Kabanata 1
"Akin na kasi!" Sigaw ni Lexi kay Daniel. Kanina pa sila naghahabulan, nakakahiya. Mga isip bata talaga.
"Hoy, Daniel! Ibigay mo na nga yang cellphone niya! Nakakahiya kayo!" Sigaw ni Pixie kay Daniel. Paano ba naman kasi? Si Daniel, kinuha yung cellphone ni Melody.
"Tumigil na kayo." Doon sila tumigil dahil sa awat ni Azariah. Ayaw nila na mapagalitan ni Azariah. Iba kasi magalit si Azariah.
"Salamat Azariah!" Hinalikan ni Lexi sa pisngi si Azariah.
"Yuck, Stop it. Nakakadiri kayo. Like, duh!" Diring-diri na sabi ni Melody habang umaasta pang nasusuka.
"Tumigil ka nga diyan, Pokpok!" Sigaw sa kanya ni Lexi, hindi siya seryoso pero tila nandidiri rin.
"Hoy kanina pa kayo! Ang ingay niyo!" Sigaw ni Vivienne na kanina pa nagbabasa ng libro.
"Ito naman. Puro wattpad lang alam mo! Palibhasa walang paki sa mundo!" Masunget na sabi ni Lexi kay Vivienne.
"Ihahampas ko itong libro sayo! Ako subukan mo!" Seryosong asal ni Vivienne. Okay this time, seryoso si Vivienne.
Ring-ring.
"Pasok na." sabi ni Azariah sa Amin.
Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko. Sila Lexi at Julian nag-uusap, may sarili silang mundo. Si Azariah nakatulala lang, may problema siguro ito? Si Vivienne naman naglalakad na nagbabasa. Si Pixie, Melody, Daniel, Gerard, Stacy at ako ay lamang ang nag-uusap.
"Mga sis, Tuloy pa ba sa tulay?" Tanong ni Daniel. You know what it means. He is a gay.
"Malamang!" Iritadong sigaw ni Vivienne. Alam niyo ba kasi 'tong babaeng 'to, libro lang ang mundo.
"Nagtatanong lang!" Sabi ni Daniel sabay irap kay Vivienne.
"Ang ingay-ingay mo kasi! Nawala tuloy ang pokus ko!" Sigaw nito pabalik kay Daniel. Lumapit si Daniel kay Vivienne at hinawakan ang kamay neto.
"Sorry na, beshy! Bibilhan nalang kita ng libro. Babawi ako sayo, promise." Malambot ang boses na sabi pa ni Daniel at tinaas ang kaliwang kamay.
"Oh, sige. Pinapatawad na kita. Basta, yung libro ko!" Napailing nalang ako dahil mukhang libro na talaga si Vivienne.
"Bro, kanina ka pa tahimik ah?" Sabi ni Gerard sa akin na nakatingin na pala sa akin.
"Wala ito, iniisip ko lang yung girlfriend ko." Palusot ko sa kanya na alam niyang biro.
"Girlfriend? Eh, wala ka nga'ng girlfriend!"
"Walang basagan ng trip, bro!"
~~
Pagkatapos ng klase, dumeretso kaagad kami sa tulay kung saan ang tambayan namin. Call us weird but this is the best tambayan in our village. Walang tumatambay na iba rito dahil sabi-sabi raw ng matatanda ay may namatay daw noon dito pero dahil kami ay kami, hindi namin iyon pinansin dahil noon lang yon.
"I freaking love the fresh air!" Sigaw ko habang pinapakiramdaman ang hangin.
"Tumahimik ka nga!" Reklamo ni Azariah dahilan para mapahinto ako. Bakit ang tataray ng mga tao ngayon?
"Ano na naman ang lulutuin kong ulam?" Tanong ng chef namin na si Gerard. Siya ang taga-luto ng ulam palagi dahil siya lang ang may alam magluto sa aming lahat. Pero ang iba ay tinuturuan niya kaya natututo na kami.
"Ang gusto ko ngayon ay may sabaw." sabi ni Stacy.
"Same here," pag sangayon ni Lexi.
"Same three,"
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HorrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...