"Vivi!" Lumingon ako kay Elio na tumawag sa akin.
"Oh, Pres... Saan yung pwesto ng section natin?" Tanong ko sa kanya, inagaw niya naman ang dalawa kong maleta at tinuro kung saan kami magtatayo ng tent. Nang kunin ko ang tent ko ay nagsimula na akong itayo ito.
"Tulungan na kita..." Nagulat ako sa sinabi ni Gerard.
"Hindi na, tinutulungan na ako ni Elio. Doon ka nalang." Sabay turo kay Melody, napapahiya naman siyang lumayo. Maya-maya pa ay natayo na namin ni Elio ang tent ko.
"Iwan na muna kita dito, may aasikasuhin pa ako. Bye Vivi, see you around." Nakangiti ko siyang tinanguan at nagpasalamat.
Pumasok na ako sa loob ng tent ko at inayos ko na ang mga gamit ko dito, ang unan, ang laptop, ang powerbank, ang taguan ko ng pera para hindi ako manakawan at ang—
Nagulat ako dahil pinasok ako ni Gerard, "Anong kailangan mo?" Sinikap kong hindi mautal.
"Ikaw, ikaw ang kailangan ko. Please,
comeback." Nagmamakaawang aniya."No... Ayoko na, kasi na-realize ko nalang na... Hindi pala ikaw ang mahal ko." Nakangiti kong sagot.
"Sino?! Si Elio?! Si Theodore?! O si Adrianne?!" Nagulat ako nang sigawan niya ako.
"Isa sa kanila! Kaya, umalis ka na!" Sigaw ko din habang pinaghahampas pa ang dibdib niya pero ganon nalang ang gulat ko nang hulihin niya ang dalawa kong kamay at hinawakan ng mahigpit.
"Comeback to me... Kung ayaw mong may gawin ako sa iyong masama!" Kinilabutan ako sa bulong niya na yun, Kaya nanghina at naiyak ako.
"Tigilan mo na ako! Hindi na kita mahal! " Mangiyak-ngiyak na sabi ko ngunit nagulat ako nang halikan niya ako ng mariin, pinipilit kong kumawala pero wala akong magawa mas malakas siya. Nang tigilan niya ang paghahalik sa akin, sumigaw sigaw ako.
"Tulong!" Pero nagulat ako nang itali ni Gerard ang mga kamay ko. "A-anong gagawin mo? Anong gagawin mo?" Sinikap kong hindi mautal para hindi niya mapansin na nanghihina na ako. "Tulong! Tulungan niyo ko!" Sigaw ko ulit.
"Vivienne?" Nagulat ako nang may isang pamilyar na boses ng lalaki na tumawag sa pangalan ko. Sisigaw sana ulit ako kaso tinakpan ni Gerard ang bibig ko gamit ang palad niya kaya kinagat ko ito at muling sumigaw. "Tulungan mo ako!" Hindi na ako sinagot ng lalaking tumawag sa akin dahil pumasok na siya ng tent ko. Si Adrianne.
"V-vivienne? Gerard? Walang hiya ka!" Pinagsusuntok niya si Gerard at tsaka lang tinanggal ang tali ko. Wala sa sarili kong niyakap si Adrianne.
"Sabi na nga bang ikaw yon eh, salamat." Bulong ko.
Azariah Hillee Dran POV
Nagagandahan ako sa tent namin, lalo na't magkakaiba ang kulay.
Kay Theodore ay kulay pula, kay Melody ay kulay yellow, kay Pixie ay kulay violet, kay Gerard ay kulay asul, kay Daniel ay kulay pink, kay Vivienne ay kulay itim, kay Lexi ay kulay pink, kay Julian ay kulay itim din, ang apat na lalaki na ito ay kulay itim pare-pareho at ang akin ay kulay white.
"Azariah! Tawag na tayong lahat sa restaurant..." Tawag na ako ni Lexi kasama si Julian.
"Nakita mo ba si Vivienne at Gerard?" Tanong ni Julian sa akin.
"Huh? Hindi ko sila kasama, bakit? Nasaan ba sila?"
"Wala sila roon eh... Baka nga magkasama sila."
Napahinto ako sa paglalakad at umawang ang bibig ko."Ano?!" Malakas na tanong ko.
"Bakit?" Sabay na tanong nila.
"Diba, hiwalay na sila? Baka... Baka... Tara na nga, bumalik!" Utos ko sa kanila dahilan para sumunod sila. Pumunta kami sa tent ni Gerard pero wala siya roon, sunod sa tent ni Vivienne at hindi naman kami nabigo.
Bumungad sa amin ang nakayakap na si Vivienne kay Adrianne at si Gerard naman ay namimilipit sa sahig.
"Anong nangyari?" Malakas na tanong ko dahilan para mapansin kami.
_
Katrina Estrella

BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HororUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...