Kabanata 49

76 7 0
                                    

Kabanata 49

"Pwede po namin kayong ipakulong ng kidnapping kung hindi niyo po siya ilalabas!" Napasigaw na rin si Pixie, alalang-alala siguro ito sa kaibigan niya.

"Umalis na kayo!"

"Hindi... Hindi po kami aalis! Ipapasok niyo na po kami sa kubo niyo, kung ayaw niyo pong makulong!" Sabat naman ni Theodore.

"Pabayaan niyo na lola..." Nagulat kami sa nagsalita—it's Stacy!

"S-Stacy!" Mangiyak-ngiyak na tawag naming lahat.

"Ako nga," mukha siyang sinapian na ewan.

"Come here, Stacy..." Pixie spread her arms to hugged her friend but Stacy didn't answer. What's wrong with her?

"Mga plastik!" Umawang ang bibig ko nang sabihin niya ang mga salitang 'yon, hindi 'to siya.

"S-Stacy, what do you mean?" Nagtatakang tanong ni Melody.

"Hindi ako si Stacy! Ako si Delia!" Nanlaki ang mga mata ko. Sinasaniban siya! Bumaling ako sa matandang babae na nakangisi.

"Ano ang ginawa mo sa kanya?!" Nagagalit na ako, pati pa naman ang kaibigan namin idadamay, eh naging tambayan lang naman namin 'to.

"Wala," pormal na sagot niya, bumuntong hininga ako.

"Ano ba ang pangalan mo? Yung kompleto mong pangalan?!" Galit na galit na ako, hindi ko alam kung bakit.

"Ang pangalan ko ay Vanessa Achoria," nakangising aniya.

"A-achoria?!" Sabay tingin kay Theodore at tumingin nanaman kay Vanessa. "Kaano-ano mo siya?!" Turo ko kay Theodore.

"Hindi ko 'yan kakilala," nakakunot na ang noo ni Vanessa, dahil panay tanong ako.

"His name is Theodore Achoria!" Singit naman sa usapan ni Melody.

"Sino ang ba ama mo?!" Galit na rin si Vanessa.

Tumingin ang lahat kay Theodore, "S-si Johnny po..." Nauutal na sagot niya.

"S-si Johnny?!" Nagulat naman kami nang sumabat si Stacy or should I say Delia, sa usapan.

"O-opo," tatango-tango pa na sagot ni Theodore.

Bakt ang baduy ng pangalan? Ay, peace...

"Anak ko siya," tumingin ulit kami kay Stacy na sinasaniban ni Delia.

"Ha!" Suminghal ako, "Anak mo siya?! Eh namatay ka nga!" Sinampal ako ng matanda na si Vanessa.

"Oo namatay siya, pero ang anak niya ay hindi namatay!"

"O, eh ano bang pake namin?! Ibigay niyo na si Stacy sa amin, wala naman kaming kinalaman sa problema niyo! Nandadamay!" Singhal ko ulit.

Sinampal ulit ako, PUTANGINA! BAKIT BA SIYA SAMPAL NANG SAMPAL?!

Bakit ba ako nagagalit? Eh, ano bang pake ko?!

Wala sa sarili kong sinampal din siya, napansin kong nagulat silang lahat, pati na ako.

"Walang modo!" Sigaw naman sa akin ni Vanessa.

"Vivienne, tama na..." Si Azariah lang naman ang nakikiusap na hinahawakan pa ang braso ko kasama si Daniel.

"Ibigay mo na si Stacy sa amin!" Sigaw ko nanaman, what's happening to me?!

Tinulak ko yung mga humahawak sa braso ko, OMG! Ano ang nangyayari!?

Azariah Hillee Dran POV

Tinulak kami ng malakas ni Vivienne, aray ko naman! Ano bang nangyayari sa kanya? Parang siyang sinaniban.

"Vivienne!" Sigaw kami nang sigaw pero mukang wala siyang naririnig.

"IBIGAY NIYO NA SA AMIN SI STACY!" Sigaw ni Vivienne kay lola Vanessa at bumaling kay Stacy. "IKAW NAMAN, UMALIS KA NA SA KATAWAN NI STACY KUNG AYAW MONG PATAYING KITA!" Lagot...

Sinenyasan ko yung mga lalaki na hawakan si Vivienne ngunit napansin ko na mas malakas si Vivienne. Hindi naman siya ganun kalakas, at... Hindi ko rin siya nakitang ganyan magalit.

Ang tanging alam ko lang ay... Siya na ang sinasaniban.

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon