Kabanata 44

62 6 0
                                    

Kabanata 44

Dahil kilala ako dito, yung pinaka-espesyal ang sasakyan namin na bangka, para mag-snorkeling.

"Bibien!!!" It's... It's—MANONG JORDAN!

"Manong!" We hugged each other, we missed each other.

Si manong Jordan, siya yung nakasaksi ng pagiging rebelde ko, pagmamahal ko sa lolo't lola ko, yung pagwawala ko nung mga oras na wala ang pamilya ko sa kaarawan ko at siya rin ang nakasaksi ng paglalaki ko.

"Ang laki mo na! Bakit hindi ka napadalawa rito?" Tanong niya nung maghiwalay kami ng pagyayakap.

"Oo nga po eh, kamusta na po?" Nagtataka siguro yung karamihan kung bakit ako gumagalang, dahil siya ang tumayo bilang tatay ko.

"Okay lang, ikaw kamusta ka? Mukha ka nang lalaki ah?" Luh si Manong!

"Ahh ehh, wala lang po... Alam niyo naman na po siguro kung bakit..." Pilit na ngitjng tugon ko.

Humiwalay na si manong Jordan sa akin dahil sumenyas na yung mga guest na pumunta na kaya, sumakay na kaming lahat.

Kumasya kaming labingpito sa bangka na sinasakyan namin, bakit labingpito? Si Theodore, Azariah, Daniel, Yanyan, Anxiety, Melody, Daryl, Gerard, Pixie, Julian, Lexi, Adrianne, Palm, Elio, Yung photographer na si Carsten, si Manong Jordan at ako.

Sumama sa amin si Palm at Elio dahil hindi ko alam kung bakit...

Napansin ko na may kamera si Daniel, alam ko naman na magdadala siya pero hindi ko alam na dalawa. Tagiisa sila ni Carsten ng kamera. Okay, hindi ko siya masisisi.

Katabi ko sa kanan si Daniel na katabi si Azariah at ang katabi ko naman sa kaliwa ay si Adrianne na katabi si Palm.

Hindi pa kami nababasa ng tubig kaya, excited na lahat sa amin.

HOUR PAST, nakarating na rin kami sa gitna ng dagat. Kung saan mag-s-snorkeling kami, sinuot na namin ang mga kailangan sa ilalim ng dagat, buti nalang madami 'yon kaya nakakuha kaming lahat.

Hindi pa ako lumalanggoy, dahil hindi ko alam kung bakit...

Nakaupo lang kami ni Adrianne, Daniel at manong Jordan dito sa gilid, pinapanood ang mga kaibigan namin na naglalanggoy, hindi nga ako maiwan ng dalawa eh.

"Manong, nasaan na po pala si Bristol?" si Bristol ay ang alaga kong dolphin, babae siya.

"Ah, siya... A-ahh—ehh..." Napansin ko si manong na nahihirapan sa sinasabi niya.

"Bakit po manong?"

"S-si Bristol? Eh-kasi,"

"Sabihin niyo na po, please manong..."

"Sige..." Umayos siya ng upo, "simula nung umalis ka, nawawala na siya. Hindi na namin siya nakikita, 'ni hindi nga namin alam kung patay na siya o hindi pa." Doon tumulo yung luha ko. Bristol is a gift from my grandparents...

"B-but... D-diba po, sinabi ko sa inyo na alagaan niyo po muna si Bristol.." Umiiyak na sabi ko.

"Hinanap namin siya ng isang taon noon, ngunit hindi namin siya nakita. Pati nga si Reese, nawawala." Si Reese ay yung dolphin ni kuya Zedekiah.

"P-pero—"

"Wait lang guys huh? Sino si Bristol at Reese?" Nagtatakang singit ni Daniel.

"Ah, yun yung mga alaga nilang dolpin..."

"Woah, may alaga kang dolphin? Woah!" Namamanghang ani Adrianne

Hindi ako tumigil sa kakaiyak hanggang sa tumayo ako, napansin ko na naiilang si manong Jordan, Adrianne at Daniel sa mga kilos ko kaya naman tumayo na rin sila.

"BRISTOL!!!" Malakas na tawag ko sa kanya, dahilan para mapatigil yung mga kaibigan kong naglalanggoy. But I don't care! "BRISTOL!!! WHERE ARE YOU?! I'M HERE NA!!! COMEBACK! I MISS YOU SO MUCH!!!" Sigaw ko pa, wala akong pakealam sa mga nakakakita sa akin, kaibigan ko man o hindi.

"BRISTOL!!! COMEBACK! PLEASE! COMEBACK!" Nang sumuko na ako napaupo na ako habang umiiyak, "Comeback..." Bulong ko pa pero, walang dumating na Bristol.

"Manong, sino po si Bristol?" Nagtatakang tanong ng mga kaibigan ko sa kanya.

"Dolpin siya ni Bibien..."

"Po?!" Nagulat yung mga kaibigan ko, ako naman nakayuko pa rin habang umiiyak. Bakit niya ako iniwan? Ay, baka akala niya ako ang nang iwan.

Narinig ko yung galaw ng tubig, hindi lang galaw ng tubig, tunog ng dolpin, hindi lang isa—kundi lima.

"B-Bristol? Is... Is that you?" Hindi ako nabigo dahil siya nga 'yon, dali-dali akong tumalong ng bangka at pumunta sa kanya.

Nang makarating na ako sa kanya, ito siya, dumidikit sa akin, tinignan ko yung mga kasama niya kung sino. Bakit ko alam kung siya nga yun o hindi? Kasi may nilagay kami sa buntot nila na palatandaan.

"R-Reese?" Nagtatakang tanong ko dahil magkasama sila. Tinignan ko naman yung tatlo, mga... Mga sanggol..

"Woah!" They are families! Lumapit ako sa tatlong maliliit na dolpin at hinawak-hawakan ko.

Nakita ko naman na isang babae at dalawang lalaki ang kasarian nila.

"You will be, Bailey.." Turo ko sa babaeng dolpin, "you will be Zedienne.." Turo ko sa isang lalaking dolpin na panganay siguro... Dahil siya yung pinakamalaki sa tatlo. "And lastly, you will be Breese..." Nakangiting tugon ko sa pinakamaliit na lalaking dolpin.

Naglaro kami ng naglaro hanggang sa tawagina na ako ni manong Jordan.

"Goodbye Bristol, Reese, Bailey, Zedienne, and Breese... I will be back, promise." And we hugged. Pumunta na ako sa bangka at nagpaalam sa kanila.

"Hindi ako makapaniwala," nausal ni manong.

"Bakit po manong?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa'yo lang sila nagpakita..."

"Ahh, hindi na po kataka-taka yon, saan na po tayo pupunta manong?"

"Mag-scuba diving daw kayo..."

"Ay, oo nga pala, hinihintay na tayo roon." Singit ni Palm sa usapan.

Scuba? Matagal na rin, simula nung mag-scuba ako.

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon