Kabanata 23
"Sinong ex?" Nagtatakang tanong niya.
"Ay... Madami ka bang ex?" Mahinang tanong ko.
"Ahh, si Gerard? Siya lang naman ang naging ex ko kaya ang sagot ko ay, Hindi na... Natauhan na ako, alam ko na ang gusto niya sa akin kaya... Na-realize ko nalang na hindi pala pagmamahal ang ibig sabihin don. Ikaw ba? Mahal mo pa ba ang ex mo? at anong pangalan niya?" Sarkastikong tanong niya.
"Actually, iisa lang din ang ex ko at si Barthelemy. Ang totoo ay parang sa'yo lang, natauhan na ako dahil nung mag-propropose sana ako, doon ko nakita ang totoo niya ugali."
"Anong ugali niya?"
"Lalakero siya... Let's say, pokpok..." Nanlaki ang mga mata niya sa gulat kaya napapahiya siyang umiwas ng tingin sa akin.
"Nevermind... Sunod na tanong.."
"Hmm... Naka-eleven question ka na... At ako ay seven palang, hahaha... Ako nalang ang magatatanong.."
"Ha? Hindi ko namalayan.." Pilit na ngiting aniya.
"Hmm... Ang pangwalo kong tanong ay kung hindi yung ginawa ni Gerard, may pag-asa pa ba siya?"
"Syempre oo, dahil hindi ko pa nakita ang totoo niyang ugali."
"Ganun?"
"Oo, haha.. Pangnuebe na yung tanong mo, hahahaha..." Bigay na bigay na tawa niya.
"Ay.. Hahaha... Pangsampu na tanong ko ay pwede ba tayo maging kaibigan?"
"Oo..."
"Oo lang?"
"Mmm..." Na may patango-tango pang nakangisi, what's her problem?
"Nakainom ka ba?" Tanong ko baka tama ang hinala ko.
"Wala na... Tapos na ang tanong mo, hindi ka na pwedeng magtanong." Nakangising tugon niya... Ahh, oo nga pala. Ang tanga ko naman! Bwisit!
"Ah... Hehehe.." Pilit na tawa ko, may tatanungin pa sana ako. Tsaka na...
Azariah Hillee Dran POV
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil baka pagalitan pa kami ng pinuno... Inayos ko muna ang mukha ko at lumabas ng tent ko. Nakita ko naman na nagluluto na ang mga officers ng section namin, kasama na doon si Vivienne.
Ano kayang niluto nila? Tinanaw ko mula dito kung ano ang niluluto nila at nakita ko naman ito. Lugaw... Napakaraming lugaw na may maliliit na itlog, ano nanaman ang tawag doon? I don't know that...
"Vivienne!" Malakas na sigaw ko sa kanya, magkatabi sila ni Elio na nagluluto na animong inaalalayan si Vivienne sa kanyang niluluto, hindi niya kasi alam magluto.
"Oh?" Nagulat siya dahil sa pagsulpot ko.
"Nasaan yung iba?"
"Natutulog pa sila, tignan mo nga yung oras, Ang aga palang. Tignan mo, wala pang
liwanag..." Singit ni Elio sa usapan namin ni Vivienne, nang tignan ko naman ang relo ko ay tama nga sila maaga palang. 3:21 am palang... Anong oras kaya sila nagising? Bakit luto na ang pagkain? Baka 2:00?"Anong oras kayong nagising?" Hindi ko maiwasang magtanong.
"Alas dos, Kanina pa kami nakagising, nakaligo na nga kami..." Pinakita niya pa ang suot niya. She is wearing scout uniform with 2 inches black heels.
"I see... Sige, maliligo na rin ako." Paalam ko at umalis na.
Theodore Achoria POV
Kanina pa ako rito sa loob ng tent ko naghihintay ng breakfast, gusto kong tumulong pero pinagbawalan nila ako. Kaya nandito ako ngayon, naboboring. Kanina ko pa nga ginawa ang morning tour ko eh, nakaligo na rin ako.
Hindi ko na natiis ang paghihintay, lumabas na ako at bumungad sa akin ang mga schoolmates ko na nakaupo na sa kani-kanilang kinuhang kahoy na mauupuan kagabi.
Minsan may bumabati sa akin ng 'magandang umaga' at minsan nagtatawanan ang lahat, Nakaupo na rin ang mga kaibigan ko.
"Hintayin nalang daw natin ang mga lecturer, tapos kakain na tayo..." Malakas na sabi ni Elio para marinig ng lahat. Maya-maya pa, dumating na ang mga lecturers at nagsimula na rin kaming kumain.
"Hindi namin alam ang magiging activity mamaya, pero inaasahan ko kayong lahat na makikicooperate kayo sa dalawa niyo na scout patrol. Maliwanag?" Paliwanag ni Miss Bliss sa lahat.
"Yes miss..." Sabi ng lahat. Ang scout patrol ng mga babae ay si Palm, ang president ng highest section at ang scout patrol naman ng mga lalake ay hindi ko alam kung sino.
"Miss, sino pala yung mga scout patrol?" Tumawa ang lahat sa tanong ko, anong nakakatawa doon?
"Si Palm at Yanyan." Nagulat nalang ako nang sabihin ng isang ka-schoolmate ko ang mga salitang 'yon. 'Ke bago-bago palang ni Yanyan, siya na ang scout patrol. WTH?!
Ngumiti na lamang ako ng pilit bilang pasasalamat, nagulat lang siguro ako.
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
TerrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...