Kabanata 15

88 14 0
                                    

Kabanata 15

Nagbasa-basa si Gerard sa libro ngunit wala daw siyang makitang importante. Kailan na namin magtanong-tanong sa mga naging saksi ng buhay ng mga namatay.

"Paano na?" Nagtatakang tanong ni Daniel, lahat kami maliban kay Melody ay nawalan na ng ganang kumain.

"Sa sabado pupunta tayo sa ilalim ng tulay, hahanapin natin ang katawan ni Stacy at kung wala doon, tignan natin kung may bahay para pagtanungan natin." Sabi ni Lexi, I wonder... Sino kaya ang kasama namin? Alangang kami lang?

"Sino ang kasama natin?" Tanong ni Julian sa nobya niya.

"Tayo lang." Madiing giit ni Lexi, "Sino ba ang gusto mong kasama?" Medyo sarcastic ang sinabi ng nobya niya.

"Wala... Nagtatanong lang."

NAGISING ako sa amoy ng pabango, sininghot ko ito para malaman kung kaninong amoy at hindi naman ako nabigo. Kay Melody.

Bakit ba kasi pumupunta siya sa kwarto ko? Psh. Malanding babae. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at sinalubong ako ni Melody ng mapait na ngiti.

"Ano ang ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko.

"Nandiyan ang babae mo sa baba." Dahilan para magtaka ako.

"Babae ko? Kaano-ano ba kita? Girlfriend?" I asked sarcastic.

"Hindi. Pero hindi mo ba nahahalata? Mahal ka ni Stacy. Noon pa! Wala kang utang na loob sa nararamdaman niya sayo!"

"Wala akong pake sa nararamdaman niya, umalis ka na dito bago sumabog ang ulo ko. Hindi ko siya mahal, nakakarindi ka! Tsaka, patay na siya. Wala na siya." Sigaw ko sa kanya dahilan para umalis siya.

Nandito daw si Samantha, kaya nagtataka ako kung bakit nandito siya? Nagmadali ako para malaman kung totoo ba ang sinasabi ni Melody.

Bumaba na ako ng hagdan at naririnig ko na ang tawanan nila. Kahit nasa ganito kaming sitwasyon nagagawa pa nilang tumawa? Great.

"Oh, Theodore is here!" Narinig kong sigaw ni Samantha. Okay, meron nga siya...

"What are you doing here?" Malamig na tanong ko.

"Um... Hindi mo manlang ako sasabihan ng good morning?"

"No. Ano ang ginagawa mo dito?" Ulit ko.

"Nandito lang naman ako dahil naiwan mo 'to..." Sabay bigay ng relo ko, hinablot ko naman ito at pinaalis siya.

"What? No way. Bakit..." Tumingin muna siya sa paligid. "Bakit, parang kulang kayo? Nasaan yung girlfriend mo, Theodore?" Alam kong si Stacy ang tinutukoy niya, ang akala niya kasi ay nobya ko ang babaeng yon.

"Hindi ko siya nobya at nandoon siya sa pamilya niya, may malubhang sakit." Pagsisinungaling ko nang hindi tumitingin sa mata niya. "Umalis ka na nga! Kaaga-aga nangiistorbo!" Reklamo ko dahilan para umawang ang bibig niya.

"What? I disturb you?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes, pwede mo naman kasing ibigay nalang sa mga kasama ko at 'wag akong gisingin!"

"Okay... Goodbye!" Sarcastic na sabi niya kaya pinabayaan ko nalang. Nang makaalis na siya tsaka lang dumada ang mga kasama ko.

"Bakit parang ang sungit mo ata? Mapangit ang tulog mo nuh?" Tumango lang ako sa tanong ni Lexi.

"Kung ganon, tara na't kumain."

Habang kumakain kami, walang umiimik sa amin. Nasa ganong posisyon kami ay biglang nag-vibrate ang selpon ni Vivienne.

"Excuse." Aniya at lumayo sa amin para hindi namin marinig ang usapan. Nasa kanya ang mata ng lahat, nag-iba ang hitsura ni Vivienne, animong nagtataka. Hindi umabot ng limang minuto ay umupo na din siya.

"Sino yun?" Tanong ng nobyo niya. Hindi siya nilingon ni Vivienne, nakatuon lang ang paningin niya sa pagkain na hindi niya naman ginagalaw.

"May apat na lalaking transferee daw mamaya, kaya ako ang tinawagan kasi ilalagay ko na daw sa attendance ang pangalan nila." Malumanay na sagot nito.

"Anong pangalan? Gwapo ba sila? Mayaman? Matatalino? Magkaano-ano sila?" Sunod-sunod na tanong ni Melody, psh. Malandi!

"Eh, anong pakialam ko sa kanila?!" Nagulat ang lahat sa pinakitang asal ni Vivienne, mukhang bad mood. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yon, wala nang naglakas loob na nagsalita.

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon