Kabanata 22
Theodore Achoria POV
Nang matapos ko nang maligo, dumeretso na ako sa tent ko at nagselpon hanggang sa makatulog ako...
Azariah Hillee Dran POV
Ginawa ko muna ang tour ko tuwing gabi bago ako manood ng vlogs ni Daniel na pinost niya, tawa pa ako ng tawa dito dahil pinapakita niya yung mga nakatulog kanina sa bus, si Melody, Pixie, Lexi, Julian, Azariah, Gerard, Anxiety, Adrianne, Daryl, ako at si Yanyan. Parang tumigil ang mundo ko nang makita ko an mahimbing na natutulog na si Yanyan.
*Dug*Tug*
Wtf?! It can't be! Sinara ko na ang laptop ko at pinilit matulog.
Mahal ko na ba si Yanyan? Ano yon? Love at first sight? Eww!
Lexi Calcirein Saranay POV
Magkatabi kami ngayon ni Julian sa tent ko, alam namin na bawal pero mapilit kami, ez...
"Baby, okay ka lang?" Tanong ni Julian sa akin.
"Of course... Naalala ko lang si Stacy, I miss her so much."
"Yeah, me too." Pilit na ngiting tugon niya.
"Pero... Nasaan kaya yung katawan niya?"
"I don't know. You don't know. We don't know."
"Yeah, right. Tulog na tayo, I love you baby. Good night."
"I love you too, good night."
Pixie Gazette POV
Kasalukuyan akong umiinom ng alak na patagong paraan... Hindi na ako nag-abalang sindihan ang ilaw dahil makikita ang anino kong umiinom ng alak kaya, titiisin ko nalang ang ilaw mula sa buwan.
Bakit nga ba ako umiinom? Dahil nababaliw na ako! Nababaliw na ako dahil hindi manlang
nag-aalala ang mga kaibigan ko kay Stacy! Gustong-gusto ko na siyang hanapin kaso wala naman akong kasama. Hindi kasi nila nararamdaman ang nararamdaman ko. Hindi silang naging totoo. Paano nalang kung ako ang nahulog? Ganito rin kaya ang gagawin nila? Mga walang pakealam? Binabalewala lang nila, na parang walang nangyari?Hindi ko napansin na basang-basa na ako
kaka-iyak. Bakit kasi hindi sila naging totoo? Kung alam ko lang na ganitong sila, edi sana hindi na ako nag-abalang makipagkaibigan sa kanila. Mga bwisit.Unti-unting dumidilim ang paningin ko hanggang sa doon nalang ang naalala ko.
Daniel Liqueur POV
Naninigarilyo ako habang hinihintay ma-ipost ang mga videos ko. Ang tagal naman.
Nang ma-ipost na ang videos ko ay tsaka ko lang tinapon sa labas ang sigarilyo ko at natulog.
Gerard Faeriffer POV
Magkatabi kami ngayon ni Stacy na matulog.
"Hey, naghihinayang ka ba?" Tanong niya.
"Huh?"
"You know what I'm talking about..."
"Ahh... No, hindi ako naghihinayang. Bakit?"
"Oh sure? Halata nga..."
"Bakit ba? Gusto mo nanaman bang paalisin nanaman kita dito dahil lang doon?"
"No... Sorry, hihi. Let's just sleep.." Hindi ko inaasahan na halikan niya ako ng isang segundo. "Night." Bulong niya.
Adrianne Shone Demkai POV
Hindi ako makatulog kaya napagdesisyunan ko na lumabas at pumunta sa dagat. Ngunit napahinto ako nang makita ko ang isang pamilyar na babae na nakaupo sa buhangin.
"Vivienne..." Mahinang tawag ko dahilan para lumingon siya sa akin. Nakita ko naman na pinahidan niya ang mga luha na tumutulo, Lumapit naman ako sa kanya at tumabi.
"Why are you crying?" Mahinang tanong ko."Ahh... Wala 'to, b-bakit ka pala nandito?" Aaminin ko na sinisikap niya lang na hindi mautal.
"Wala, hindi ako makatulog..."
"Ahh... Nakikita mo ba ang mga batong yan?" Tanong niya at tinuro ang mga bato, maliliit na bato.
"Oo, bakit?"
"Bilangin mo..." Nawiwirdohan man ako pero sinunod ko pa rin ang sinabi niya.
Nang mabilang ko na ang mga bato ay sinabi ko na sa kanya, "Eleven..."
"Ask me eleven question, ganun din ako sa'yo. Basta, walang sinungaling."
"Cool, madami pa naman akong gustong tanungin sa'yo... For my first question, what's your favorite color?"
"Ang dali naman, Pink and black." Nakangising aniya. "How 'bout you?"
"Black and white. My second question is, what's your favorite food? Dessert? Drinks? Ulam?"
"Dessert is cake, chocolate and vanilla flavor. Drinks is milktea, at ang ulam na paborito ko ay mga hipon... Kahit anong luto basta hipon. How about you?"
"Cake rin sa dessert kaso blueberry ang flavor, sa inumin ay wines at ang ulam naman ay kaldereta. Ano naman ang paborito mong lugar?"
"Ako? Hmm... Gusto ko ay yung tahimik, parang ganito... Yung tanging naririnig mo lang ang ang hangin, huni ng mga ibon tuwing umaga, ang makita mo kumikislap ang mga bituin, ang paghampas ng alon sa ere at ang mga sumasayaw na puno. Sa madaling salita, I love natures. Ikaw?"
"Pareho pala tayo..."
"Hmm.. Makakapagpokus ka kasi sa anumang ginagawa mo kapag ganun."
"Next question... Mahal mo pa ba ang ex mo?"
Halatang nagulat naman siya sa tanong ko._
Katrina Estrella
BINABASA MO ANG
Vivienne Bridge
HorrorUs Series #1 | unedited Maganda sa paningin namin ang tulay na hindi namin inaasahang may misteryo pero nang tumagal, makikita namin kung ano ito. Masyadong maraming iniisip namin, 'ni hindi nga namin namalayan na... merong bumabagabag sa amin. "Fri...