Kabanata 34

65 8 0
                                    

Kabanata 34

"Bilisan niyo na," nakangiting usal niya sa amin ni Adrianne kaya tinignan ko si Adrianne.

"Laway mo tumutulo..." Natatawang sabi ko sa kanya. Like what the eff?!

Pagkatapos kong maligo't magbihis, lumabas na ako.

Naka tux si Adrianne na kulay black, black shoes at may salamin din siya. Lakas ng dating, yung hair niya ay strait na pataas.

Ako naman ay nag tux na rin ako na kulay pink, of course and black shoes. Nakasabit sa leeg ko ang kamera ko para pangpicture kay Vivienne at pangvlog. You know.

"Picture tayong lahat!" Anyaya ko dahilan para pumosisyon sila.

"One..."

"Two..."

"Three..."

Pagkatapos namin kumuha ng letrato, nagtanong si Lexi. "Paano tayo magswiswimming?"

"Tomorrow night nalang, para solo natin." Nakangiting usal ni Vivienne.

"Paano?"

"Hello? I'm a Bonheur! Gagamitin ko lang saglit ang apelyido ko... For now, iinom muna tayo."

Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Vivienne, nakakapagtaka lang dahil ngayon lang siya iinom or should I say na magyaya na uminom.

NANG makarating kami rito sa party, ang dami na ng tao at nagsimula na ang party.

May mga naglalanggoy, umiinom, kumakain, sumasayaw, at kung ano pang magagawa dito.

"Doon tayo..." May tinuro si Vivienne na upuan, katabi ito ng gilid ng barko, kung saan matatanaw mo ang dagat, mga butuin at ang buwan.

Nang makarating na kami roon, umupo na kami.
Si Azariah ay nagtawag ng waiter at sinabi ang iinomin at kakainin namin.

Tumungga nang tumungga ang alaga ko ng madaming alak, hanggang sa malasing siya. Ako naman ay kuha ako nang kuha ng letrato niya. Kapag tatawa siya, ngingiti, magagalit, magugulat at kahit ano pa. Pinapavideo ko rin siya kay Adrianne kasi baka makalimutan niya ang mga pinagagagawa niya.

"Oh... Vivienne, my sister. How are you na?" Nagulat kami sa biglaang pagdating ni Haelynn na hindi pinansin ni Vivienne.

"Psh, plastik." Dahil ako ang katabi ni Vivienne, maririnig ko ang mabubulong niya.

"What did you say?" Maarteng tanong nanaman ng kapatid niya.

"I said you are plastic, stay away. Nakakasira ka ng gabi, mukha mo palang mukha nang plastik. Muntanga! Umalis ka na nga dito."

"What?! This is my brother's ship! Ikaw ang umalis! Free na free ang tumalon diyan sa dagat ko... Go..."

"Okay..." Nagulat nalang kami nang tumayo si Vivienne at pumunta sa gilid ng dagat, handa nang tumalon.

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon