Kabanata 41
PAGKATAPOS SA sky diving, pumunta na kami sa circus. Woah! Parang yung circua lang sa MOA! Ang ganda! Humiwalay sa amin yung mga na-disqualify na school at yung ibang hindi kasali, pero nandito yung mga tropa ko, sasakyan daw nila bawat sasakyan namin. Kaya naman 20+ nalang kaming naiwan, tatlong school ang magkakalaban.
Huminto kami sa ROLLER COASTER! Binigyan kami ng tagiisang kamera sa kamay para ma-videohan kung sino ang sisigaw, dahil madami kami na sasakay.
Nasa harapan kami ni Adrianne, as in pinakaharap, sa likod namin ay sila Azariah at Theodore, sa likod nila ay sila Ellis at Yanyan, sila Lexi, Julian, Daniel, Anxiety, Daryl, Melody, Gerard, Pixie pati na rin sila Elio at Palm naman ay nasa pinakalikod, kung saan nasa harapan nila ang mga representative.
Naka-video na ang kamera namin, ako naman ay relax lang habang pataas... Tinignan ko yung katabi ko na mukhang hindi takot.
"Hey!" Nasabi ko nalang, tumingin siya sa akin at binigyan ako ng nagtatakang tingin. "Saan ka pala mag-aaral sa college?" I asked tapos sinabi niya naman ang paaralan na yon. "Magkasama nalang tayo, pareho naman tayo ng course."
Ngumiti siya, "sige..." Nang magpapababa na, bigla siyang nagtanong. "Hindi ka natatakot?"
"Hindi, ikaw? Takot ka?" Tanong ko sa kanya.
"Nope, magpipiloto kaya tayo, tsaka hindi rin ako takot ma-fall..." Piling ko, doble meaning ang sinabi niya.
"Hmm, me too... Mamaya, kukuhaan tayo ng letrato, mag-post tayo." Natatawang sabi ko.
"Sige, saan? Saan?" Tinuro ko naman kung saan kumukuha ng letrato, nakita ko kasi kanina. Tumatawa lang kami, hanggang sa makarating kami sa kumukuha ng letrato. Ngumiti ako ng nakakaloka, pati na rin si Adrianne.
Hanggang sa pagkababa namin tumatawa kami, tinignan namin yung mga letrato at yun na nga, maganda ang kuha namin, si Theodore at Azariah nakasimangot, si Yanyan at Ellis naman nakapikit. Hahahaha! Yung mga barkada namin ay nakanganga. Hahahaha—pilit.
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
TerrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...