Kabanata 29
Vivienne Bonheur POV
Kinabukasan, nagising nalang kaming lahat sa sigaw ni miss Bliss...
"Gumising na kayo! Maghanda na't nandiyan na ang sundo natin!" I-check the time and it is 1:27 in the morning... Ang aga naman!—WAIT! Sundo? You mean... Ngayon na?
Nagmadali 'kong niligpit lahat ng gamit ko, at nilagay sa maleta.
Pagkalabas ko ng tent nakita ko na ang barko! Barko ni kuya...
"Good morning..." Nagulat ako sa bumati sa akin, it's miss bliss.
"Morning, bakit ang aga naman ata... Po?" Napipilitang galang ko.
"Actually, aabutin tayo ng two days na sasakay diyan."
"I know, eh... Paano kung hindi umabot ng one week ang camping… po?"
"Two weeks na daw," nagulat naman ak osa sinabi ni miss bliss.
"O-okay..."
Pagkatapos kong tiklupin ang tent ko, pumunta na ako sa mga kaibigan ko.
"Ano? Tara na?" Tanong ko pero umiling lang sila. "Ako ang bahala... Matutulog pa ako! Tara na..." Hindi naman na sila nagpapilit pa dahil inaatok pa rin ang iba, habang naglalakad kami sa hagdan ng barko pataas, pinagtitinginan kami ng ibang estudyante dahil kami palang ang umaakyat. I don't care!
Nang marating na namin ang tuktok ng hagdan, may humarang sa amin na guwardiya.
"Ticket, please..." Habang inilahad ang kamay niya, tinatamad kong kinuha ang ID ko at ipinakita sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya at binalik ang ID.
"Ikaw na ba yan miss Bonheur?!" Nagugulat na tanong niya.
"Yeah... 'Wag mong sabihin sa mga kapatid ko o sa mga magulang ko na meron na ako," tumango naman ang guwardiya na nakangiti at pinadaan kami, nakita ko pang nagulat ang iba dahil pinadaan kami.
"Actually, parang bahay ang kwarto na 'yon. Isa ang papasukan natin at... Madami ang kwarto..."
"Ahh, gets namin."
Pumasok na kami sa VIP room at katulad ng sinabi ko, madami ang kwarto.
"Anim na kwarto..." Nakangiting usal ko.
"Tagi-iisa lang ba ang higaan?" Nagtatakang tanong ni Daniel.
"No... 'yan, tatlo ang higaan," Turo ko sa unang kwarto. "At ang iba ay dalawa ang higaan." Hindi na ako nag-abala ba na magkwento pa dahil dumeretso na ako sa tatlong higaan na kwarto, let say VVIP room. Kasunod ko naman si Daniel at Adrianne, mukhang nakapagdesisyon na sila.
Iniwan ko nalang sa isang tabi ang mga gamit ko at humiga sa magiging kama ko, "Gisingin niyo ako kapag may kumatok, baka yung paepal yon..." At natulog...
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HorrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...