Kabanata 24

77 12 0
                                    

Kabanata 24

Azariah Hillee Dran POV

Nandito kaming lahat ngayon sa tabi ng dagat, dito ia-announce kung ano ang first activity ng lahat.

"Good morning ladies and gentlemen, I am miss Dimple Lordema, at kami ng kasama ko na si mister Jackson Daeli ang magsasabi sa inyo kung ano ang gagawin niyo, In short we are the special guest." Halatang masunget si Miss Dimple.

"Ilan ba ang paaralan na nandito ngayon?" Tanong pa nito sa mga kasamahan niya. Sumenyas naman ng walo ang lalaki kaya bumalik ang tingin niya sa amin.

"May walo tayong paaralan," na may patango-tango pa at kunwaring nagiisip- isip. Ano kaya ang gagawin? Sana hindi mahirap!

"May marunong bang mag-jetski sa inyo?" Tanong ng kasama niyang lalaki sa amin. Kakaunti lang ang mga nag 'Yes' at karamihan ang nag 'no.'

"Kung hindi alam ng iba, sa ibang activity nalang sila sasali. Sigurado akong per school ay meron alam sa pag-je-jetski. Am I right?" Nagsihiyawan lang ang mga studyante bilang sagot. "Kailangan namin ng apat na miyembero, dalawang lalaki at dalawang babae bawat paaralan. Ihahanda lang namin ang gagamitin niyo, may oras pa kayong magdesisyon kung sino ang isasali ninyo. At ang mga hindi sasali sumakay na kayo ng bangka at pupunta tayo sa kabilang isla, doon pupunta ang mga magje-jetski."

Agad na nagsibilog ang mga kasama ko pati na rin ang ibang mga taga paaralan. Of course nangunguna yung mga scout patrol at ang lecturers.

"Sino sa inyo ang marunong mag jetski?" Tanong ni Palm ngunit walang sumagot. "Kailangan pa namin ng isang lalaki't isang babae, dahil kaming dalawa ni Yanyan ang dalawang sasali." Mahinhin si Palm pero parang naiinis siyang magsalita. She don't deserve.

"Ako nalang yung isa," Tipid na sabi ni Vivienne, alam niyang mag jetski?

"Kaya mo ba?" Nang-aabuso na sabi ni Palm.

"Ha!" Parang hindi makapaniwalang singhal ni Vivienne, "Ikaw? Kaya mo ba?" Sarkastikong tanong niya kay Palm.

"Sasali na rin ako," nagulat kami nang magsalita si Adrianne. Anong eksena 'to mga 'teh?

"Okay, pumunta na kayo sa sasakyan niyong bangka papuntang kabilang isla para hindi tayo mahuli sa pila." Utos ni miss Bliss dahilan para bilisan namin, hindi naging madali ang pagsasakay sa bangka dahil madaming nakapila.

Adrianne Shone Demkai POV

Naiwan kaming apat dito habang tinatanaw ang mga kamag-aral namin na sumakay ng bangka.

"Tara na..." Anyaya ni Yanyan at nauna nang maglakad, sumunod naman si Vivienne at kami ni Palm ang nahuhuli. Nilabas ni Yanyan ang selpon niya at wala pang ilang segundo nagpokus na siya sa paglalakad, si Vivienne naman ay ayun, nagbabasa na nakaheadset, si Palm naman ay kumukuha ng mga letrato habang ako ay tinatamad na maglakad.

Nakarating rin kami kung saan nandoon na ang mga jetski pero nakakapagtaka lang dahil eighteen lang ang jetski na nandoon.

"Bakit eighteen lang... Po?" Tanong ni Vivienne na napipilitan gumalang.

"Actually, tagi-dalawa lang kayo per school dahil bawat jetski kasi ay may sasakay na isang babae't isang lalaki. Mag-uunahan lang naman kayo, papunta sa kabilang isla. Magpalit na pala kayo ng swim suit, we'll giving you 10 minutes to change." Nakangiting sabi ni mister Jackson sa lahat ng kasali dahilan para kumilos na kami ng mabilis.

Ang suot ko ay kulay itim na swim suit na short na may katernong mahabang kamay, ganun din ang suot ni Yanyan at Vivienne, Si Palm ay naka-bikini na kulay rosas. Pansin ko na may bag silang dala. Siguro, yung mga gamit lang nila na importante ang laman niyon.

"Kaming dalawa ni Adrianne," sabi ni Palm na kinagulat ko, WTF? No way. "Kayo naman ni Yanyan.." Tukoy niya kay Vivienne.

"What? No." Reklamo ko...

"I am the scout patrol, ako ang masusunod." Matabang na sabi ni Palm.

"Hindi lang ikaw ang scout patrol, Palm. Meron rin kaming magdedesisyon." Madiin na sabi ni Yanyan.

"Well... Tawagin nalang natin si miss Bliss, siya na ang pipili." Singit ni Vivienne sa usapan.

"Hindi ka na mahiya?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Palm. "Malay mo busy yung tao, tapos mangiistorbo ka lang?"

"Anong pake ko kung mangiistorbo ako? Ang mahalaga siya ang magsabi kaysa naman sa'yo sarili mo lang ang iniintindi mo!"

"Bahala ka sa buhay mo," at pumunta siya kay miss Bliss. Nakita ko naman na tumango lang siya at sumabay kay Palm na nakabusangot na naglalakad papunta rito.

"Oh, ayan na si Miss... Sabihin niyo na."

"Miss, sino ang magkasabay?"

"Ang desisyon ko kasi kanina ay si Palm at si Yanyan, tapos si Vivienne at Adrianne." Pagkasabi't pagkasabi ni Miss ang mga salitang 'yon, umalis na agad siya.

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon