Kabanata 43
Theodore Achoria POV
"STACY!!!" Sinigaw ng mga kaibigan namin, nagulat nalang ako nang itulak ni—VIVIENNE?! si Stacy?! Ano ang ginagawa namin? Tinignan ko yung nahulog na si Stacy, kinuha siya ng matandang babae, puti na ang kanyang mahahabang buhok at nakasuot siya ng eye glass.
Inuwi siya ng matanda sa isang kubo, maliit na kubo, madumi at may amoy. Pinagaling ng matanda si Stacy doon.
NAGISING nalang ako nang may yumuyugyog sa akin, si Azariah!
"Binabangungot ka!" Lumuluha na pala siya, kaya naman kwinento ko lahat ang nangyari.
"Pati ba naman dito, sinusundan tayo?!" Nagulat kami sa sumigaw, si Vivienne na kakapasok lang.
"Kanina ka pa riyan?" Tanong ni Azariah sa kanya.
"Oo, kasi nanaginip din ako! Yung matandang babae na 'yon! Pupuntahan natin siya kapag nakauwi na tayo!"
"Teka... Ano ba ang napaniginipan mo?" Nagtatakang tanong ko. At ayun na nga, kwinento niya ang napaniginipan niya, magkaparehong-magkapareho kami. Paano nangyari 'yon?
"Pwede bang... Huwag niyo munang sabihin kahit kanino yung mga napaniginipan niyo? Kahit sa mga kaibigan natin." Suggest ni Azariah.
"Wait, why?" Nagtatatakang tanong ko.
"Basta,"
"We trust you, Azariah.." Sabi naman ni Vivienne at umalis, yun na yon?
Vivienne Bonheur POV
Habang kumakain kami, naguusap-usap sila tungkol sa mga movies na pinanood nila kagabi, in fairness, hindi sila naboring, may naririnig kasi ak osa kwento nila na iba't ibang genre, tulad ng horror, romance, action, at fantasy.
Kami ni Daniel, hindi kami nakakarelate kasi nga natulog na kami dahil sa pagod.
"Guys, anong oras na?" Nagtatakang tanong ni Anxiety.
"7:21 am at oo nga pala, sabi ni miss Bliss bandang alas-otso, nandoon na dapat tayo..." Explain ni Yanyan.
"Ano ang susuotin niyo, mga friendships?" Tanong ni Pixie sa lahat, "ako kasi, short na swimsuit at katerno niya yung longsleeve, of course."
Sa huli, nalaman namin na magkakapare-pareho kami ng susuotin, kulay lang ang naiiba.
Kaso ang akin ay parang leggings? Ayaw ko kasi mag-short. Nagpalit na kami ng mga damit, of course kulay itim nanaman ang suot ko. Nag-sunblock na rin ako para hindi ako umitim. Ang dala ko ngayon ay sling bag, na laman ang selpon, power bank, money and of course kahit ano pang importante."Bakit may bag ka?" Nagtatakang tanong ni Daniel sa akin.
"Para sa importante lang 'to, dala mo yung kamera mo ah? Pic-pic tayo, tinawag ko na rin yung nagpicture sa atin noon sa barko, sasama siya dahil kukuhaan ulit tayo ng picture." Naka-eye glasses ako at beach hat. Earings? No. Necklace? No. Make-up? No. Sandal? No. Tsinelas? Yes. Hahahaha—pilit.
"Tara," anyaya niya kaya pumunta na kami, nadatnan namin ang dami ng mga estudyante, almost 80+? Siguro.
May mga naka-bikini, mga naka-payong at kung ano pang kaartehan. Psh.
_
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
TerrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...