Kabanata 17
Vivienne Bonheur POV
Nagpapalista na sa akin ang mga estudyante na sasali sa camping kaya, nagkakaguluhan ngayon 'per section.' Wala naman akong problema dahil tinutulungan ako ng mga class officers na kasali.
AKALA ko tapos na magpalista ang lahat dahil pumunta na ang limang school bus pero ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang apat na bago namin na kaklase sa harapan ko.
"Your late, wala na kayong masasakyan." Malamig na tugon ko dahilan para magtinginan silang lahat sa isa't isa. Agad naagaw ang atensyon ng lahat ng nandito ang sinabi ko, mga lecturer at ang mga kaibigan ko.
"Mmm... Miss Bonheur, 'diba may extra pa kayong pwedeng maupuan nila sa mini bus niyo?" Tanong ng pinakamabait na lecturer.
"Meron po." Walang emosyon na tugon ko dahil pagod ako.
"Kung ganun maaari mo ba silang isakay?" Tanong ulit ng lecturer. Tinignan ko naman ang apat na lalaking baguhan at bumaling sa mga kaibigan ko na nagtatanong pero hindi nila ako sinagot.
"Okay lang naman kung ayaw mo—" pinigilan ko na ang sasabihin ng isa sa baguhan dahil ayaw kong mapahaba ang usapan.
"Sige, doon na kayo sumakay." Tsaka iniwan silang walang paalam. Naaawa lang ako dahil naiwan sila ng school bus kaya ko sila pinasakay. Agad naman na sumunod ang mga kaibigan ko pati na rin ang apat na baguhan.
Theodore Achoria POV
Nagtataka ako kung bakit ang lamig ni Vivienne kay Gerard, siguro nag-away lang sila kaya... Labas na ako doon.
Pumasok na rin ang apat na lalaking transferee sa sasakyan namin at doon na humiga. Nang maitanong ni Gerard sa kanila ang mga pangalan ay sinabi naman nila. Yung laging nakangisi na lalaki ay nagngangalang 'Anxiety,' yung nakakunot naman ang noo palagi ay si 'Adrianne,' yung madaldal naman na lalaki at ang sumabat sa usapan kanina ni Vivienne at ang lecturer ay si 'Daryl,' at ang pinaka—may respeto sa lahat ay si 'Yanyan.'
Kumportable naman sila kasama kaya wala na akong kailangang problemahin doon. Nakapokus lang naman sa pagmamaneho si Julian, si Melody at Pixie naman ay natutulog kaya walang malandi, si Azariah naman ay nakatingin pa rin sa daan, malamin ang iniisip, si Lexi ay lumalamon pa rin pero iba na ang pagkain na yon, si Vivienne ay nagbabasa ng libro habang may headset sa tenga niya, si Daniel ay natutulog na habang nakapatong ang ulo sa balikat ni Vivienne, si Gerard naman ay pinagmamasdan pa rin ang nobya niya, si Anxiety ay nakikipagusap kay Daryl habang lumalamon silang pareho, si Adrianne naman ay nakikinig ng patugtog sa headset niya, si Yanyan ay nakatingin lang sa daan at ako ay pinagmamasdan pa rin ang mga kilos nila kaya hindi ako pwedeng matulog kasi gusto kong alamin ang traydor.
Nasa ganon kaming posisyon nang biglang may tumunog na selpon, hindi ko alam kung kanino kaya ginala ko ang paningin ko.
Kay Vivienne.
"Oh?" Tanong niya sa kausap niya sa selpon. "Nandito sila, bakit?... Sige... Oo... Oo... Sige... Ano? Bakit?... Sige, sasabihin k onalang sa kanila... Bye..." Binaba niya na ang selpon niya, sino kaya ang kausap niya?
"Hoy, kayong apat... Wag na wag daw kayong hihiwalay sa amin, dahil baka mapahamak daw kayo." Hindi lumilinhon si Vivienne sa apat na lalaki dahil baka magising niya si Daniel.
"Kami?" Tanong ni Daryl na tinuro pa ang sarili ngunit hindi siya nilingon ni Vivienne.
"Sino pa ba?" Sarkastikong sabi ni Vivienne, dahilan para hindi na makasalita si Daryl. Nagkatinginan kami ni Gerard at mukhang alam ko na ang ibig sabihin.
"Nag-away kayo?" Mahinang tanong ko na siya lang ang makakarinig.
"Actually, break na kami." Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang bibig.
"What? Paano?" Mahina ulit na tanong ko para hindi marinig ng iba.
"Nakita niya akong hinahalikan ko ang ex ko, kahit hindi ko naman sinasadya." Bulong niya sa akin, nagtiim naman ang bagang ko. Sabi ko na nga ba eh, lolokohin niya lang si Vivienne. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, edi ako na sana ang nanligaw sa kanya.
"Bakit mo ginawa yon?!" Nagulat nalang ako nang isigaw ko ang tanong ko, tinignan ko ang paligid at lahat ng gising ay nakatingin sa gawi namin, maliban kay Vivienne at Azariah na mukhang hindi interesado. The heck? Gusto ko sanang lumipat ng upuan kaso wala na. "Julian, ako na ang magmamaneho." Sabi ko sa kanya dahilan para ihinto niya ang sasakyan sa isang tabi at nagpalit kami.
Azariah Hillee Dran POV
Mahigit dalawang oras na kaming bumabyahe at naging tahimik naman ang byahe. Alam ko na rin ang nangyari kay Gerard at Vivienne, dahil sinabi ni Vivienne sa akin.
"Gusto niyo bang kumain?" Malakas na tanong ni Theodore.
"Mamaya na tayo kumain, malapit na tayo kaya maghintay nalang kayo. May mga baon naman kayo kaya yon nalang ang kainin niyo." Kontra ni Vivienne, siya lang naman ang tinetext ng mga lecturer kung importante ang sasabihin.
"Ubos na ang pagkain ko..." Sabi nung lalaki na si Anxiety, WTH?
"Oh..." May binato si Vivienne na tsitsirya sa lalaking matakaw. Hays...
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HorrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...