Wakas

144 11 0
                                    

Wakas

"HAPPY BIRTHDAY, VIVIENNE!" Bati naming lahat sa puntod niya.

Limang taon na ang nakalipas, pagkatapos ng nangyari. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa akin lahat. Gusto kong maghiganti! Gustong-gusto! Pero paano? 'Ni hindi ko nga alam kung kanino ako gaganti.

Hindi nakulong si Melody dahil malinis DAW siyang magligpit.

"Nandito na kaming lahat, Vivienne... Pasensya na kung hindi ka namin naipaghiganti." Hindi natanggap ng pamilya ni Vivienne ang lahat ng nangyari, sa halip ay sinisisi pa nga kami. Dahil daw sa katangahan namin. 'Ni hindi nga daw siya naka-debut.

"I'm so sorry, Vivienne... It's all my fault." Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin ni Stacy na siya ang may kagagawan ng lahat. "K-kung hindi lang ako nahulog sa tulay na 'yon, e 'di hindi na sana kayo pumunta doon!" Nagsi-iyakan na naman kaming lahat. Tuwing dadalaw kami, lagi nalang kami nagiiyakan.

"Don't blame yourself." Sabi ni Anxiety sa kanya. Sila na. Sila na.

Kami naman ni Yanyan, na-develop kami. Si Melody at si Gerard nga, kinasal na. Si Daniel, bakla pa rin pero naabot niya na ang pangarap niya. Naging cold na nga siya nung namatay si Vivienne. Siya yung lagi niyang kasama, eh.

Si Theodore, may dinadate na ngayon. Ang pangalan ay Nicole. Si Pixie at Daryl, nag-liligawan palang. Si Julian naman ay arrange marriage, naghiwalay na sila ni Lexi nang malaman niya na pinagkasundo si Julian kay Angel. Yung asawa niya. Si Lexi, may boyfriend na. Guess who? Si president. Walang iba kundi si Elio. Sweet.

Si Adrianne naman, ayun. Wala pa din girlfriend. Naging playboy na nga simula nung mamatay si Vivienne. Hindi namin akalain na magugustuhan niya si Vivienne. Naging malamig na din si Adrianne, idagdag natin yung snobber.

May naalala akong sinabi niya.

"Tatanda akong walang asawa, dapat si Vivienne lang ang lalakad sa altar."

Bitter siya. Pati naman ako, bitter. Bitter dahil iniwan na kami ni Vivienne.

Simula nung namatay siya, pinangalanan na namin ang tulay na Vivienne Bridge. Since, wala namang pangalan ito.

Ang baduy! Si Adrianne ang naka-isip niyan. 'Wag niyo akong idamay.

Tuwing free time kami, lagi kaming tumatambay sa Vivienne Bridge dahil ayun lang ang iniwan na alaala ni Vivienne sa amin.

Ang huli sinabi sa akin ni Vivienne sa hospital ay 'Friendship is the best shield of anyone.'

May ibang meaning ang sinabi niya na ako lang ang nakakaalam.

Sabi niya ay protektahan ko daw ang pagkakaibigan naming lahat. Kaya, hanggang ngayon matibay pa rin kami.

"Namimiss ko na yung hahahaha—pilit mo, Vivienne... Pati na din yung muntanga mo.. Sabi ni Adrianne kung hindi ka magigising... Wala siyang papakasalan..." Sabi ko.

Patuloy na dumadaloy sa pisngi ko ang aking mga luha.

"Natupad na ni Adrianne ang pangarap mo, Vivienne. Piloto na siya. Kami din, natupad na namin ang pangarap namin. Mahal na mahal ka ni Adrianne. 'Ni hindi niya nga nasabi sa'yo dahil natotorpe siya." Wala akong pake kung pinapakinggan ng mga kaibigan ko ang mga sinasabi ko.

Kaibigan ko naman sila.

Hindi na ako muling nagsalita dahil nahihiya na ako.

Nalaman namin na tita ni Theodore ang nakikita nila sa panaginip na babae. While, yung lalaki naman ay tito ko. Ang galing ng tadhana ano? Nandadamay sila. Mga leche.

Alam niyo ba kung bakit namatay yung babae? Tinulak lang namin ng nobyo niya sa tulay. Alam niyo din ba kung bakit namatay yung lalake? Binaril ng manliligaw ng lalaki dahil nakita niya na tinulak niya ang babae.

Kanino namin nalaman? Sa mga relatives ng namatay.

"Mauna na kami, Vivienne. Masyado kaming busy sa trabaho. Goodbye..." As usual, si Pixie na naman ang unang nagpapaalam.

Lagi din naiiwan si Adrianne dito para ibuhos ang nararamdaman niya. Naaawa nga ako sa lalaking 'yan. 'Ni hindi nga kumakain ng umagahan 'yan.

Lumabas na kami ng gate ni Vivienne. Pinagawa namin 'to dahil laging dumadalaw si Adrianne dito.

Hanggang sa muli, Vivienne... Paalam...

Rest in peace.

END OF KHS SERIES 1

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon