Kabanata 18
Si Theodore ay nagmamaneho habang ngumunguya ng bubble gum, si Melody at Pixie naman ay tulog pa rin hanggang ngayon, si Lexi ay lumalamon na ng lollipop nasawa na siguro sa tsitsirya, si Vivienne naman ay nagbabasa ng libro na nakikinig ng patugtog sa headset niya at ngumunguya ng bubble gum, si Daniel ay nagvlo-vlog, si Gerard at Julian ay nakatulog na, si Anxiety ay kinakain ang binato ni Vivienne kanina, si Daryl ay tumahimik na dahil nakatulog, si Adrianne naman ay nakatulog na nakikinig ng patugtog sa headset niya, si Yanyan naman ay nagseselpon at ako ay nakatingin pa rin sa daan dahil naboboring ako.
Maya-maya pa ay biglang umingay ang paligid, dahil gising na si Melody at Pixie."Hey, nasaan na tayo?" Matamis na tanong ni Melody kay Theodore, hindi niya ba alam na meron kaming kasama?
"I don't know, ang sigurado ko lang ay malapit na tayo." Tumayo naman si Melody at ginala ang paningin niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil nakita niya ang apat na baguhan.
"What the hell?! Why are they here?!" Malakas na tanong niya dahilan para gumising na ang mga nakatulog.
"Tumahimik ka nga! Nakisakay lang sila dahil—" hininto ni Vivienne ang sasabihin niya dahil napa-isip siya. "Bakit ko nga ba 'to sinasabi sayo? Kung hindi mo naman obligasyon na malaman?" Sarkastikong sabi ni Vivienne na nakatingin sa mga mata ni Melody.
"Ugh! Your so bad, your embrassing me!" Maarteng ani Melody na napapahiyang umupo sa pwesto niya.
"Ang tapang..." Narinig kong bulong ni Adrianne na masunget habang nakangisi, woah. Ngayon ko lang siya nakitang ngumisi.
"Beshy, may pagkain ka ba riyan?" Tanong ni Melody kay Pixie.
"Edi beshy, oh." Sabay abot ng cookies kay Melody.
"I don't like that... May iba ka bang pagkain? Katulad ng prutas..."
"Wala, beshy."
"Halla, gusto ko pa naman ng prutas... Sino may prutas diyan?" Malakas na tanong ni Melody sa lahat pero walang sumagot. "Ay, deadma... Walang sumagot? Um... How about milk, beshy, Meron ka?"
"Wala, beshy. Coke lang."
"I'm so hungry... Sino ang may gatas—" hindi niya na natituloy ang sasabihin niya dahil...
"Tumahimik ka! Istorbo ka! Matulog ka nga nalang, satsat ka nang satsat! Bwisit!" Sigaw ni Vivienne sa kaniya na binato pa ng libro dahilan para tumayo ang mga lalaki.
"Alam mo kanina ka pa, eh... Punong-puno na ako sayo, palibhasa nobyo mo lang si Gerard kaya hindi kita pinapatulan!" Sigaw rin ni Melody sa kanya.
"Bakit? Takot ka? Sige, patulan mo ko, dahil wala na kami ni Gerard. Akinin mo na rin, sayong-sayo na!" Hinarangan naman ni Julian si Melody nang akma niyang susugurin si Vivienne.
"Wala na kayo? Unbelievable... Dahil ba, naghalikan kami ni Gerard? Funny..." Nakangising usal ni Melody, tama siya. Si Melody ang ex na hinalikan ni Gerard.
"Oo nga, nakakatawa... Ha. Ha. Ha." Pekeng tawa ni Vivienne.
"Tumigil na kayo." Malamig na awat ko sa kanila ngunit hindi sila nakinig. Tumingin ako kay Theodore na nagmamaneho kung naiistorbo siya ngunit, ang hitsura niya ay mukhang walang nangyayari, Good.
"Halika nga dito, wag kang duwag!" Sigaw ni Melody kay Vivienne.
"Hindi ako duwag, sadyang may mga paepal lang na gustong madamay." Malamig na sabi ni Vivienne na kinuha ang libro at muling nagbasa, unbelievable. Nagulat naman ang lahat na naka-abang sa kilos ng dalawa sa sinabi ni Vivienne kaya bumalik sila sa kani-kanilang upuan maliban kay Gerard, Julian, Yanyan at Adrianne.
"Tumigil na kayo!" Sigaw ni Gerard dahilan para tignan namin siya, nakatingin naman siya kay Vivienne.
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
Kinh dịUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...