Kabanata 38

66 8 0
                                    

Kabanata 38

Inayos ko lang ang gamit ko, hindi na ako naligo dahil dederetso ako matutulog.

Bumaba na kami ng mga kaibigan ko sa barko, at dumeretso sa hotel. Mukhang kilala ako ng karamihan dahil may itinuro sila na pag-sstayan ko daw, si kuya nanaman ang may kagagawan neto!

Ka-roommate ko nanaman si Adrianne at Daniel, kaya naman alam na nila ang dapat gawin. Kundi matulog, Zzzzzzzzz......

KINABUKASAN, sadyang nagising nalang ako, pumasok ako sa cr at naligo. Ang sinuot kong damit ay jeans na black, white plain t-shirt, balck rubber shoes, at nagtali ako ng terentas. Nakahikaw ako ng panglalaki na parang adik pero nevermind.

"Vivienne, ikaw nalang ang hinihintay namin! Tulog mantika ka! Tara na sa dining area!" Anyaya ni Azariah tapos hinila ako.

Pagkadating namin sa dining area, blanko ang mukha ko.

Hindi ko inaasahan na meron sila rito, "Good morning..." Dumeretso akong umupo na parang hindi ko sila nakita't narinig.

"Hindi mo manlang ba sila babatiin? Vivienne?" Alam mo ba yung feeling kapag may pasipsip kang kapatid? Bwisit! Tinignan ko lang siya at bumalik sa tingin ng kinakain ko.

"Ehem.. Um, students, this is mr. Nico Abram Bonheur and mrs. Diana Grace Bonheur. Parents of the owner of this Island." Nakangiting sabi ni miss Dimple habang tinuturo ang mga magulang ko. All greet my parents, maliban sa akin, of course.

Hindi ko na kaya!

Tinaas ko ang kamay ko upan magtanong dahilan para mapunta ang atensyon nila sa akin.

"Yes?" Tanong ni mr. Jackson.

"Anong activity ang gagawin natin ngayon... Po?" Napipilitang galang na sabi ko.

"Mag-Sky diving, zipline at dahil may circus sila rito, pupunta tayo roon. Bukas naman ay snorkeling, at magbabangka. Or should I say, sa dagat tayo bukas kaya naman, magswim suit kayo. Mga girls, 'wag masyadong malaswa ang isusuot ah."

Nagsitilian nanaman ang mga babae, like what the eff?!

"Wait!—" nagulat naman ang iba sa sigaw ko, "ang dami natin, papaano natin gagawin?... Po?"

"Actually, limang babae't limang lalaki lang per school ang mag-chachallenge.. Tapos... Sa last day natin dito, pwede nang gawin ng ibang hindi nakasali, kaso... Sila na ang magbabayad.." Nakangiting usal ni miss Bliss, okay?

Pagkatapos namin kumain, binigyan kami ng 30 minutes para magpahinga at maghanda.

Hindi kami nagkasya sa iisang elevator kaya sa katabing elevetor nalang kami ni Daniel, Azariah at Adrianne. Pero may pumasok, si kuya., hindi ko siya pinansin.

"Vivienne, um..." Nauutal siya, "um, m-may family dinner tayo m-mamaya..."

"Meron sila lolo't lola?"

"W-wala..."

"Edi, pwede bang hindi pumunta? O magsasama ako ng dalawa kong kaibigan? Mamili ka." Halatang nagulat naman siya pero bumalik din siya sa ulirat.

"Sige, m-magsama ka nalang ng dalawang kaibigan. Dalawa lang." Iniinis ko lang naman siya, kumagat naman. Sige, pagbigyan para hindi na maulit.

"Basta, hindi na 'to mauulit..." Walang emosyon na sabi ko dahilan para manlaki nanaman ang mga mata niya.

"Bakit?" Hindi niya maiwasang magtanong.

"Kasi, lalayo na ako sa inyo. After this camping. Dahil mukhang alam niyo na kung saan ako nag-aaral at nakatira." Alam kong labag sa loob kong sabihin sa pinakamamahal kong kapatid, noon.

"B-bakit?" Nababasa ko sa mga mata niya ang lungkot.

*Ting*

Buti nalang nasa floor na kami ng mga VIP, kaya hindi ko na masasagot ang tanong ni kuya. Nauna na akong maglakad, patungo sa silid namin.

"Sissy, kawawa si kuya Zedekaih oh. Naiwan na nakatulalansa ere na lumuluha." Kwento ni Daniel sa akin dahilan para mapatulo na rin ang kanina pang nangigilid na luha ko.

"Ang drama niyo!" Reklamo ni Azariah, nang makarating na kami sa silid namin, doon ko lang pinunasan ang mga luha ko.

Kinuha ko ang black na sling bag ko at nilagay ang bubble gums, selpon, power bank, wallet na may pera of course at kung ano pang mga importante.

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon