Kabanata 40

70 8 2
                                    


"Hey, dalawa nalang tayo." Anyaya ni Theodore kay Azariah na ngumiti ng matamis, halla. May hindi ba 'to sinasabi sa akin?

"Sige—" pinutol ni Yanyan ang sasabihin ni Azariah.

"Ako nalang..."

"Huh? Akala ko ba tayo?" Reklamo ni Palm, wtf?!

"Hoy, ang inggay niyo! Azariah, pumili ka na!" Reklamo ko dito dahilan para mapalunok si Azariah ng dahan-dahan.

"Tayo na kasi! My Yanny!" What? Saan niya kinuha ang pangalan na 'yon?

"Oo na, sige na! Ang dami mong satsat!" Nakakunot ang noo ni Yanyan kay Palm, hahaha, napahiya ka tuloy.

Sa huli, magkapartner si Theodore at Azariah.

"Students, kayo na ang susunod!" Sigaw ni miss Bliss sa amin.

Tinignan ko ang huling kalaban, yung babae kinakabahan, habang yung lalaki, enjoy na enjoy. Sa huli, hindi sila sumigaw.

"Sunod na kayo, mauna ay si Yanyan at si Palm, sunod ay si Elio at si Ellis, pangatlo sy si Daniel at si Bianca, pang-apat ay si Theodore at Azariah at ang panghuli ay si Adrianne at Vivienne." Hay, salamat.

Nang maayusan na yung dalawang nauna ay pinanood ko sila, kitang-kita ko na gustong-gusto ni Palm sumigaw pero alam niyang mapapahiya siya kaya tinabi niya nalang ito at si Yanyan naman ay naboboring.

Sumunod kong pinanood ay sina Elio at Ellis, enjoy na enjoy ang dalawa, parehas silang hindi takot sa heights.

Ang pangatlo naman ay si Daniel at Bianca, parehas silang nakapikit at pinipigilan sumigaw. Halla, sissy 'wag naman! Sa huli natakot lang sila, hindi sila sumigaw.

Ang pang-apat ay si Azariah at Theodore, dahil pareho silang may topak, pareho silang boring.

Kami na... "Are you ready?" Tanong sa akin ni Adrianne habang nakasakay kami, ngumiti ako at sinabing, "ready."

"Go..." Yun na nga, enjoy na enjoy kaming dalawa ni Adrianne dahil pareho namin gustong maging piloto, I'm not scared of heights.

Tinignan ko ang mga estudyante sa isang tabi, nakita ko si Gerard at Melody na nakayakap sa isa't isa.

Ouch. Bakit hindi pa ako nakakamove-on?

"Are you okay?" Napansin ata ni Adrianne na natahimik ako kaya naman senenyasan ko sila Gerard at Melody gamit ang mga mata. "Okay lang yan, alam siguro nila na tayo na kaya sila nagkakaganyan." Napangiti naman ako sa sinabi niya, how to be so mabait?

Natapos na kami sa zipline kaya sumunod sa sky diving.

"This time, nakita ko ang mga hindi takot at mga natatakot sa heights, kaya naman ang pipiliin natin ngayon ay si Azariah, Ellis, Vivienne, Theodore, Adrianne, at Yanyan." Syempre, magrereklamo nanaman yung isa riyan. Walang iba kundi si Palm.

"Pero miss—" hindi na naituloy ni Palm ang sasabihin dahil sinamaan siya ng tingin ni miss Bliss, buti nga sa'yo...

Pumunta kami sa pinakaharap, at sinabi na rin ni miss Bliss na gagawin namin 'to mag-isa. I wonder, bakit kaya dumami na yung mga pasyalan dito? May circus na rin, they can do it WITHOUT me.

Mauuna si Azariah, sunod si Ellis, Ako, Theodore, Adrianne and Elio.

May na-disqualify na kanina na paaralan kayo, umuunti na kami. Nang makasakay si Azariah, mukha siyang nabo-BORING! Syempre may mga topak kami, nuh.

Sumunod si Ellis, nakikita ko kung paano siya pumikit at pinipigilan sumigaw. Sa huli, hindi siya sumigaw.

It's my turn, One. Two. THREE!!!

Woah, na-a-amaze ako sa view... Woah... Nakangiti ako habang nag-s-sky diving, at nung matapos ko na, nakaramdam ako ng hilo, WTF?!

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon