Kabanata 37

60 8 0
                                        

Kabanata 37

Nakabuntot pa rin si Daniel, kinukuhaan ako ng litrato. Sinabihan ko na mag-enjoy siya pero matigas ang ulo ni bakla, kaya no choice ako.

Naglalanggoy ako pero may nag-didistract sa akin, walang iba kundi ang buwan na Full moon. Ang gandang pagmasdan, kaya pumunta umupo ako sa mga gilid ng swimming pool at pinagmasdan ito, yung paa ko lang nababasa habang nakatanaw sa moon.

"Ang ganda..." Bulong ko sa sarili ko, sunod kong pinagmasdan ay ang mga kaibigan kong naglalaro. Childish.

Si Theodore, Julian, Gerard, Anxiety, Daryl at Adrianne, binabasa sila Lexi, Melody, Pixie, Azariah, at... Bakit nasaan si Daniel?! Tinignan ko kung nasa kanan. Wala. Sa kaliwa, wala. Sa likod, ayon... Kinukuhaan ako ng letrato.

"Halika nga dito, sissy.." Kaya sumunod siya, Naupo siya sa tabi ko habang nakatingin siya sa akin.

"Bakit ayaw mong mag-enjoy? Sumali sa kanila?" Tanong ko sa kanya.

"You know me, sis. Hilig kong manguha ng letrato."

"But... Pwede naman sila? Kuhaan mo rin sila sissy, akin na yan." Inagaw ko yung kamera, tumawag ng mga nag-aassist sa amin, sinabihan ko na magtawag ng magaling na kumuha ng letrato at may bonus.

"Halla, sissy. Magaling naman ako ah?" Nagtatampo ang tono ni Daniel.

"Sis, hindi pwede na hindi ka kasali sa picture." Mukhang na-touch naman siya kaya niyakap niya ako.

"I love you na!" Maarteng usal niya.

"I love you too, sissy..." Nagulat kami sa tumikhim, yung sinabihan ko kanina.

"Siya po si Carsten Gideon, magaling po siyang kumuha ng letrato, may experience na rin po siya sa mga ganyan at siya po yung isa sa mga waiter." Mukha palang halatang bakla na, 'di bale, para may kauri naman si Daniel dito.

"Nice to meet you, Carsten Gideon. Magpalit ka na ng damit, kukuhaan mo kami ng mga
letrato." Hindi ko alam kung nagalangan siya o nabastos.

"Okay po maam..."

Hindi din nagtagal nakarating na siya, he's wearing swimming suit.

Binigay ko yung kamera at sinabing, "magpicture-picture ka nalang doon sa kanila, 'wag mo ipahalata ah? Para stolen..." Natatawang sabi ko pa at tumango naman siya.

"Sali tayo sa kanila," anyaya ni sissy. Naglanggoy naman kami papunta sa kanila at nakisali. This night is perfect.

NAGISING nalang ako sa inggay ng mga MUNTANGA!!! Hindi ako nakatulog ng maayos tapos magiinggay lang sila?

Tinignan ko yung orasan, at 1:12 am palang naman ah?

Bumangon ako at lumabas, nakita ko naman na nagmamadali sila.

"Oh, bakit ang iinggay niyo?!" Reklamo ko.

"Haler? Hindi ka updated? Nandito na tayo, sissy..." Kaya pala hindi ko na marinig na umaandar 'tong barko. Hindi ko alam pero nagsitayuan ang mga balahibo ko.

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon