay sakanila." Pagkwekwento ni Ate Tasha at itinali ang ribbon sa likod ko

"I didn't know na boyfriend mo na pala si Cazdrin" sabad ni Ate Dyth.

"Opo" pabulong kong sagot.

Nang matapos na akong magbihis ay binuksan nila ang pinto at nandon naman ang naka simangot na si Cazdrin habang naka sandal sa pader.

Agad naman itong lumapit sakin at pinulupot nanaman ang braso sakin.

The Only Rose  Among The Thorns (Rose Duology #1)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon