Kabanata 21
"S-si Gerard, muntik na akong g-gahasahin. But nalang dumating si A-Adrianne" Mangiyakngiyak na sabi ni Vivienne, lumapit naman ako sa kanya at yumakap ganun din ang ginawa ni Lexi habang si Julian ay pinagsusuntok si Gerard.
"Tara na." Sabi ni Adrianne na nangunguna maglakad.
"Teka!" Paghihinto sa kanya dahilan para lumingon siya sa akin. "Salamat." Tumango lang siya bilang sagot.
"Umalis ka na rito, Gerard!" Pagtataboy ni Lexi at sumunod naman si Gerard. Inaayos ko ang buhok ni Viviennne at si Lexi naman ay pinopolbohan si Vivienne.
"Ayan... Tara na..."
Vivienne Bonheur POV
Wala si Gerard dito sa kainan kaya malaya akong nakakangiti at nakakatawa na parang walang nangyari ngunit pilit lamang ang lahat ng 'yon.
Sinabihan ko sila Azariah na huwag nang ipaalam sa iba ang nangyari dahil ayoko nang lumaki ang gulo. Kapag inulit niya nalang tsaka ako lalayas ng bahay na walang paalam, bahala siya sa buhay niya.
Nagulat ako nang may umakbay sa akin, nang tignan ko ito ay si Elio lang pala kaya hinayaan ko na siyang akbayan ako. I don't mind.
"Pres... Anong ginagawa mo rito?" Pilit na ngiting tanong ko.
"Bakit nahuli ka kanina?"
"Um... Actually, may inasikaso lang."
"Ganun ka ba talaga ka-busy? Kasi tinatawagan kita hindi ka sumasagot."
"Ahh... Hindi ko naririnig ang tawag eh, baka wala ako sa loob nung mga oras na yon." Pagsisinungaling ko.
"Hmm..." Na may patango-tango pa, "Bukas, tayong mga officers ng section natin ang naka-assign magluto, maghapon. Sige, una na ako ah. Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka, Bye Vivi." Nakangiting paalam niya.
"Bye..." Pilit na ngiting tugon ko at tinanguan siya.
Nakapalibot na kami sa apoy at naguusap-usap na kumakain ng sari-sariling marshmallows. May sari-sarili rin silang mundo, si Pixie, Azariah,Julian, Lexi, Daniel, Theodore, Anxiety, Yanyan, Adrianne, at Daryl ay may pinag-uusapan tungkol sa buhay ng apat, si Gerard at Melody naman ay may sariling pinag-uusapan, hindi ko alam kung ano. At ako naman ay malalim ang iniisip habang pinapanood ang apoy at kumakain ng marshmallow na sinunog ko.
Bakit kaya ginawa ni Gerard 'yon? Hindi ko maintindihan. Alam ko na ang habol niya sa akin... Alam ko na... Ang habol niya lang naman sa akin ay— Nevermind.
Nang makalahati ko na ang marshmallow na kinakain ko, napagdesisyonan ko na maligo na. Naghahalungkat ako ng damit sa maleta ko nang may mag salita.
"Oh..." Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko na inaabot niya ang isang card.
"What's that?" Tanong ko kay Adrianne na nakayukong inaabot ang card.
"Calling card." Pamimilosopo niya.
"I know. Para saan yan?"
"Just keep it, kung kailangan mo ng tulong tawagan mo ko." Ayoko nang pahabain pa ang usapan kaya tinanggap ko nalang ito.
"Makakaalis ka na."
"Yung sa'yo?"
"Anong sa akin?"
"Bigyan mo rin ako ng calling card mo." Wala na akong nagawa kundi ibigay nalang ang calling card ko.
"May kailangan ka pa?" Sinikap kong maging sarkastiko.
"Wala na, paalam." Nakangiting tugon siya sabay alis, weird.
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HorrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...