Kabanata 42

63 7 0
                                    

Kabanata 42

NANDITO na kami sa kwarto, nag-aayos. May family dinner kasi kami, 'diba? Ang isasama ko si Adrianne at Daniel, ayaw naman kasi ni Azariah dahil mag-mo-movie marathon sila.

I am just wearing pantulog, na magkaterno. Sila Daniel at Adrianne nagulat sa ayos ko dahil mga naka-tuxedo pa sila. Whahahaha—pilit.

"Ang poporma ah?" Sinisikap ko hindi maging sarkastiko.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Adrianne.

"Dinner lang yon! Magpalit kayo! Kung gusto niyo naman hindi magpalit o 'di sige... Tara na," nakangiti ako na nakakaloka at lumabas ng kwarto.

Nadatnan naman namin ang pamilya ko sa dining area, private. As in private.

"Bakit ang poporma niyo ata?" Tanong ko sa lahat. Ako lang kasi yung nakapangtulog. Ngumiti lang sila sa akin, okay. Back to normal.
"Bakit niyo pala ako niyaya?" Tanong ko.

"Actually, we need to give you something." Sabay-sabay si mom, dad, at Haelynn na naglabas ng REGALO?!

"Bakit? Malayo pa ang birthday ko, hindi ko matatanggap yan."

"No, it's a Graduation gift." Kaya pala, walang nilabas si kuya dahil nauna siya kanina.

Una kong tinignan yung kay Haelynn, it's a car key. Tinignan ko yung papel, nagulat ako dahil ito yung gustong-gusto ko na kotse.

"It's a car, tinanong ko kasi kay kuya kung ano ang paborito mong kotse kaya... Yan." Pagsasalita ni Haelynn, binalik ko naman yung susi at ang papel sa box at sinunod kong binuksan yung kay mom.

"It's a house and lot, with helicopter, tinanong ko rin kay lola't lolo mo kung ano yung ginamit mo kung paano ka natutong magpalipad ng mga eroplano. At nandiyan na rin pala yung  address kung nasaan yung bahay, at helicopter mo—"

"Nandoon din yung kotse na regalo ko." Singit ni Haelynn.

"Malapit din yung bahay na 'yan sa bahay na tinitirhan niyo ngayon." Bakit niya alam kung nasaan ako nakatira? But... It's alright.

Sumunod kong binuksan, yung regalo ni dad. Papel din ito at may ATM din doon.

"Eroplano yan, someday magagamit mo rin 'yon at yang ATM? Para sa needs mo yan." Ang dami ko nang eroplano.

Binalik ko yung papel sa kahon at nagtanong, "nasaan sila lolo't lola?" Napansin kong nagulat naman sila sa tanong ko dahil ang layo 'yon sa pinag-uusapan.

"Nasa isla mo, inaalagaan nila 'yon dahil sabi nila, someday, uuwi ka roon." Si kuya ang sumagot sa akin.

"Hmm... Oh," binalik ko yung mga regalo nila, mas nagulat naman sila.

"B-bakit?" Nauutal na tanong ni dad.

"Sa inyo nalang..." Nakakunot na ang noo ko.

"Kunin mo na," tinignan ko si Daniel para magtanong kung tatanggapin ko, tumango naman siya. Si Adrianne naman ang tinignan ko, tumango rin siya. Edi no choice, kinuha ko ulit at kumain.

"Malapit na pala ang debut mo..." Tinignan ko si kuya habang sinasabi niya 'yon.

"After graduation pa 'yon, bakit pupunta ka ba?" Sarkastikong tanong ko.

"Pwede ba?" Pambabara ni Haelynn, putakte, hindi naman siya yung kausap ko eh.

"No, never." Nagulat sila sa sagot ko.

Paagkatapos namin kumain, nagpaalam na kami. Nang makarating na rin kami sa silid namin, nag-mo-movie marathon lang sila, dumeretso kami sa kwarto naming tatlo at nagpalit sila, ako naman ay nilagay ko sa malets ang mga regalo nila.

"Hindi kayo sasali sa kanila?" Nagtatakang tanong ni Adrianne.

"No, matutulog na ako." Sagot ni Daniel.

"Ako rin, goodnight." At natulog na nga ako.
Zzzzzzzzzzz.....

"STACY!!!" Sigaw lahat ng mga barkada ko at ako naman ay tinutulak si Stacy? Huh? What am I doin'? Nakita ko naman na nakangisi si Theodore na katabi ko? What?

Nang mahulog si Stacy, tinanaw ko siya sa baba. May kumuha sa kanya, matandang babae, nakasuot ng salamin at kulay puti ang mahahaba niyang buhok.

Pinunta siya sa isang kubo, at pinagaling siya...

NAGISING nalang ako dahil sa inggay sa labas, what? What was that? Panaginip nanaman?

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon