Kabanata 9
NGAYONG gabi nag-pre-prepare kami ni Lexi, Pixie at Melody. Hindi alam ng iba na may dadating.
Ang pinaluto namin kay chef Gerard ay Carbonara, cookies and tinola.
Hindi alam ni Chef na dadating yung nambastos sa girlfriend niya. Hindi ko alam kung sinabi ni Vivienne kay Gerard.
Nasa sari-sariling kwarto yung iba nag ba-bath.
PAGKATAPOS namin na mag-bath bumaba na kami para kumain.
Si Vivienne ay naka pantulog na kulay itim at ganun din kay Gerard. May tsinelas pa silang black na pambahay, nakabuhaghag lang ang buhok ni Vivienne.
Si Melody at Pixie ay naka pantulog na rin na kulay white at kulay white din ang pambahay na tsinelas.
Si Lexi, Daniel, Julian at ako ay naka pink din na pantulog ganon din sa tsinelas.
Si Theodore, hindi pa umuuwi.
"Bakit wala pa si Stacy?" Tanong ni Daniel
"Wait for her."
*Ding-dong*
Pinapunta namin sa sala ang lahat para makita nila ang boyfriend ni Stacy.
Binuksan na ni Pixie ang pinto pero iba ang dumating.
"Bakit parang gulat kayo?" Tanong niya sa amin.
"Umuwi ka pa," pabulong na sabi ni Vivienne na hindi tumitingin kay Theodore.
"Go change your clothes," utos ko kay Theodore na sinunod niya.
PAGKABABA ni Theodore may nag-door bell na. Pinihit ni Pixie ang doorknob, doon nakita si Sir Daven at Stacy na magkaholding hands.
Vivienne Bonheur POV
Pinihit ni Pixie ang busol, nang bumukas na ang pinto nagulat ako sa nakita ko.
"WHAT THE HELL?!" I shouted.
"Bakit?" Tanong ng boyfriend ko.
"PAALISIN NIYO YANG LALAKE NA YAN! KUNG AYAW NIYONG AKO MAGPAPAALIS SA LALAKING YAN!" Nagwawala na ako dito sa sala.
"Bakit?" Tanong ulit ng boyfriend ko at hinawakan ang pisngi ko.
"Binastos niya ako," halos pabulong na sabi ko.
"ANO? PAANO?" Kwenento ko lahat ng nangyari at doon nagalit ang lahat maliban kay Stacy. Syempre, nakita ko siya na nakikinig sa usapan namin kanina.
"BOYFRIEND MO YAN, STACY?" Pasigaw na tanong ko dahilan para tumango siya. "HINDI MO PA SIYA KILALA NG LUBOS! OO, ALAM MO YUNG NANGYARI DAHIL NAKIKINIG KA LANG NAMAN SA PINTO! PERO HUWAG KANG PAKAMPANTE DAHIL KUKUNIN NIYA LANG ANG VIRGINITY MO!" Kahit nasa harap namin siya wala akong pake.
"NAG-IISIP KA BA VIVIENNE?! KUNG TUTUUSIN IKAW ANG MAS BATA DITO! BAKIT KAMI ANG PINAPAGALITAN MO?! ANG LAKAS NG LOOB MO, HUWAG MONG IDAMAY ANG BOYFRIEND KO! PAPASOK SIYA HANGGANG KAILAN NIYA GUSTO! IKAW LANG BA ANG NAGBAYAD NG APARTMENT? IKAW LANG BA?! HINDI 'DIBA? KAYA HUWAG KANG UMEEPAL!" Akmang sasampalin niya sana ako pero hinuli ko ang kamay niya.
"PARA ANO? PARA PASELOSEN SI THEODORE? ASA KA PA KUNG MAGSESELOS SI THEODORE! KASI MAY MAHAL NA SIYANG IBA AT HINDI IKAW YUN—" Hindi ko nahuli ang isa niyang kamay dahil sinampal niya na ako.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya at sinampal ko na din. Pinipigilan na kami ng iba namin kasama.
"Iba ang mahal niya, hindi ka niya minahal. Mas mahal niya ako kaysa sa'yo." malamig na sabi ko, sabay alis.
Theodore Anchoria POV
Kukunin ko sa rooftop ang bag ko. Nandito na ako sa hagdan pero may nasisilip akong babae na nagbabasa, Kilalang-kilala ko ito.
"Vivienne," nabanggit ko ang pangalan niya dahil siya ang nakita ko.
Lalapitan ko sana ito pero—
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito.
"Kukunin ko sana yung bag ko… about... About what happened yesterday, paano mo nalaman na ikaw ang gusto ko?" Tanong ko sa kanya pero mukhang ayaw niya makipag usap.
"Simple lang, naka-log in ka sa cellphone ko at nababasa ko yung chats niyo ng iba mong barkada." doon ako nabigla.
"Bakit... Bakit hindi mo pa niremove?"
"Kasi malalaman ko lahat doon ang tinatago mo."
"You dont need to do it!"
"Nagtataka nga ako kung bakit ikaw ang napaniginipan ko, bakit ikaw pa? Kung pwede naman si Gerard."
"Sa totoo lang napaniginipan din kita, pero malabo ang mukha mo. Nung sinabi lahat ni Azariah ang nangyari sa panaginip mo, parehong-pareho tayo." napansin ko na nabigla siya.
"Takot na takot ako sa'yo kasi killer ka nung mga oras na iyon."
"Huwag kang mag-alala it's just a dream."
"Just a dream? May third eye ako Theodore, may third eye ako!" Nagulat ako sa sinabi ni Vivienne. Hindi kailanman nagkwento si Vivienne about her life.
"Anong meron sa third eye mo? Anong konek?" Tanong ko sa kanya pero nakakagulat dahil tumingin na si Vivienne sa mga mata ko.
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
Kinh dịUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...