Kabanata 13
"Class dissmiss!" Pagkasabi ni Miss ng mga salitang yan, nagmadali kaming mag-ayos maliban kay Azariah na animong tulalang tulala pa.
"Azariah!" Tawag ko sa kanya at doon lamang siya natauhan.
"Ah, ano ulit yon?" Naguguluhan na tanong niya.
"Wala akong sinasabi pero, magmadali ka na baka iwanan nila tayo! Lalo na't si Melody ang driver!" Sinunod niya naman ang sinabi ko. Hinintay ko pa siya bago natapos.
"Bakit parang lutang ka?" Wala sa sariling tanong ko.
"Ah-eh, w-wala." She's lying!
"Yung totoo."
"Alam mo yung..." Tumingin muna siya sa mga mata ko at muling nagsalita. "Mamaya nalang sa kwarto."
"B-bakit sa kwarto mo pa?"
"Kasi... Kakausapin ko kayong dalawa lang ni Vivienne. It's private."
PAGKAUWI namin, nagsi-deretso muna kami sa kani-kaniyang kwarto upang maligo. Lumabas ako ng kwarto ko, sakto naman na kakalabas din ni Azariah at Vivienne.
"Pagkakataon nga naman," Bulong ko para walang makarinig.
"Pumasok kayo dito, bilis." Bulong ni Azariah, sapat na para marinig namin kaya sumunod kami. Ini-lock ni Azariah ang pinto bago magsalita. "Kayo lang ang pinagkakatiwalaan ko, kaya kayo nalang ang sasabihan ko." Nagkatinginan kami ni Vivienne pero sandali lang yon.
"Ano naman ang sasabihin mo? Mamaya hanapin ako ni Gerard." Napatingin kami sa sinabi ni Vivienne.
"Yung... Yung lalaki na tinuro mo sa letrato, ano ulit yung gitna niya?" Kinakabahan na tanong ni Azariah kay Vivienne.
"Logan," maikling tugon ni Vivienne na parang tamad magsalita.
"M-mga... Mga kamag-anak namin ang mga Logan. Siya s-siguro yung kinekwento ni Tita noon na kapatid niyang namatay sa hindi alam na dahilan." Napatitig nalang kami ni Vivienne kay Azariah nang banggitin niya ang mga salitang yon.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Hindi ko maiwasang hindi magtanong ngunit hindi siya naka-salita nang biglang sumatsat si Vivienne.
"Siguro? Hindi ka pa sigurado?" Kung ako ang tatanungin sarkastiko ang mga salitang binitawan ni Vivienne.
"Actually... Sigurado na ako. Minsan na naming dinalaw sa sementeryo ang tito ko daw, at nabasa ko rin ang pangalan niya. Kaya sigurado na ako."
"Kung ganon, tama ka siguro. Tito mo siya pero, ang pinagtataka ko lang kung bakit Achoria rin ang apelyido ng babae?" Nagtatakang tanong ni Vivienne Sabay tingin sa akin. "Any idea?" Tanong niya sa akin. Umiling lamang ako bilang sagot. "We need to find out." madiing sabi ni Vivienne.
"Pero paano? Kung walang ideya si Theodore?" Nagtatakang tanong ni Azariah na kumunot pa ang noo.
"Hindi lang naman si Theodore ang Achoria, diba?" Sarkastikong sabi ni Vivienne.
"Paano yan? Sasabihin ba natin sa mga kasama natin?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi muna ngayon," naglalakad na sabi ni Vivienne papuntang pinto. "Dahil isa sa atin ay traydor." Binuksan niya na ang pinto at lumabas. Naiwan kami ni Azariah na puno ng pagtataka.
"Traydor?" Wala sa sariling usal ko.
"Hayaan mo muna si Vivienne, kilala ko siya. Matalino siya kaya hayaan na muna natin siyang alamin ang traydor na sinasabi niya." Bulong ng katabi ko at umalis. Traydor? May ganon pa sa amin? Ano kaya ang ibig sabihin? Bakit may nagtraydor pa?
Hindi kaya...
_
Katrina Estrella
![](https://img.wattpad.com/cover/226026707-288-k809688.jpg)
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HorrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...