Kabanata 16
MAKALIPAS ang isang oras, nakarating na rin kami ng paaralan. Dumeretso kaming lahat sa gymnasium, dahil may i-aanounce daw. Yung tungkol sa camping, akala ko ba nasabi na sa bawat section?
Nakinig ako ng mabuti sa harapan dahil importante ito at lalo na't sasali kami. Sinabi nila ay sa Perta Island daw kami magcacamping at sa sabado na raw kami magkacamping, ang ibig sabihin ay bukas na. Iniba na nila ang araw dahil hindi ko alam, hindi naman sinabi. Kaya siningil na kaming mga sasali ngayon. Magkikita nalang daw kami bukas dito sa paaralan, pwede daw magdala ng sari-sariling sasakyan basta magkakasunod dahil lima lang ang school bus, madami ang sasali.
"Ayon daw yung mga transferee." Malanding usal ni Melody at tinuro ang apat na lalaki. Inuna pa talaga ang paglalandi, Psh. Wala naman pumansin sa kanya kaya napapahiya siya yumuko.
"Guys, paano na yan? Bukas pa sana natin planong pumunta sa ilalim ng tulay." Naghihinayang na sabi ni Pixie.
"Hayaan mo na, sa susunod na sabado nalang." Sabi ni Melody na inakbayan pa si Pixie. Wala ako sa mood na pag-usapan pa ang mga yan, wala na akong pakialam sa mga sinasabi nila.
"DISSMISS."
"Tara na, maghahanda pa tayo para sa gaganapin na camping." Sabi ni Melody na animong sabik na sabik. Psh, Malandi.
Vivienne Bonheur POV
Nilagay ko sa maleta ko ang damit ko para sa limang araw at ang swim suit ko. Nilagay ko din ang camera, ang laptop, ang wifi naming lahat, ang relo ko na nag-iiba't iba ang kulay, mga tsokolate ko, ang mga alahas ko, ang make-up ko, ang alarm clock ko, ang mga iba't iba kong sapatos, at iba pa.
Dalawang malalaking maleta ang dala ko at isang maliit na bag para sa ATM, Pera at selpon ko.
NAGISING ako sa alarm ng orasan ko, today is the day. Nag-streching muna ako bago ako pumasok sa cr at naligo...
Theodore Achoria POV
"IDADALA KO ba yung tent natin? O sari-sarili nalang?" Tanong ni Vivienne habang kumakain kami.
"Actually, may tent na ako... Kaya sari-sarili nalang." Nakangiting sabi ni Azariah, kaya wala na kaming magagawa kundi sumunod. Basta si Azariah ang nagsalita, wala nang makakapagbago.
Kukunin namin ang mini bus namin, dahil paniguradong siksikan sa loob ng school bus, Sinakay na namin lahat ang mga dala namin para sa limang araw at nagmaneho na si Julian. Habang si Melody at Pixie ay magkatabi sa kaliwang pinakaharap na upuan, si Azariah at Lexi ang magkatabi sa kanang pinakaharap na upuan, si Vivienne at Daniel naman sa likod ng upuan nila Azariah at Lexi, habang kami ni Gerard ay nandito sa pinakahuling upuan. Sobra ang upuan namin, meron pang apat na bakanteng upuan.
Tahimik ang byahe namin, patungo sa paaralan. Si Julian ay tutok na tutok sa pagmamaneho, si Melody naman ay natutulog na, si Pixie ay walang ginawa kundi manguha ng letrato, si Azariah ay nakatingin lang sa kalsada, si Lexi naman ay ngumunguya ng tsitsirya, si Vivienne ay naka-headset at nakatingin sa selpon nito, si Daniel naman ay nagseselpon din katulad ni Vivienne, si Gerard na katabi ko ay mukhang pinagmamasdan lang si Vivienne at ako ay walang ginawa kundi bantayan ang kinikilos ng iba para malaman ko ang tinutukoy ni Vivienne na traydor. Sino nga ba? Wala naman akong nakikitang mali sa mga kilos nila.
Makalipas ng ilang minuto, nakarating na rin kami rito sa paaralan, iniwan na namin si Melody doon dahil ayaw niyang magising, kasama niya naman si Pixie dahil sinabi niyang babantayan niya si Melody. Hindi naman nila kailangan mamoblema sa attendance dahil si Vivienne naman ang sekretarya.
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
TerrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...